Chapter Thirty-seven

1.1K 14 0
                                        


       "ANO po ba ang nangyayari, mayroon ba akong dapat malaman?" tanong ni Mina kay Celest, kaya naman nagpaalam si Ephraim sa kanilang dalawa at kinuha ang anak na si Carlayle na karga ni Celest. 
      "Mag-usap muna kayo rito, ako na muna ang bahala sa mga bata." aniya, kaya lumapit siya kay Mina at humalik sa asawa bago lapitan ang anak na si Samantha na naglalaro mag-isa.
      Nang makalayo na si Ephraim, bahagyang tumikhim si Celest bago nagsalita. "Mina, alam namin na malaking pagkakamali na hindi namin kaagad sinabi sa iyo ang katotohanan, pero anak natakot kami dahil alam namin na magagalit ka sa amin. kaya inilihim na lamang namin ang lahat." paliwanag ni Celest kay Mina. Naramdaman ni Celest ang paghawak ni Mina sa kaniyang kamay at tumingin siya rito, nakita niyang nakangiti ito sa kaniya at nagwika.
       "bakit hindi na muna ninyo sinubukan na ipaliwanag sa akin, at saka n'yo malalaman kung dapat ba akong magalit o hindi." saad ni Mina, nang makita ni Mina ang paglapit ng kaniyang Tito Mark. Lumapit ito sa kaniyang tita celest at umakbay. 
       "Love, panahon na para malaman niya ang lahat, ano man ang maging resulta ng pag amin natin sa kaniya, dapat natin iyong tanggapin." anito, Tumango naman si Celest sa asawa bilang pag sang-ayon. Isang malalim na hinga muna ang kanilang ginawa bago sila nagsalita.

      "Bagong panganak pa lang ako noon sa iyo, dumating si Mark upang sunduin tayo sa ospital. masaya kami ng araw na iyon, nagku-kwentuhan pa habang nagmamaneho siya ng kotse, nang bigla na lamang kaming nakarinig ng pagputok ng baril. Natakot kami kaya binilisan pa ni Mark ang pagmamaneho. hanggang sa makipagpalitan na rin ng putok si Mark, pero dahil doon nawala sa focus ang kaniyang pagmamaneho, kaya bumangga ang sinasakyan namin, bago tumama ang sasakyan, mahigpit kitang niyakap, takot na takot ako para sa iyo. pagkagising ko, nasa ospital na kami. tinanong ko kung nasaan ka na pero dinatnan daw nila kami na walang sanggol na kasama, iyak ako ng iyak dahil hindi ko alam kung nasaan ka, hinalughog na namin ang lugar kung saan kami nakita pero wala. Ilang taon ang lumipas, nakilala namin ang mga magulang mo, sila mismo ang lumapit sa amin at nagsabi ng totoo, sinabi nila na inakala nilang patay na kami kaya kinuha ka nila at iniuwi sa kanilang probinsya." mahabang salaysay ni Celest, naiiyak na ito habang hawak ang kamay ni Mina na matiim na nakikinig lang sa kanilang mag-asawa. 
       "Noong una, ayaw naming maniwala dahil natatakot kami na kapag napatunayan na hindi totoo ang sinasabi nila, baka masaktan na naman kami, mabuti na lamang at may kaibigan ako sa amerika na nag-alok ng DNA testing, ilang buwan bago namin nalaman, hindi pa kasi katulad noon ang taas nang kalidad ng teknolohiya ngayon, kaya matagal bago namin nalaman. pero namatay ang iyong magulang sa isang aksidente, kaya naman kami na ang tumingin sa iyo simula noon, hanggang sa dumating ang resulta ng DNA test." tumingin si Mark sa asawa at ngumiti. "Nagmatch ang lahat ng test na kanilang ginawa. laking tuwa namin nang malaman namin iyon, pero nangamba kami," agad na nalungkot ang mukha ni Mark at niyakap si Celest. 
       "Nakita namin ang sobrang pagmamahal mo sa mga taong itinuring mo nang magulang. kaya hinayaan na lang muna namin. naisip namin na sasabihin na lamang namin sa iyo sa tamang panahon, pero ng dumating ka na sa tamang edad mas lalo kaming natakot, takot na baka magalit ka sa amin." saad ni celest habang lumuluha. 
       "Kaya nagpasya na akong huwag na lamang sabihin at ilihim na lamang namin ito habang buhay, pero ipinangako namin na hindi ka namin pababayaan, lahat nang kailangan mo ibibigay namin, susuportahan ka namin sa lahat ng iyong desisyon." wika ni Mark habang nakatingin kay Mina. 
      Malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Mina bago nagsalita. "pero bakit hindi ninyo sinubukan na sabihin sa akin ang lahat noon," mahinahon na wika ni Mina. "kung sinabi lang ninyo kaagad e 'di sana hindi na kayo nagdusa ng ganiyan. matatanggap ko naman at maiintindihan ang lahat ano man ang inyong dahilan. Mahal na mahal ko kayo at kaya kong tanggapin ang lahat," aniya. "ngayon. masasabi ko na hindi na ako nag-iisa sa buhay, may asawa ako na sobrang bait at maaalahanin, may mga mababait akong anak at ngayon," aniya, pinilit niyang bumangon at umupo upang mayakap si Celest at Mark. salamat dahil sinabi ninyo sa akin, at sobrang saya ko na kayo ang mga magulang ko!" masayang wika ni Mina sa kaniyang magulang. 
       Natuwa naman ang mag-asawa sa magandang reaksyon ni Mina. kaya mahigpit silang nagyakap. 
      "Mahal na mahal ka namin, anak. Sorry kung ngayon lang namin nasabi." anito, habang hawak ni Celest ang kamay ng anak. 
       "Ngayon na buo na ang pamilya ko, may mga magulang na ako, asawa at anak. wala na akong mahihiling pa." nakangiting saad ni Mina sa kanila. nagulat nalamang sila sa pagsigaw ng anak niyang si  Samantha. 
       "Daddy Lo! kargahin mo naman po ako!" anito, habang nakataas ang mga kamay. natawa na lamang sila sa bata at agad na binuhat ni Mark ang apo na si Sam. 
        Tuwang-tuwa naman ito habang nakakarga. nakita naman nilang papalapit si Ephraim habang karga ang anak na si Carlayle. Nang makalapit ang mag-ama kinuha ni Mina ang anak sa asawa at saka pinupog ng halik ang kanilang munting prinsipe. 
       Dahil doon nagpababa si samantha sa kaniyang lolo at lumapit kaagad at naupo sa higaan ng ina. naglambing ito at nagwika.
       "Mommy can you kiss me too, i miss you so much." anito, kaya naman pinalapit ito ni Mina at hinalikan niya ng hinalikan sa mukha ang anak. Tuwang-tuwa naman ito at malambing na niyakap si Mina.
       "I love you, mommy. next time mag-iingat ka na po para hindi kayo nasasaktan." anito, habang nakahawak sa mukha ni Mina. "Sobrang nag-alala si daddy dahil sa inyo." anito, na tila pinapagalitan ang isang batang katulad niya. Dahil doon natawa na lamang sila rito at niyakap ni Ephraim ang anak. 
      "Sam, ganoon ko kamahal si Mommy, kaya gagawin ko ang lahat para sa kaniya." anito, na ikinangiti naman ni Mina. "And i love you too!" sagot niya sa asawa. 

        HINDI nagtagal pinayagan na si Mina na maka-uwi. Nang makarating sila sa kanilang bahay, sinalubong sila ng kanilang mga kasambahay at masaya ang mga ito na siya'y nasa mabuti ng kalagayan. 
     Masaya si Mina habang naghahapunan, habang kasama niya ang kaniyang magulang. Nang maalala ni Mina ang kaibigan. kaya tinanong niya si Ephraim tungkol dito.
    "Hon, matapos mo kaming makita, ano na ang nangyari?" anito, kaya naman ikinuwento ni Ephraim ang mga sumunod na nangyari.
     Nang makita kita na nakahiga na sa lupa at duguan, nakita kong balak ka pang barilin ni Kristine, kaya inunahan ko na siya. Si Roan naman balak pang tumakas kaya binaril siya ni Mathaias. In the end sa ospital din ang bagsak nila. matapos gumaling ang kanilang sugat. agad silang ibinalik sa kulungan." pagkukuwento ni Ephraim sa asawa.
      "E, si Shyreen, bakit wala siya sa ospital na pinagdalhan sa akin?" muling tanong ni Mina. 
      "Hindi ko alam kay Mathaias, ang pagkakaalam ko, doon niya dinala si Shy sa ospital kung saan ito unang nagtrabaho. dahil may mga kaibigan ito roon upang tumingin kaagad dito." anito, na ikinatango ni Mina. "Kumusta naman siya, may balita ka ba sa kanila?" tanong muli ni Mina. 
      "Maayos naman kami," wika ng isang boses sa kanilang likuran. kaya agad nilang nilingon ito. isang matamis na ngiti ang sumalubong sa kanila at agad nila itong nilapitan. 
      "Shyreen! masayang aniya nito. "I'm so glad that your okay. kumusta ang sugat mo?" nag-aalalang tanong ni MIna sa kaibigan. 
     "Maayos na ako, nung isang araw pa ako nakalabas ng ospital, si Math ang nag-aasikaso sa akin." aniya, saka sila nagyakap na magkaibigan. matapos nuon inaya nila itong umupo, "Nasaan si Mathaias, bakit hindi mo siya kasama?" tanong ni Ephraim.
      "Nagpabili kasi ako ng mangga at saka bagoong, ilang araw na akong naglalaway dun e," saad ni Shyreen, na ikinalaki ng mata ni Mina. "Wait you mean…" wika ni Mina na ikinangiti ni Shyreen at masayang ibinalita sa kanila. "Yes, I'm pregnant!" saad nito sa kaibigan. at nagyakap silang dalawa. 
       "I'm happy for you," masayang  wika ni Mina, "So, anong reaksyon ni mr. playboy nang malaman niyang preggy ka?" natatawang tanong ni Mina. 
      "Well, masaya siya at nangako na hindi na siya mambababae," natatawang wika ni Shy, nang biglang dumating si Mathaias dala ang mangga na kaniyang hiling rito. tuwang-tuwa si Shyreen na tila kumikislap pa ang mga mata sa sobrang saya.
      Agad nitong kinuha ang mangga na hawak ni Mathaias at mabilis na nagtungo sa kusina, ngunit nagulat sila ng bigla itong bumalik at lumapit kay Math. 
     "Thank you," anito, saka humalik sa labi nito. "I love you!" at masaya itong bumalik sa kusina. 
      Nagkatinginan at nagkatawanan na lamang sila sa ginawa nito.

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon