Chapter Twenty-two

661 14 1
                                    


         "M-mina!" nauutal na wika ni Shyreen sa kaibigan mabilis niyang itinulak si Mathaias. "Walang nangyari, mali kayo ng iniisip!" natatarantang paliwanag ni Shyreen. 
         "Girl, You don't have to explain, naintindihan ko naman kung gaano ka karupok sa lalaking ito." nakangising wika ni Mina sa kaibigan. "ang mabuti pa, dito ka na sa bahay matulog, mukhang marami kang iku-kuwento sa akin." aniya ni Mina hinawakan niya ang kamay ni Shyreen at inaya sa loob ng bahay. naiwan namang napapailing si Math at Ephraim.
          "What happen, dude?" tanong nI Ephraim kay Mathaias. "ano iyong inabot namin?" natatawa nang tanong niya kay Math.
          "Wala, i was just teasing her. malay ko ba na magdidikit yung mga labi namin!" paliwanag ni Math. ngunit nakatingin lang ang kaibigan niya sa kaniya. kaya napabuntong hininga na lang s'ya. "Believed me, Ephraim. kilala mo ako. Yes, i loved her! pero you know my reasons kung bakit hindi ko pa siya nililigawan." paliwanag niya rito. 
         "Dude, yes i know you, pero makunsensya ka, mahal ka ni Shyreen pero ano itong ginagawa mo?, alam mo ba na sa tuwing may kasama kang ibang babae, nasasaktan mo ang damdamin  ni Shyreen. If i were you, fix your life." seryosong wika nito at saka naglakad papasok ng bahay. Naiwan naman si Math na napa-upo na lang sa upuan. 

       "Ayoko na, Mina. sobra na akong nasasaktan sa mga ginagawa n'ya. tomorow mornig i'm going to file a leave. I'm going home to my parents, gusto ko munang makapag-isip." saad ni Shyreen sa kaibigan. 
       "Are you sure?" paninigurong tanong ni Mina rito. tumango ito at saka yumakap sa kaniya. "Dito ka na matulog, last bonding before you go." wika ni Mina, kaya naman nagkatawanan na lang silang dalawa.
       "Nariyan pa ba siya?" tanong ni Shy kay Mina. 
       "Oo at mukhang hinihintay ka niyang lumabas, gusto mo ba siyang kausapin?" malambing na tanong ni Mina rito, ngunit umiling ito. 
       "Ayoko na muna siyang makita, baka kapag nakita ko na naman siya, maging marupok na naman ako." paliwanag ni Shyreen na tila maiiyak na naman. 
       "Sige kung iyan ang gusto mo, lalabas na muna ako dito ka lang sa kuwarto, makikisuyo ako kay Ephraim na padalhan tayo ng pagkain dito." nakangiting aniya ni Mina. Tumayo na siya mula sa kama at naglakad palabas ng pinto. 
         Naglalakad si Mina sa patungo sa salas kung saan naroon ang kaniyang asawa. nakita niyang naka-upo ito roon habang kausap ang kaibigang si Mathaias. kaya naman lumapit siya rito. Nang makita siya ni Ephraim na papalapit agad itong tumayo upang salubungin siya. humalik ito sa kaniya at inalalayan siyang maka-upo. 
       "kumusta si Shy," agad na tanong ni Math sa kaniya. she's fine pero ayaw ka niyang maka-usap o makita. Mathaias, pareho ko kayong kaibigan at mahal ko kayo, gusto ko na magkaayos kayo, pero mukhang sa ngayon hayaan na muna natin s'yang makapag-isip. Mahal ka niya Math pero, talagang nasasaktan na siya sa ginagawa mo," saad niya sa kaibigan. Nakita naman niya si Math na napapa-isip. kaya naman nagpaalam na siya sa dalawa.
       "Babalik na ako roon, Honey, padalhan mo na lang kami ng Dinner." humalik siya sa labi ni Ephraim at saka muling naglakad pabalik sa silid kung saan naroon si Shyreen.

MAAGANG nagising si Mina dahil nagpaalam sa kaniya si Shyreen, "Girl aalis na ako, hindi na ako magpapaalam kay Ephraim. ikaw na ang bahala na magsabi sa kaniya. kaya naman nagyakap ang dalawa.
        "Mag-iingat ka tawagan mo ako kapag nakarating ka na sa inyo." bilin ni Mina sa kaibigan. hinatid ito ni Mina hanggang sa pintuan. kumaway pa siya rito bago ito makalabas ng gate. 
        Naglakad na siya patungo sa silid nila ni Ephraim. nakita niyang gising ito, kaya lumapit siya rito at naupo sa gilid nang kama.
        "Umalis na si Shyreen," wika niya sa asawa nahiga siya sa tabi nito at saka ito yumakap sa kaniya. natawa na ang siya sa ginawa nito. parang ang tagal natin 'di nagkita kung makayakap ka" natatawa niyang aniya rito. 
        "Hon, kung alam mo lang na gusto na kitang hataking sa silid na iyon. Hindi ak makatulog kapag wala ka sa tabi ko." malambing na wika ni Ephraim kay Mina. kaya naman kahit malaki na ang kaniyang tiyan, niyakap pa din iya ito at saka ginawaran ng halik sa labi. 
         "Sorry, kailangan kasi ng kaibigan ko ang karamay," nang maalala niya ang isa pa niyang kaibigan. " Nasaan si Math?"tanong ni Mina sa asawa. 
         "Umuwi siya kagabi, ang sabi niya babalik na lang daw siya ng Umaga," anito habang dinadampian ng Halik sa mukha ang asawa. "Bakit ba ang bango mo," wika ni Ephraim sa kaniya. bahagyang natawa naman si Mina dahil alam niya kung ano ang gusto nito. kaya naman tumayo mula sa kama.
        "Hindi ako naligo kagabi dahil abala ako sa pakikipag-kuwentuhan kay Shyreen kaya maliligo na muna ako bago ako matulog ulit." natatawang wika niya rito. kaya naman tumayo na siya at nagtungo sa banyo. 
        Abala siya sa pagkukuskos ng kaniyang katawan ng makaramdam siyta ng pananakit ng kaniyang tiyan. saglit siyang tumigil upang pahupain ang sakit, nang mawala na ito, ay mabilis na niyang tinapos ang kaniyang pagligo. palabas na siya ng banyo ng muli na naman niyang maramdaman ang sakit, kaya naman napahawak na siya sa kaniyang tiyan at huminga ng malalim. 
       Matagal bago muling nawala ang sakit, kaya lam na niya kung bakit. Agad siyang nagbihis at lumapit kay Ephraim, "Honey," aniya ng makalapit dito. kaya naman agad itong tumingin sa kaniya. "Why Honey, may problema ba?" nagtatakang tanong ni Ephraim,
      "Honey, I think It's about time." matapos masabi ni Mina iyon, mabilis na kumilos si Ephraim. nagbihis lang siyang damit at agad na inilabas ang mga gamit na dapat dalhin. "tatawagan ko si Doktora para maayos na niya ang lahat pagdating natin ng ospital." wika ni Ephraim kay Mina na tahimik lang at panay ang hinga ng malalim. 
       Tinawag ni Ephraim ang ilang katulong upang tulungan siyang buhatin ang mga gamit na dadalhin. mabilis nilang isinakay sa kotse ang mga ito. matapos ay si Mna naman ang inalalayan niya upang makasakay sa kotse.
       "Konting tiis pa, Honey." aniya ni Ephraim sa asawa.nakita naman niyang nakapikit lang si Mina, humihinga pa rin ito ng malalim. kaya naman mabilis na pina-andar ni Ephraim ang sasakyan patungo ng ospital. 
          Ilang minuto lang ang lumipas, nakarating sila kaagad ng ospital nakita nilang naroon na ang doktora na nag-aabang sa kanila. 
        "Ephraim, kumusta ang lagay niya," tanong nito habang itinutulak ang wheelchair palapit sa kanila.
        "I think she's fine. pero sunud-sunod na ang pananakit." aniya ni Ephraim habang buhat si Mina at marahan na inupo si Mina sa wheelchair. agad nila itong itinulal papasok ng ospital patungo sa delivery room. ngunit bago ipasok doon si Mina kina-usap muna niya si Ephraim. 
        "Honey, please don't go any where. I need you!" anito na idinikit ang noo sa noo ng asawa. 
         "Don't worry, Honey. I'm just here hihintayin kita, I love you!" at saka ginawaran nang halik si Mina sa labi. matapos nuon ay ipinasok na si Mina sa loob ng delivery room. 
        "God, please ingatan n'yo po ang aking mag-ina. H'wag mo po silang pababayaan." tahimik na dasal ni Ephraim. 

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon