Chapter Fourteen

753 17 1
                                    


           Masaya ang naging araw nila ni Ephraim, inaya siya nitong kumain sa labas at binigyan pa siya nito ng magandang bulaklak, at dahil araw din iyon ng kaniyang check-up sinamahan na rin siya ni Ephraim,
          "Good afternoon, Doktora!" wika ni Mina ng makapasok sila ng klinika.
          "O, Mr. and Mrs. Mondrego! It's nice to see you again, come in." masayang wika nito sa kanila. Pagpasok nila ay naupo sila kaagad, Agad siyang inasikaso ng doktor, marami itong tinanong sa kaniya. matapos nuon ay pinahiga siyang muli upang tignan sa ultrasound ang kaniyang baby. Ilang saglit pa, narinig na niya ang pagtibok ng puso ng kaniyang anak, parang nais lumuha ni Mina ng mga oras na iyon, nagulat na lamang siya nang tawagin ng doktora si Ephraim upang lumapit. 
           "Ephraim, lumapit ka rito at tignan mo ang anak mo!" Masayang wika nito.
Nang makalapit si Ephraim, tumingin siya kay Mina at kumindat dito, at saka hinawakan ang kamay nito. 
           habang gumugulong ang transducer probe, nagiging visible ang baby sa kaniyang sinapupunan, nakita niyang titig na titig si Ephraim sa monitor. Itinuro nang doktor kung nasaan ang baby at ng makita ni Ephraim ang bata, napangiti ito. 
           Ramdam ni Mina na nanginginig ang mga kamay ni Ephraim, kaya naman marahan niyang piniga ito upang kunin ang atensyon nito. Kaya ng tumingin ito sa kaniya, Agad na hinalikan ni Ephraim ang kaniyang mga labi.
          "Thank you," bulong nito at saka muling tumingin sa monitor. Hindi naman malaman ni Mina kung ano ang ibig sabihin ng pasasalamat na iyon ni Ephraim. Kaya naman ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon.
          Matapos ang check-up ni Mina, hinatid muna siya ni Ephraim sa kaniyang bahay, 
          "Saan ang punta mo?" Nag-aalalang tanong ni Mina rito.
          "Babalik muna ako sa bahay, May aasikasuhin lang muna ako roon, babalik din ako kaagad," Anito saka isang mabilis na halik ang ibinigay nito sa kaniya. 
           Nakaalis na si Ephraim, kaya naman pumasok na si Mina sa kaniyang bahay, ramdam niya na may ibang tao na roon, ngunit naisip din niya na baka si Shy lang iyon o Math kaya hinayaan na lang niya. 
           Nang makapasok siya, agad siyang nagtungo sa kaniyang silid upang magbihis, pagka-sara niya ng pinto, Agad na may yumakap sa kaniya mula sa kaniyang likuran at tinakpan ang kaniyang bibig na may panyo, lalo siyang kinabahan ng may maamoy siyang kakaiba, agad siyang nakaramdam ng pagkahilo, hanggang sa mawalan na siya ng malay.

           PAKIRAMDAM ni Mina ay masakit ang kaniyang pulsuhan, kaya nang maidilat na niya ang kaniyang mga mata nakita niya na nakatali ang kaniyang mga kamay at paa, tumingin siya sa paligid, tila nasa isang abandonadong lugar siya. walang kahit na ano, maliban sa hinihigaan niyang kama. 
           Marahan siyang bumangon sa kama, nang may mapansin siyang tao sa gilid ng silid, 
          "Gising ka na pala," Anito. 
          "Sino ka, bakit hindi ka magpakilala." Matapang na wika ni Mina. kaya naman ng humarap ito sa kaniya ay laking gulat niya ng malaman kung sino ito. "Roan Madrigal!" Aniya, "pero bakit?" 
          "Cause I"m inlove with you, pero nalaman ko sa mayabang na imbestigador na iyon na buntis ka at ikakasal ka na, bakit Mina?" galit na wika nito, "Alam mo ba na halos mabaliw ako nang gabing makita kita na may kasamang ibang lalaki! bumalik ako kung saan tayo naka-upo, pero pagbalik ko wala ka na, hinanap kita at nang makita kita, buhat ka na nang kung sino man ang lalaking iyon, Napaka haliparot mong babae ka!" sa galit nito sa kaniya, malakas nitong sinampal si Mina.
          "Ibig sabihin hindi siya ang Ama ng dinadala ko," wika ni Mina sa sarili. Bahagya siyang napangiti dahil sa nalaman niyang iyon. Nagtaka naman si Roan sa kaniyang reaksyon.
         "Anong nginingiti- ngiti mo riyan, alam mo ba na nakaka-irita na ang pag ngiti mo, nang malaman ko na buntis ka parang gusto kong hiwain iyang tiyan mo para ilabas ang peste diyan sa sinapupunan mo!" gigil na gigil na wika nito sa kaniya. "Sino ang ama ng batang iyan, dapat ako ang kasama mo nang gabing iyon, alam mo ba na  ako mismo ang waiter na nagbigay sa iyo ng Champagne na may gamot, ako ang dapat na kaniig mo at hindi ang kung sino man lalaki!" muli na naman siya nitong sinampal. 
        "Nagpapasalamat ako na hindi ikaw ang lalaking iyon, dahil kung ikaw iyon, habang buhay kong pagsisisihan," saad ni Mina kay Roan.
         "Buwiset kang babae ka, papatayin na kita, para hindi ka na mapakinabangan pa!" agad itong lumayo kay Mina at may kinuha sa bag nito. 
          Nakita ni Mina na may hawak na itong baril sa kamay. lumapit ito sa kaniya at itinutok ang baril sa kaniyang sinapupunan, "Uunahin ko ang peste na nariyan sa loob mo tapos ikaw naman ang isusunod ko!" galit na galit na wika nito. 
         "Paki usap, ako na muna ang unahin mo, huwag ang bata sa tiyan ko. wala itong kasalanan, inosente ito. kaya paki-usap ako na lang," lumuluha si Mina habang nakiki-usap kay Roan. nakita niyang ngumisi ito at tumawa.
         "Kung ganoon, ikaw na ang uunahin ko," saka nito tinutukan ng baril si Mina sa ulo. Hinihintay na lamang ni Mina na makalabit nito ang gatilyo ng may marinig siyang putok ng baril. nagulat na lamang si Mina nang tumumba na lang sa sahig si Roan. Kaya naman hinananp niya ang bumaril dito. Nakita niya ang isang lalaki na nakatayo sa may bintana, at laking tuwa niya ng makilala ito.
          "Ephraim!" aniya habang lumuluha. Nang bigla na lamang siyang nawalan ng malay.

         "Mina!" sigaw ni Ephraim at mabilis na lumapit dito. 
         "P-paano mong—" aniya ni Roan kay Ephraim. 
          "Sinundan ko kayo, mabuti na lang at bumalik ako kung hindi baka kung ano na ang nangyari kay Mina. 
          "Sabihin mo sa akin, Roan. Ikaw ba ang ama nang dinadala ni Mina?" Seryosong tanong ni Ephraim dito, nang bigla na lamang itong tumawa. 
          "Malandi ang babaeng iyan. Nagpabuntis siya sa iba, dapat ako ang kasama niya ng gabing iyon. Anak ko ang dapat na nasa sinapupunan niya!" Tila nababaliw na wika nito kay Ephraim. "Malandi ang babeng iyan malandi!" Sigaw nito. Sa galit ni Ephraim, sinipa niya ito sa mukha. Agad itong nawalan ng malay dahil sa lakas ng pagkakasipa niya rito. 
         "Mabuti na lang at hindi ikaw ang lalaking iyon!" Wika ni Ephraim. Kaya naman naglakad na siya palabas ng silid na iyon habang buhat si Mina. Nakasalubong niya si Mathaias kasama ang ibang pulis. 
         "Nasaan na si Roan?" Tanong ni Math. 
          "Naroon sa loob walang malay. Kayo na ang bahala rito. Susunod na lang ako sa presinto para sa statement ko." Aniya at saka sumakay na nang kaniyang sasakyan.

         "Umuwi na tayo, Mina." Malambing na wika ni Ephraim.

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon