Chapter Thirty-one

719 13 0
                                        


          "MASYADONG matapang ang babaeng iyon, napaka yabang!" gigil na wika ni Kristine. nanginginig ito sa galit dahil kay Mina. Kaya naman upang mabawasan ang inis ibinato niya sa pader ang baso ng alak na kaniyang hawak, "Buwiset! hindi ko tuloy magawa ang gusto ko kay Ephraim, kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano ko masosolo si Ephraim ng hindi nalalaman ng babaeng kabute na iyon." kaya naman ipinatawag niya ang nag-iisang tao na maaari niyang pagkatiwalaan, 
        "Rolan! i really need your help. may ipapatrabaho ako sa iyo, at gusto ko magawa mo ito sa lalong madaling panahon." utos niya rito. 
        "Ano naman ang magiging kapalit ng ipapagawa mo," tanong nito.
        "Magkita tayo mamaya, sa Hotel Ablaza, alas otso mamayang gabi." malanding wika niya rito. "Sure, I'll wait for you, my love!" malambing nitong aniya, saka tinapos ang tawag. 
        Matapos nuon ay bahagyang tumawa si Kristine habang kumukuhang muli ng baso at sinalinan ng alak. "let's see who's gonna win this battle, And i will make sure na ako ang mananalo." wika niya kasabay ng kaniyang pagtawa. 

ARAW nang pagpunta ni Kristine sa bahay ni Ephraim kasama ng anak na si Samantha, sa gate pa lang ay malaya nang nakapasok ang mag-ina, hanggang sa makapsok sila sa loob ng bahay ng mag-asawa na ipinagtaka naman ni Kristine. kaya naman nagtuloy sila sa salas kung saan naroon si Mina at Ephraim, may kausap itong matandang lalaki na tila abugado. Naroon din si Shyreen at Mathaias. 
       Nang makita silang papasok agad silang pina-upo ng mag-asawa. 
       "What is happening?" agad na tanong ni Kristine sa kanila. Kaya naman hinarap siya ni Mina.
       "Well, hindi ba't ito ang gusto mo, ang kilalanin ni Ephraim ang anak mo. Ito na, pero bago ang lahat may mga bagay kang dapat malaman." paliwanag ni Mina rito. Unahin na natin ang nangyari sa inyo ni Ephraim. Your right, may nangyari nga sa inyong dalawa, at magpaalamat ka dahil hindi pa kaming dalawa ng mga oras na iyon dahil kung nataon, baka nasa impiyerno ka na at naglalandi kay satanas!" galit na wika ni Mina. "How did i know? with the help of some people who i trust, at kaya may nangyari sa inyo, Because you drugged him! Nasabi sa akin ni Ephraim ang mga nangyari. wow! what a desperate move you've done!" aniya, pigil ni Mina ang sarili ng mga oras na iyon, nais na niyang saktan si Kristine at ilampaso ang mukha sa lupa. kaya naman ipinagpatuloy niya ang kaniyang sinasabi.
      "Dahil naging pulis ako, kaya kong gawin ang lahat, pina imbestigahan ko ang tungkol sa iyo at sa anak mo, well, ayon sa DNA samples na nakuha ko, mula kay Samantha, napatunayan na anak nga ito ni Ephraim, yey!" aniya, 
      "So, ngayon na napatunayan na anak ni Ephraim Ang anak kong si Samantha, siguro naman ay magkakaroon na siya ng oras para sa amin ng anak niya." tila nagdiriwang ang puso ni Kristine sa nalaman. Ngunit agad din na pinutol ni Mina ang kasiyahang iyon.
      "Huwag ka munang magdiwang, Hitad!" inis na wika ni Mina. " may mga nalaman pa kami tungkol sa anak mo, Ayon sa imbestigasyon namin, hindi ka naging mabuting ina sa kaniya. Hindi ikaw ang nagpalaki at nag-aruga sa kaniya hanggang sa umedad siya ng pitong taon, Nang malaman mo kung nasaan si Ephraim, doon mo lanmg kuinuha ang bata upang gamitin para mapalapit sa asawa ko, What a cruel thing you did, Damn it!" saad ni Mina, na ikinagulat ni Kristine. Tinignan siya nito ng matalim ngunit hindi nagpatalo si Mina. 
         "Fuck, look at your self, mukha kang binuhusan ng malamig na tubig. kung tatanungin mo kung paano ko rin nalaman, well, it's a secret." pabulong na wika ni Mina rito na sinabayan pa niya ng tawa. "And one more thing, dahil hindi ka naging mabuting ina, maaaring mawala sa iyo ang lahat ng karapatan sa bata. Paano?" tanong ni Mina. kaya naman tinawag niya si Samantha at pinalapit sa kaniya. ngumiti siya rito at malambing na nag-wika. "Hi, baby it's me again. Remember the day we met at the gate of your house, sinabi ko sa iyo na mas mabuti akong mommy kay sa kaniya. now i am going to be your true mommy." aniya, saka niya pinalapit kay Ephraim. niyakap ito ng kaniyang asawa at pina-upo sa tabi nito. 
      "W-what do you mean? hindi ito puwedeng mangyari, anak ko si Samantha at may karapatan ako sa kaniya!" galit na wika ni Kristine. 
      "Not anymore, hindi ka mabuting ina sa kaniya, you want some evidence?" wika ni Mina tumingin siya kay Shyreen at lumapit sa bata. malambing nitong kina-usap at nakita nilang tumango ito. at saka hinubad ang damit nito hanggang balikat, nakita nila ang mga pasa nito na tila bago pa lang at may iba na halos pagaling pa lang. nakita ni Mina na tila namutla si Kristine sa nakita. kaya agad itong dinepensahan ang sarili. 
         "Hindi ako ang may gawa niyan, marahil ay ang kaniyang yaya, Tama! yung yaya ang may gawa." anito, ngunit sumenyas si Mia kay Mathaias. nakita nitong lumakad ito patungo sa kusina at pagbalik nito, nakita niyang kasama ang yaya ni samantha na si Marie. Matalim itong tinignan ni Kristine at galit na pinagsalitaan. 
        "How dare you betray me! matapos kong tulungan ang pamilya mo, binigyan kita ng pera para maka-ahon sa utang ang pamilya nyo!" sumbat nito. Ngunit matapang na sumagot si Marie kay Kristine.
       "Opo malaki ang utang na loob ko sa inyo, pero hindi ko na po kayang tiisin ang ginagawa n'yong pananakit kay Sam, ang nais lang naman niya ay ang pagmamahal mo, pero ang ibinibigay mo sa kaniya ay pananakit. kaya pumayag ako sa  gusto ni ate Mina. Ayoko na hindi ko na kayang itago pa ang ginagawa mo sa bata." saad ni Marie kay Kristine. 
        "How dare you!" susugurin sana ni Kristine si Marie ng biglang humarang  si Mathaias. kaya naman wala itong nagawa kung hindi bumalik sa kaniyang kinau-upuan.  
        "Ano na ngayon ang plano n'yo kukuhain niyo sa akin ang anak ko?" galit na tanong ni Kristine. Nang oras na iyon si Ephraim na ang nagsalita.
        "Dahil ako ang ama niya, sa akin na siya titira at ako na ang mag-aaruga sa kaniya, wala ka nang karapatan sa kaniya." aniya, lumapit siya kay attorney at kinuha ang mga papeles at iniharap kay Kristine. "Kailangan mo itong pirmahan, nakalagay diyan na inaalis na sa iyo ang lahat nang rights sa kaniya, at lalayo, at kung tatanggihan mong pirmahan iyan, maaari ka naming kasuhan at ipakulong, child abuse and child abandonment or
R.A. 9523 — (3) Abandoned Child refers to a child who has no proper parental care or guardianship, or whose parent(s) have deserted him/her for a period." Saad ni Ephraim. "Ngayon mamili ka, pipirma ka o makukulong ka." aniya, Kaya naman walang nagawa si  kristine kung hindi ang pumirma. matapos pimarhan, nagulat sila na bigla itong umarte na umiiyak.
           "Ngayong nasa inyo na ang anak ko, maaari ko ba siyang mayakap kahit sa huling pagkakataon." wika nito. nagkatinginan muna sina Mina at Ephraim. Tumango si Ephraim at tinawag ang anak, "Go to your mommy and hug her one last time." aniya, kita sa bata ang pag-aalangan na lumapit ngunit pinaamo ni Kristinew ang kaniyang mukha kaya naman lumapit na sa kaniya ang bata. ngunit pagkalapit nito nagulat silang lahat ng tutukan ni Kristine ng baril ang bata. 
         Agad na naalarma si Mina at Ephraim, pati na rin si Mathaias, nakita ni Kristine na nagtinginan ang mga ito kaya nagbanta siya.
        "subukan ninyong gumawa ng hindi maganda, kung hindi mamamatay ang batang ito!" Aniya, kaya naglakad ito palabas habang kapit kapita ang bata palabas ng bahay, sumakay ito ng kotse at agad na tumakas kasama si Samantha. 

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon