"LIHO-MINA, sigurado ka ba sa sinasabi mo na iyan? nag-aalala ako," wika ni Manang tasing kay Mina.
"Manang, huwag po kayong mag-alala, tatawag ako kaagad kapag kailangan n'yo nang bumalik." nakangiting aniya ni Mina sa matandang kasambahay.
"Ikaw ang bahala, basta tawagan mo ako kaagad," bilin nito kay Mina at umalis na ito. Nang makita niyang nakasakay na ang matanda, bumalik na si Mina sa loob ng bahay, nagulat siya ng marinig ang pagtawag ni Ephraim.
"Mina, wala bang washing machine dito, ang sakit na ng kamay ko. parang may sugat na yata!" aniya ni Ephraim.
"Wala eh, sige na tapusin mo na iyan, para makakain na tayo." wika ni Mina kay Ephraim at saka lumapit siya rito upang halikan ito sa mga labi, agad na napangiti naman ito dahil sa ginawa ni Mina.
"Bilisan mo nang maglaba, sabay na tayong kumain." nakangiting aniya ni Mina at saka nagtungo ng kusina upang maghain.
Nakangiti ni Ephraim habang binibilisan ang pagkukusot ng mga damit ni Mina. "Ayus lang maglaba araw-araw basta ba may halik ako galing sa kaniya." masayang wika ni Ephraim sa sarili. halos patapos na siya nang marinig niyang tinawag siya ni Mina.
"Ephraim, kakain na tayo!" sigaw ni Mina.
"Nariyan na!" sagot ni Ephraim, kaya naman nagmadali siyang tumayo at naglakad patungo sa kusina nakita niya ang mga pagkain na nakahain, pritong isda at kamatis, ginisang gulay at hinog na mangga. nangunot ang noo ni Ephraim ng makita ang mga pagkain.
"Mina, ano yan?" tanong ni Ephraim.
"Ito ang pagkain natin." nakangiting wika ni Mina. "Maupo ka na, iyan lang ang kaya ko munang lutuin sa ngayon wala kasi si tatang Isko umuwi sa kanila dahil may sakit ang isa niyang anak. bawi na lang tayo pagbalik niya," wika ni Mina, ngunit nakita ni Ephraim ang pagngiti ni Mina, "Patay talaga ako!" kinakabahang wika ni Ephraim sa sarili. "Hindi pa naman ako kumakain ng ganito, paano ba ito kainin?" tila nahihirapan siya dahil bago sa kaniya ang mga ganoong klase ng pagkain.
Natatawa naman si Mina sa reaksyon nito. kaya naman lumapit siya rito at saka ipinagsandok ng kanin sa plato. naghugas siya ng kamay at saka kinamay ang pagkain. tila naguguluhan naman si Ephraim sa ginawa nito.
Kumuha ng ulam si Mina kasabay ng kanin at saka isinubo sa bibig ni Ephraim gamit ang kaniyang kamay.
Napapikit naman si Ephraim ng isubo ni mina ang pagkain na galing sa kaniyang kamay. ngunit habang nginunguya ang pagkain, tila nagiging masarap ito sa kaniyang panlasa. kaya naman kumuha na siya ng kutsara at siya na ang kumain mag-isa.
Natutuwa naman si MIna dahil nakikita niyang nag-eenjoy ito sa kanilang pagkain.
"Kanin pa please," malambing na anito kay Mina. agad namang ipinagsandok ni Mina si Ephraim ng kanin.
"Ganado ka kumain a, masarap ba?" tanong ni mina, Dahil may laman ang bibig ni Ephraim, tumango lang siya bilang sagot.
"Hayaan mo, pupunta ako sa bayan mamaya para maka pamalengke ng ibang kailangan natin." aniya ni Mina at saka naghugas ng kaniyang kamay.
Matapos nilang kumain, hinugasan na ni Mina ang mga kinainan nila at saka siya nagtungo sa banyo upang maligo.Natapos na si Ephraim na maglaba, nabanlawan na niya ito at naisampay na niya lahat. Napahawak na lamang siya sa kaniyang baywang dahil nakaramdam siya ng pananakit.
"Do i deserve this?" Wika ni Ephraim sa sarili at natawa na lamang siya. "Para kay Mina, hindi ko ito susukuan," aniya ng mapatingin siya sa kaniyang kamay. " Pero masakit talaga sa kamay ang ganitong gawain, well bibili ako ng washing machine, ayokong maglaba sa ganitong paraan." Napapa-iling na aniya ni Ephraim. Dahil nanlalagkit na ang kaniyang katawan, naisip niyang maligo, kaya naman nagtungo siya ng banyo, ngunit agad niya itong isinara ng makitang naroon pala si Mina.
"Sorry! Akala ko walang tao," hingi ni ephraim ng paumanhin.
"Ayus lang, ngayon ka pa ba magkaka ganiyan kung kailan magkakaanak na tayo." Sagot ni Mina. "Maliligo ka ba, gusto mong sumabay?" Seryosong tanong ni Mina na ikinalingon naman ni Ephraim.
"Mina, don't tease me like this, lalaki ako, kapag sumabay ako sa iyo, baka 'di ko mapigilan ang sarili ko," aniya ni Ephraim.
"So? Pumasok ka na," wika ni Mina. Kaya naman huminga muna si Ephraim ng malalim at saka muling binuksan ang pinto. Nagulat siya ng makita niya si Mina na nakatayo sa harap ng pinto.
"Pumasok ka na, sabay na tayo," anito. tila ninenerbiyos si Ephraim sa ginagawa ni Mina, Nagulat siya ng bigla na lamang siya nitong binuhusan ng tubig sa ulo, at saka sinabunan ang kaniyang katawan.
"Mina, hindi mo na ito dapat gawin kaya ko naman itong gawin." tila nahihiya niyang wika kay Mina.
"Ayaw mo ba na ginagawa ko ito sa iyo? kapag kasal na tayo, magiging normal na itong gawin dahil asawa kita." paliwanag ni Mina, habang sinasabunan ang katawan ni Ephraim. Tila natigalgal naman si Ephraim sa mga sinabi ni Mina kaya naman ilang beses pa siyang napalunok bago magsalita.
"H-hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, may sitwasyon kasi ako ngayon, alam mo na" aniya ni ephraim.
"Bakit ano ba ang problema?" tanong ni mina nang makita niya ang sitwasyon na tinutukoy ni Ephraim. bahagya naman siyang natawa at lumapit siya rito.
"Para kang virgin kung umarte," malambing na wika ni Mina, pinalibot niya ang kaniyang mga braso sa leeg ni Ephraim at saka dinampian ng halik sa labi, "bayad ko sa paglalaba mo ng mga damit ko, alam ko na nahirapan ka," kinuha niya ang mga kamay ni Ephraim at hinalikan niya ang mga sugat sa kamay nito, napapalunok na lang si Ephraim dahil sa mga ginagawa ni Mina, pinipigilan talaga niya ang kaniyang sarili, kahit galit na galit na ang kaniyang alaga.
"Mina please, Don"t do this. A-ayokong magalit ka ulit sa akin." nauutal niyang wika. Ang kaniyang mga kamay na hawak ni Mina ay iniyakap sa baywang nito at saka siya nito niyakap sa leeg.
"M-mina," wika ni Ephraim habang nakatingin sa mga mata ni Mina.
"Ephraim, sorry kung pinahirapan kita, huwag mo na lang sana uulitin ang mag-sinungaling sa akin, dahil kapag inulit mo iyon, magagalit na talaga ako sa iyo." Saad ni Mina at saka inilapat ang mga labi kay Ephraim.
Ang mga halik ni Mina na ilang buwan din hindi natikman ni Ephraim, kaya naman ng kumilos ang mga labi ni Mina, hudyat na iyon para kay Ephraim upang bumigay.
"I-i love you, M-mina," saad ni Ephraim sa pagitan ng paghalik niya. Ang isa niyang kamay ay humawak na sa batok ni Mina upang mas lalo pang lumapit ang mukha nito sa kaniya. At Saglit na naghiwalay ang kanilang mga labi.
"I love you too, Ephraim." Sagot ni Mina habang habol ang kaniyang hininga. At muling naglapat ang kanilang mga labi.
BINABASA MO ANG
A night with you
RomanceIsang magaling at tapat sa trabaho, Iyan si Lihoi-Mina Galvantes, isang police Captain sa kanilang destrito. Ngunit isang pangyayari sa kaniyang buhay ang hindi niya inaasahan. Naimbitahan siya sa isang pagsasalo at naka inom, ngunit nagising na lan...