"Mathaias, kumusta may balita ka na ba kung nasaan si Shy?" tanong ni Mina kay Math.
"Yes, dito sa isang abandonadong building, ipapadala ko sa inyo ang location maghihintay ako sa inyo." anito, matapos ang tawag, agad na kumilos sina Ephraim at Mina. Pasakay na sila ng sasakyan nang marinig nila ang pagtawag ng kanilang anak na si Samantha. patakbo itong lumapit sa kanila at yumakap.
"Daddy, Mommy, please be careful." tila maiiyak ito sa pagsasabi sa kanila. kaya naman yumakap din sila rito, "Don't worry, babalik kami kaagad ililigtas lang namin ang tita Shy mo." wika ni Ephraim sa anak. kaya naman ipinabalik na nila ito sa loob at saka sila sumakay ng sasakyan.
Hindi nagtagal nakarating a sila sa lokasyon kung saan naroon si Shyreen.
pagbaba nila ng sasakyan, agad na nilapitan ni Mina si Galves, "tulad ng plano kami na muna ang papasok, matapos ang sampung minuto at wala pa kami, sumunod kayo kaagad, kailangan nating mag-ingat, hindi natin alam kung ano ang plano nila. kaya mag-iingat kayog lahat." wika niya sa kaniyang mga kasamahan.
Kaya naman agad silang nagsi-kilos, ginawa nila ang plano ni Mina. maingat na pumnasok si Mina at Ephraim kasama ang ilan sa kaniyang mga kasama. upang mas mapadali ang paghahanap nila sa kinaroroonan ni Shyreen sinenyasan ni Mina ang ilan sa kaniyang kasama, na agad naman nitong nakuha, kaya nahati sila sa dalawa dahil ang iba ay sa kabilang dereksyon nagtungo.
Hanggang sa makarinig sila nang pagputok nang baril. kaya naalarma na ang grupo ni ng mag-asawa.
"Ephraim, doon kayo kami na ang bahala rito, mag-iingat kayo." aniya ni Mina sa asawa. bago ito umalis isang mabilis na halik sa labi ang iginawad nito sa asawa. "I love you," wika ni Ephraim. "I love you too!" sagot ni Mina.
paliko na sila ng may makasalubong silang ilang grupo ng mga lalaki, agad sila nitong pinaputukan, mabuti na lamang at mabilis na nakakubli si Mina. matapos silang paputukan gumanti naman si Mina rito. In just one shot, isang lalaki ang tumumba. hanggang sa makakuha ng pagkakataon si Mina, mabilis niyang pinaputukan ang mga kalaban isa isang tumutumba ang mga ito. kung hindi sa balikat o sa braso, sa binti at hita ang pinatatamaan ni Mina.
Nang wala nang bumabaril sa kanila, agad niyang iniutos na itali ang mga ito upang hindi na makapanlaban pa. Matapos nilang itali, iniwan na nila ito at nagpatuloy sa paghahanap kay Shyreen.
Hanggang sa matunton nila ang kinaroroonan nito. mabilis itong nilapitan ni Mina at mabilis na kinalagan, nag-alala si Mina ng makita niya si Shyreen na namumutla at nanghihina. kaya naman kina-usap niya ito.
"Shy, kausapin mo ako!" aniya, habang tinatapik niya ang pisngi nito. nakita niyang marahan na dumilat ang mata nito.
"B-bakit ka n-narito, mapapahamak ka! planado ang mga ito, umalis na kayo, iwan nyo na ako." wika ni Shy sa kaibigan, nanghihina na ito kaya naman nagpatulog siya sa isa sa kaniyang kasamahan na buhatin ang kaibigan.
Nang magsilabasan ang mga nakatagong kalaban. kaya naman agad na napatigil si Mina at ang kaniyang mga kasama.
"This is so exciting!" wika ni Kristine habang may hawak na baril sa kamay at nakatutok kay Mina. "Masyado kang mabait dahil iniligtas mo talaga ang kaibigan mo! alam mo ba na dahil diyan sa kabaitan mo maaari kang mapahamak," hanggang sa isang putok ng baril ang narinig nila. Naramdaman na lang ni Mina ang kirot sa kaniyang tagiliran at dumudugo na ito, kaya naman agad siyang napahawak dito. pilit niyang nilalabanan ang sakit dulot ng tama ng bala. "Fuck, nasaan na ba sina Ephraim?" aniya, kahit may tama na si Mina ng bala hindi niya binibitawan si Shyreen.
"Wow! bilib din ako sa tatag mo," wika ni Roan. lumapit ito kay Mina at hinawakan sa buhok, hinatak nito si Mina kaya agad na tumumba si Shyreen sa sahig, hindi naman makakilos ang kaniyang mga kasama dahil pati sila ay natutukan na din baril. isang maling galaw siguradong mamatay sila.
tumingin si Mina sa isa sa kaniyang kasamahan at sinenyasan. bahagya itong tumango senyales na nakuha nito ang ibig sabihin ni Mina.
"Lampas na sa sampung minuto, sigurado na papunta na sila rito," saad ni Mina sa sarili. "Paki-usap bilisan ninyo."
"Mina, sayang kung tinanggap mo lang ang pagmamahal ko sa iyo, hindi mo sana mararanasan ang ganitong sitwasyon." muli siya nitong hinawakan sa buhok at mabilis na sinibasib siya ng halik. pilit namang inilalayo ni mina ang sarili at diring-diri sa ginagawa sa kaniya ni Roan, "Iyan ang gusto ko sa iyo lumalaban!" tila masaya pa ito sa ginagawa.
"Iyon ba ang gusto mo, iyong lumalaban?" nakangiting wika ni Mina kay roan, kaya naman tinuhod nito ang pagkalalaki nito kaya naman napayuko ito, at tila hindi pa nakuntento si Mina, hinawakan niya ito sa ulo at saka tinuhod sa mukha. sanhi upang mamilipit ito sa sakit, 'di naman malaman ni Roan kung ano ang hahawakan kung ang mukha niya o ang kaniyang hinaharap.
Tuwang-tuwa naman si Mina dahil sa ginawa niya rito. "Matagal ko nang gustong gawin iyan sa iyo, " wika ni Mina, ngunit bahagya siyang napangiwi ng sumigid ang kirot sa kaniyang sugat. tumingin siya kay shyreen hindi pa din ito makakilos dahil sa sobrang panghihina. kaya sinubukan niyang lapitan ito ngunit muli siyang pinaputukan ni Kristine, tinamaan naman siya sa balikat, at isa pang putok na tumama naman sa kaniyang tiyan, dahil doon agad na tumumba si Mina. basa na nang dugo ang kaniyang damit dahil sa kaniyang mga tama ng bala.
"E-ephraim," aniya, hanggang sa nawalan na siya ng malay."Honey, kaya mo yan, lumaban ka!" wika ni Ephraim habang sumasabay sa pagtulak ng strecher patungo sa operating room, marami ng dugo ang nawawala sa kaniya, ganoon din si Shyreen. "Honey, please lumaban ka, kailangan ka namin ng mga anak mo!" halos maiiyak na si Ephraim habang hawak ang kamay ni Mina, nang makarating sa entrada ng Operating room, pinigilan na si Epheraim na makapasok roon. "pasensya na po,hanggang dito na lamang po kayo." wika ng isang nurse sa kaniya. kaya naman tumigil na si Ephraim at naghintay sa labas ng OR.
"Lord, please iligtas mo po ang asawa ko!" usal ng dasal niya.
BINABASA MO ANG
A night with you
RomansaIsang magaling at tapat sa trabaho, Iyan si Lihoi-Mina Galvantes, isang police Captain sa kanilang destrito. Ngunit isang pangyayari sa kaniyang buhay ang hindi niya inaasahan. Naimbitahan siya sa isang pagsasalo at naka inom, ngunit nagising na lan...