Chapter Eleven

883 18 0
                                    

           Naramdaman ni Ephraim ang pagdampi ng mga kamay ni Mina sa kaniyang mga balikat, bahagya siyang nagulat ngunit ng nag-uumpisa ng gumalaw ang mga kamay ito, nakaramdam siya ng ginhawa dahil sa ginagawa nitong pagmamasahe. 
                 "Tama lang ba ang bigat ng kamay ko sa mga balikat mo?" tanong ni Mina, hindi ito sumagot kaya tumingin siya rito. Nakita niya na nakapikit ito at tila dinadama ang bawat pagpiga niya sa balikat nito, kaya naman napangiti siya, masaya dahil kahit papaano sa ganoong paraan nagagawa niyang bumawi sa kabaitan nito, at sa pag-aalaga nito sa kaniya. 
                  "It was my first time," wika ni Ephraim kay Mina na ipinagtaka naman nito. 
                  "What did you say?" tanong ni Mina 
                  "Ang sabi ko, unang beses ito na may nagmasahe sa akin. Madalas ini-inuman ko na lang ng gamot kapag masakit ang katawan ko." aniya habang naka-pikit ang mata. 
                 "Bakit naman, puwede ka naman magpamasahe sa mga massage parlor, o kaya magpa house service ka, uso naman iyon ngayon." wika ni Mina habang patuloy niyang minamasahe ang balikat nito patungo sa likod. 
                 "One time, nagpa service ako, muntik na akong patayin, kaya maigi na huwag na lang ako magpamasahe kung mamamatay naman ako." aniya na may kasamang pagtawa.
                 Naisip ni Mina, siguro sikat siya dahil sa klase ng trabaho ni Ephraim, nagiging delikado ang buhay niya, kaya mayroon siyang naisip na ideya. "Maaari naman ako ang magmasahe sa iyo kung gusto mo, marunong naman ako kahit papaano." presinta ni Mina.
                "Wala ng bawian iyan Mina," masayang wika ni Ephraim sa kaniya.                                     
        Matapos masahihin ni Mina ang mga balikat at likod ni Ephraim ay nahiga na siya. Umayos na siya ng Higa ng maramdaman niyang lumundo ang kaniyang kama. lumingon siya sa kaniyang likuran ng makita niyang nakahiga doon si Ephraim.
                "Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya rito, kaya naman yumakap ito sa kaniya na kaniya namang ikinagulat. "Ephraim, anong ginagawa mo?" Naiilang na tanong niya rito.
                "Payakap lang, hindi mo ba ako na miss?" malambimg na tanong nito sa kaniya. tumingin si Ephraim sa kaniya ngunit hindi naman siya makatingin ng deretso sa mata ng binata.
               "Hindi, hindi k-kita namiss!" aniya sabay talikod kay Ephraim. Ngunit hindi nagpatalo ang binata. lumapit pa rin siya rito at niyakap ito kahit nakatalikod ang dalaga. hindi na lang pinigilan ni Mina ang binata, dahil alam niya na kahit alisin niya ang mga braso nito ay babalik at balik ang mga ito sa kaniyang katawan. 
                "Sabihin mo Mina, hindi mo ba talaga ako namiss," anito habang nakadikit ang mukha nito sa likod ng kaniyang ulo. Damang-dama ni Mina ang mainit na hininga ni Ephraim sa kaniyang batok kaya abut-abot ang kilabot na kaniyang nararamdaman.
                "E-ephraim, masyado kang malapit, p-pwede bang lumayo ka ng kaunti," utos ni Mina rito, ngunit sa halip na lumayo ay mas lalo pa nitong hinapit ang baywang ng dalaga, sanhi upang mas lalo pang magdikit ang kanilang katawan.
                "I love the smell of your hair," wika ni Ephraim habang inaamoy ang mahabang buhok ni Mina. Hindi naman malaman ni Mina kung ano ang kaniyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. 
                "E-ephraim, please, matulog na tayo. tigilan mo na iyang ginagawa mo." wika ni Mina. Ngunit ang totoo, napaka lakas na nang kabog ng kaniyang dibdib. narinig niya na bahagya itong tumawa. kaya iniharap ni Ephraim si Mina sa kaniya. hinawakan ang isang kamay nito at idinikit sa tapat ng kaniyang dibdib.
               "Don't you hear and feel that, Mina?" anito habang hawak ang nanginginig na kamay ni Mina.
               Ramdam ni Mina ang napaka lakas na tibok ng puso ni Ephraim. Pakiramdam niya ay lalabas na ito sa dibdib ng binata, katulad ng sa kaniya. napaka bilis din ng tibok ng kaniyang puso. 
              "Now, Tell me Mina, hindi mo ba nararamdaman ang nararamdaman ko, I know that we have the same feelings, but still you have hesitations," aniya ni Ephraim kay Mina. "Still I can wait, hanggang sa sigurado ka na. Naghintay na ako ng matagal siguro naman hindi makakasama ang maghintay pa." malungkot na wika ni Ephraim. kaya naman bumitaw na ito sa pagkakayakap kay mina at akmang tatayo na nang bigla siyang pigilan ni Mina.
              "Where are you going?" tanong nito kay Ephraim.
              "Babalik na sa higaan ko," sagot nito.
              "Dito ka na matulog sa tabi ko, kailangan ko din ng katabi para may dantayan ako." pagdadahilan niya, ngunit ang totoo, gusto talaga niya ang mga yakap ni Ephraim sa kaniya.
              "H'wag ko sanang pagsisihan ang ginawa ko!" wika ni Mina sa sarili. 

             Dahil sa pagpayag ni Mina na mahiga si Ephraim sa kaniyang tabi, Abot tainga ang ngiti nito. Kaya naman ng makahiga ay agad ulit itong yumakap sa kaniya.
             "Thank you!" anito sabay halik sa kaniyang labi, nais pa sanang magalit ni Mina ngunit ng makita niya ang ngiti sa mukha nito ay hindi na niya itinuloy pa ang magalit. 
             "Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko para sa iyo, Ephraim. Sana makita ko na at makilala ang ama ng dinadala ko para makapag desisyon na ako." Aniya ni Mina sa sarili.
             Ilang saglit lang ay narinig na niyang malalim na ang paghinga ni Ephraim, nakatulog na ito. kaya naman marahan siyang humarap dito at maingat na hinaplos ang mukha ng binata.
            "Ramdam ko na gusto mo ako, sana balang araw, maramdaman ko rin ang nararamdaman mo sa akin." at saka niya ito hinalikan sa labi. "Good night, Ephraim" saka niya ito niyakap ng mahigpit, hanggang sa siya'y makatulog. 

            "N-No stop, stop!" wika ni Mina habang natutulog, nagising si Ephraim dahil sa nangyayari kay Mina. nananaginip na naman ito. kaya lumapit siya rito at muling niyakap ang dalaga. 
            "Shh…i'm here Mina," wika ni Ephraim. nag-aalala siya rito kaya marahan niya hinahaplos ang buhok nito. ngunit patuloy pa din ito sa pagsasalita.
            Hindi malaman ni Ephraim ang gagawin, isang paraan lang ang pumasok sa kaniyang isip. Kaya agad niya itong ginawa. "Sana gumana!" Agad niyang Inilapat ang kaniyang mga labi sa labi nito. Ilang saglit pa ay naramdaman niya na unti-unti na itong kumakalma, kaya ng ilayo niya ang kaniyang mukha ay nakita niya na mulat na ang mga mata nito at nakatitig sa kaniya.
             "I-i'm sorry, iyon lang kasi ang naisip kong paraan." saad ni Ephraim ngunit hindi pa rin napuputol ang pagtitig ni Mina sa kaniya. "Mina—" naputol ang kaniyang sasabihin ng hawakan siya ni Mina sa batok at inilapat nito ang mga labi sa kaniya. 
             Saglit itong ikinagulat ni Ephraim, kaya ng makabawi ay lumalaban na siya sa mga halik ni Mina sa kaniya.
             "Sana pigilan niya ako, baka pagsisihan niya ito kapag itinuloy namin ito" wika ni Ephraim.

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon