Chapter Seven

1.4K 28 2
                                        


        "H-have we met?" tanong ni Mina rito. Pilit niyang inaalala kung saan niya nakita ang lalaking nasa kaniyang harapan. 
        "Do we met? I don't think so, Captain Galvantes." wika nito habang nakatingin ng derekta sa mata ng dalaga. Hanggang sa maalala na ni Mina kung saan niya ito nakita,
        "Sa party ni General Oliveros, yung lalaking napapaligiran ng mga magagandang babae," saad ni Mina rito. natawa na lang si Ephraim sa kaniyang sinabi.
        "Hindi naman ako nagtagal doon dahil naiirita na ako sa mga babae na bumubuntot sa akin, i don't want to be an eye catcher on that party." nakangiting wika nito sa kaniya. "let's cut that issue, ang mabuti pa pag-usapan na natin ang problema mo, So, how many months now?" tanong nito sa kaniya. 
        "Hindi ko pa sigurado, dahil hindi ko pa nagagawang magpa check-up sa isang ob-gyne." matapat niyang sagot dito.
        "May kilala ako, tatawagan ko siya mamaya para makakuha tayo ng schedule ng check up mo. Captain Galvantes—" tumigil itong bigla dahil pinigil siya ni Mina na makapagsalita.
        "Just call me Mina. I don't like formalities, kaya Mina na lang ang itawag mo sa akin." seryosong wika ng dalaga kay Ephraim.
        "Mina, kailangan kong malaman lahat ng nangyari sa iyo, para alam ko kung saan ako mag uumpisa." Anito kay Mina.
        Kaya naman nag-umpisa na si Mina na ilahad ang buong nangyari sa kaniya ng gabing iyon. matiim namang nakikinig si Ephraim sa kaniya.
        Nang matapos ilahad ni Mina ang mga nangyari, nakita niyang nagpatangu-tango lang si Ephraim. 
        "So you just say na bigla ka na lang nahilo ng time na iyon kahit champagne lang ang ininom mo?" tanong nito na ikinatango lang ni Mina. "That's kind of weird, kahit hindi ka alcoholic na tao, hindi ka basta-basta lang malalasing sa isang baso ng champagne. Nakilala mo ba ang waiter na nag abot sa iyo ng alak?" tanong nitong muli sa kaniya. 
        "Hindi, dahil naka mask lahat ng nagse-serve sa mga bisita." paliwanag niya.
        "Sinubukan mo na bang kunin ang lahat ng pangalan ng mga nag serve ng gabing iyon?"
        "Yes, I already did, dalawampu ang kinuha nilang tao upang magserve sa mga bisita, pati na rin ang dalawang daang tao na imbitado sa party na iyon.  may mga litrato na sila sa akin, pero hindi ko pa naiimbestigahan ang bawat isa sa kanila." Aniya habang hawak ang baso ng juice sa kaniyang kamay. 
        "Doon tayo mag-uumpisa, bukas natin iimbestigahan ang mga iyan. may oras ka ba bukas?" tanong nito kay mina.
        "I don't know, mayroon kaming iniimbestigahang kaso, tungkol ito doon sa pagpatay sa isang dalaga, malupit ang pagkakapatay dito, kaya binigyan kami nang order na imbestigahan kaagad ito." paliwanag ni Mina rito.
        "I can help you with that, i have lots of time now. wala naman akong ibang gagawin bukod sa paglutas sa kaso mo, i can do an extra case."  matapat nitong wika sa kaniya. 
        "Salamat sa alok, pero nakakahiya naman sa iyo," nahihiyang wika ni Mina.
        "Wala iyon, Captain Galvantes, mas marami pa diyan ang kayang kong lutasin ng sabay sabay," mayabang na wika nito kay Mina.
        "Ang yabang a!" natatawang biro ni Mina rito at ganoon na rin ito sa kaniya. 
        Matapos ang kanilang mahabang usapan, nagpaalam na si Mina kay Ephraim. Hinatid siya nito hanggang siya'y makasakay sa kaniyang sasakyan. Kumaway pa ito sa kaniya saka ito pumasok sa loob ng bahay. agad niyang binuhay ang kotse at saka pinaandar palayo roon.
        Kinabukasan, nagulat na lamang siya nang tumunog ang kaniyang door bell, kaya naman nagtataka siyang binuksan ang pintuan. Nagulat siya ng makitang nakatayo roon si Ephraim at matamis na ngumiti sa kaniya ng makita siya nito.
        "Good morning! breakfast is ready." wika nito na may ipinakitang mga paper bags na may lamang mga pagkain. "Hindi ko alam kung ano ang gusto mo, kaya bumili na ako ng iba't ibang klase ng pagkain." wika nito na  may ngiti sa labi. 
        "Pasok ka muna, Ephraim. Nag abala ka pa." nahihiyang aniya ni Mina rito.
        "Wala ito, actually hindi pa rin naman ako nag-aalmusal. Naisip ko na maagang pumunta rito para naman may kasabay akong kumain." wika nito habang naglalakad papasok ng bahay ng dalaga. 
         Inaasikaso ni Mina ang mga pagkain dala ni Ephraim ng bigla na lamang siyang napaduwal. Kaya napatakip siya ng bibig saka nanakbo patungo ng lababo upang doon magsususuka, mabilis naman siyang dinaluhan ni Ephraim saka marahan na hinahagod ang kaniyang likod. Nagmamadali pa itong kumuha ng tubig upang ibigay sa kaniya.
         Matapos ang pagsusuka na wal naman inilalabas, nagmumog agad si Mina saka marahan na hinahagod ang kaniyang sikmura. Walang anu-ano'y napatingin siya kay Ephraim, nakikita niya sa mata nito ang pag aalala. Hanggang sa marinig niya itong nagsalita. 
         "Mina, mayroon ka bang tao na hinihinala na maaaring maging ama ng anak mo? Seryosong tanong nito.
         "Mayroon," aniya habang binalikan ang mga pagkain na kaniyang inaayos. 
         "Sino, care to tell me?" Wika ni Ephraim.
         "I think it's Roan," sagot niya.
         "Do you think it's him?" Paniniguro ni Ephraim, nakita niyang tumango si Mina, "Kung sa akala mong siya ang ama, dapat din nating siyang imbestigahan. At kapag napatunayan nating siya ang ama at hindi ka niya pinanagutan, isa ako sa papatay sa hudas na iyon." Seryosong wika ni Ephraim. Natawa talaga si Mina sa sinabi ni Ephraim, para itong si Mathaias kung umasta at magsalita. 
        "Wala naman akong balak na papanagutin ang hudas na sinasabi n'yo. Paano ako makikisama sa kaniya kung hindi ko naman siya mahal?" Saad ni Mina. "All i want is to know who's the father, this baby was made without love, just pure lust. But i won't blame the baby. Wala itong muwang sa nangyayari. Mamahalin ko pa rin ito, dahil anak ko ito at manggagaling siya sa sinapupunan ko."  Mahabang paliwanag ni Mina. 
        Tinitigan siya ni Ephraim at lumapit ito sa kaniya na ikinagulat naman ni Mina dahil sa pagdampi ng mga kamay nito sa kaniyang mga braso.
        "Kung ganoon, kumain na tayo para mahanap ang hudas para mapatay na s'ya. Dahil ang totoo, nanggigigil na ako sa kaniya." Anito habang nakahawak sa kaniyang braso at inalalayan s'yang maka-upo. Natatawa naman si Mina sa mga ikinikilos ni Ephraim, masyado itong mabait at maalaga. 
        "Masarap pala sa pakiramdam na may nag aalaga sa akin." Wika ni Mina sa sarili, kaya naman hinayaan na lang niya itong gawin ang gusto nito. Ipinagsandok siya nito ng pagkain sa kaniyang plato at ipinagsalin ng juice sa kaniyang baso. Masayang kumakain ang dalawa ng makatanggap si Mina ng isang tawag. Kaya naman agad niya itong sinagot.
        "Hello, who's this?" Wika niya sa kabilang linya. 
        "Captain Galvantes, it's me Galves. May natanggap kaming tawag mula sa isang crime scene. It happen again," anito sa kaniya. Napapikit na lang si Mina at saka nagpaalam sa kausap.
        "Okay, pupunta na ako diyan." Aniya saka tinapos ang tawag. Matapos ibaba ang telepono ay naglakad na siya patungo sa kaniyang silid ngunit pinigilan siya ni Ephraim at nag wika, "you need to eat, Maupo ka muna para kumain. Tapusin mo ito. Sasamahan kita kung saan ka pupunta. Basta tapusin mo itong pagkain mo." Maawtorisadong wika nito kay Mina. Hindi naman malaman ni Mina kung bakit parang naging sunud-sunuran siya sa mga sinasabi ni Ephraim. 
        "Marahil ay nag-aalala lang ito, kaya ito ganito sa akin," saad ni Mina sa kaniyang sarili. Kaya naman kumain na lang siya ng tahimik.

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon