“HEY, dude!” tawag ni Mathaias kay Ephraim ng makita niya ito sa gym. “Bakit narito ka? Akala ko ba sasama ka sa akin sa pamamasyal?” tanong nito ng makalapit ito sa kaibigan. Ngunit patuloy pa rin ito sa paghagis ng bola sa basket. “Dude, may problema ka ba?” nag-aalalang tanong nito. Tumingin ito sa kaniya at saka doon lamang ito huminto. Naupo ito sa tabi ng kaibigan saka bumuntong hininga.
“Math, I think i’m inlove,” saad nito sa kaibigan. Matapos ay bumuntonghininga. “She’s so beautiful, and her voice is so sweet! F**k men, pakiramdam ko matutunaw ako sa tingin niya kanina matapos niyang ngumiti sa akin.” Wika nito, habang nakatingin sa kawalan.
“Saan mo naman siya nakita? Mukhang maganda nga kasi halos mawala ka na sa katinuan. You look S**t right now!” natatawang wika ni Mathaias kay Ephraim. Tumingin ito kay math at biglang umigkas ang kamay nito para batukan ang kaibigan. Ngunit mabilis na umilag ito. “Whoa! That was close!” natatawa pa rin nitong wika. “Ang mabuti pa magpalit ka nan g damit mo. Sumama ka na lang sa akin. Let’s do some arcade games para naman mabawasan iyang kabaliwan mo, hihintayin kita sa parking area!” anito, saka naglakad palabas ng gym. Naiwan naman si Ephraim na nanatiling nakaupo sa bench, habang iniisip ang babaeng bumihag at nagpagulo ng kaniyang puso’t isipan.
NAGMAMADALING maglakad si Ephraim dahil mahuhuli na siya sa kaniyang huling klase, nang bigla na lang niyang nabangga ang isang babae, “I’m sorry!” hingi niya ng paumanhin dito habang dinadampot ang mga gamit na nalaglag sa sahig.
“No, it’s okay. Kasalanan ko naman, hindi ko kasi tinitignan ang dinaraanan ko.” Malumanay na wika nito kay Ephraim. Dahil doon tila nanigas ang katawan ni Ephraim.
“Good lord, is that an angel?” aniya sa sarili, kaya unti-unti niyang inangat ang kaniyang paningin, nang makita niya ito,agad na natulala ang binata nang makita ang maamong mukha ng dalaga. “H-hi, h-here’s your books, what’s you-“ napatigil si Ephraim sa pagsasalita ng biglang may lumapit rito na isa pang babae.
“Girl! Tara na bilisan mo!” anito, nang hawakan nito ang kamay at hinatak na palayo. Naiwan naman si Ephraim na nakatingin sa papalayong dalaga.
“Ephraim!” sigaw ni Mathaias mula sa pinto ng gym. “Bilisan mo, sigurado ako na naroon na sa mall yung mga kaibigan natin,” Wika nito sa kaibigan. Kaya naman mabilis na kumilos si Ephraim upang magpalit ng kaniyang damit.
SA MALL . . . .
“Math!” Sigaw nang kaibigan nila nang makita sila nito. Agad na lumapit si Mathaias at Ephraim saka binati ang kanilang mga kaibigan. “Mabuti at nakarating kayo, akala namin ay hindi kayo sisipot!” wika ng kaibigan nila.
“Pare, itong kasing si Ephraim mukhang na lovesick na!” sambit ni Math habang humihigop ng softdrinks sa baso. “Naku, delikado ‘yan! Ano ba ang pangalan?” tanong ng isa pa nilang kaibigan.
“That’s the problem ni hindi niya alam kung ano ang pangalan.” Sagot ni Mathaias. Nanatili lang na tulala si Ephraim dahil laman pa rin ng kaniyang isipan babaeng may mala-anghel ang tinig. Kahit magulo ang kaniyang mga kasama hindi ito naging alintana kay Ephraim upang isipin ang babaeng gumugulo sa kaniyang isip.
“Paano ko kaya siya makikitang muli? Kung bumalik kaya ako bukas kung saan kami nagkabanggaan? Tanong niya sa kaniyang sarili, hanggang sa umuwi sila ay umiisip pa rin ng paraan si Ephraim na makilala ang dalaga.
“Hey, Ephraim! Ang mabuti pa umuwi ka na. ang hirap mong kausap ngayon. Ihahatid na kita sa bahay mo, may mahalaga pa akong pupuntahan.” Ani Math nang makasakay sila ng kotse. Doon lang tumingin si Ephraim sa kaibigan at nagtanong.
BINABASA MO ANG
A night with you
RomanceIsang magaling at tapat sa trabaho, Iyan si Lihoi-Mina Galvantes, isang police Captain sa kanilang destrito. Ngunit isang pangyayari sa kaniyang buhay ang hindi niya inaasahan. Naimbitahan siya sa isang pagsasalo at naka inom, ngunit nagising na lan...
