"MANAHIMIK ka!" sigaw ni Kristine sa bata. "Wala kang kuwenta, kinuha kita doon sa matandang pinag-iwanan ko sa iyo dahil akala ko magagamit kita para makabalik sa akin ang ama mo. Buwiset, nasira lahat ng plano ko dahil sa kabuteng babaeng iyon! humanda siya sa akin, hindi pa kami tapos." wika ni Kristine habang mabilis na pinapa-andar ang sasakyan. wala naman tigil sa pag-iyak ang anak na si Samantha, takot na takot na ito dahil sa kaniya.
"EPHRAIM, kailangan nating iligtas si sam, baka kung ano ang gawin ng hitad na iyon sa bata." wika ni Mina sa asawa. kaya naman mabilis silang kumilos, kinuha ni Ephraim ang mga baril nilang asawa at mabilis na sumakay ng sasakyan kasama si Mathaias. mabilis nilang hinabol ang sasakyan ni Kristine, ngunit naka ilang ikot na sila ay hindi na nila naabutan ang sasakyan nito.
Kaya naman nagdesisyon sila na bumalik na sa bahay, pagdating nila sakto naman na may tumawag sa kanilang telepono, agad itong sinagot ni Ephraim.
"Akala ba ninyo nanalo na kayo! you know me, Ephraim. gagawin ko ang lahat makuha lang kita, kung gusto mong makuha ang anak mo, makipagkita ka sa akin. Tatawag ako ulit bukas para sa lokasyon." wika ni Kristine. saka tinapos ang tawag. Ibinaba na ni Ephraim ang Telepono at tumungin sa asawa.
"Gusto niyang makipagkita ako sa kaniya." Aniya, kaya naman agad silang gumawa ng plano, kaya muling humingi ng tulong si Mina sa kaniyang mga kasamahan. Wala pang isang oras, isa-isa nang nagdaratingan ang mga ito.
"Captain, anong nangyari? Nabulilyaso ba ang plano?" Tanong ni Galves, agad namang sinagot ni Mina.
"Hindi naman, everythings going well, nang biglang sumpungin ng topak si Kristine. Hindi siguro matanggap ang pagkatalo kaya pati bata dinamay, tumakas s'ya at isinama si Samantha." Aniya, kaya naman agad na nakabuo ng plano si Mina.
"May naisip na ako, at kakailanganin ko kayong lahat. Agad na inilahad ni Mina ang kaniyang naisip, nagkasundo silang lahat at saka sila kumilos.
"Don't worry, sweety. Mommy Mina is going to get you. Just hold on and be strong," wika ni Mina sa kaniyang sarili. Dasal niya na maging ligtas ito sa kamay nang bruhang si Kristine.
"I WANT my mommy Mina, i really don't like you, you are a bad person, i wish mommy Mina is my true mommy and not you. i hate you!" wika ni Samantha habang umiiyak. Dahil sa inis Lumapit si Kristine dito.
"Manahimik ka, kanina pa ako nanggigigil sa iyo, puro ka mommy Mina, ako ang mommy mo at hindi siya! kapag narinig ko na binanggit mo pa iyon papaluin kita!" gigil na anito sa bata. lumayo siya rito at nagtungo sa isang lamesa kug saan nakapatong ang isang bote ng alak. dahil wala nang laman ang kaniyang hawak na baso muli niya itong sinalinan.
"Peste talaga, bakit ba ang tagal dumating ng lalaking iyon.!" naiinis niyang wika, nang biglang may kumatok sa pintuan kaya naman agad itong tinungo ni kristine at binuksan iyon.
"My love! kumusta?" pagbati nito sa kaniya. naglakad ito papasok sa loob ng kuwarto at nagulat siya na may bata sa loob. kaya naman tinanong niya si Kristine. "My love, bakit may bata dito, paano kita malalambing kung may ganitong audience tayo. baka ma-MTRCB tayo niyan!" tatawa-tawang wika ni Rolan. agad naman itong binatukan ni Kristie dahil sa mga pinagsasabi nito.
"Anak ko iyan kay Ephraim. hindi ako basta susuko sa kanila. hanggat nasa akin ang batang iyan, may pag-asa pa ako na makuha si Ephraim, kailangan lang natin gumawa ng solidong plano. hindi ako dapat magpatalo sa kabuteng babae na iyon." aniya, habang sinisimsim ang laman ng baso ng alak sa kamay.
"Paano naman ako, sabik pa naman ako sa iyo." malambing na wika ni Rolan kay Kristine habang nakayakap ito sa likod at marahan na hinahalikan ang leeg nito. kaya naman lumapit si Kristine kay Samantha at hinatak papasok ng banyo.
"Diyan ka lang, at huwag mong gagawing lumabas kung hindi malilintikan ka sa akin." wika ni Kristine sa bata. matapos nuon ay lumabas na ito sa banyo at iniwan ito sa loob.
Nang masiguro ni Samantha na abala na si Kristine, agad niyang tinignan ang relo na bigay ni Mina sa kaniya. naalala niya ang sinabi nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
A night with you
RomanceIsang magaling at tapat sa trabaho, Iyan si Lihoi-Mina Galvantes, isang police Captain sa kanilang destrito. Ngunit isang pangyayari sa kaniyang buhay ang hindi niya inaasahan. Naimbitahan siya sa isang pagsasalo at naka inom, ngunit nagising na lan...
