WTD CHAPTER 10"DINNER is ready!" Sigaw ni Math sa mga kaibigan. Nang marinig naman nang dalawang babae ay agad silang tumalima upang magtungo sa hapag-kainan.
"Ang sarap ng pagkain!" wika ni Mina nang maka upo sa upuan. Agad siyang sumandok ng kanin at ulam, bangong-bango siya sa mga luto ni Math ngayon, dati ay parang normal lang.
Habang kumakain, pinagmamasdan niya ang dalawa niyang kaibigan. kaya naman tinanong niya ito.
"LQ?" pabiro lang niyang aniya ngunit grabe magpaliwanag ang dalawa, halos magsabay sa pagsasalita. "Hey, i was just joking! bakit ba parang feeling guilty kayong dalawa?" aniya. natatawa siyang isinubo ang pagkain habang nakatingin sa dalawa. Ang isa ay nakakunot at magkadkit ang kilay na tila naiinis. Ang isa naman ay tila tuwang-tuwa na nakikita ang itsura ng isa.
"Math, bakit ba kasi hindi mo pa ligawan itong isang ito, baka kaya 'di pa iyan nagbo-boyfriend e, baka hinihintay ka!" saad ni Mina sa kaibigan na ikinalaki ng mata ni Shyreen. nakita ni Mina ang reaksyon ni Shy, kaya natawa siya rito. hanggang sa narinig niyang magsalita si Mathaias,
"I think you are right, Mina. We're in a right age, hindi na tayo mga bata. Bakit hindi natin subukan mag date?" wika ni Math kay Shyreen. tila napatigil naman sa pagsubo ng pagkain si Shyreen dahil sa kaniyang narinig.
binitawan niya ang hawak na kubyertos at humarap kay Math.
"Sigurado ka? baka ako pa ang pagsagutin mo ng kakainin natin, Math? Last time na nagyaya ka ng date, ako ang nagbayad sa mga kinain natin!" inis na aniya ni Shy kay Math.
"Nataon lang ang bagay na iyon, dahil nakalimutan ko talaga ang wallet ko sa bahay, nagmadali kasi akong magpunta sa bahay mo!" Paliwanag ni Mathaias kay Shyreen.
"E, bakit ka naman kasi nagmadali, dapat you check your things first para wala kang makalimutan, Kahit kailan ka talaga, makalilimutin!"
"HIndi ako makalilimutin, dahil kahit kailan hindi ko nakalimutan ang nararamdaman ko sa iyo" seryosong aniya ni Math kay Shy.
"Tigilan n'yo na iyan, pag-usapan n'yo ang problema na iyan pagkatapos natin kumain. Respect the food!" wika niya ni Mina sa dalawa.
"Tama si Mina, H'wag kayong mag-away sa harap ng pagkain." boses ng isang lalaki sa kaniyang likuran, alam ni Mina kung sino iyon kaya tumayo siya kaagad at nilapitan ang bagong dating na si Ephraim. Agad niya itong niyakap a ganoon din ito sa kaniya.
"Mina, bakit ka pa tumayo, kumain ka na muna. magbibihis lang ako." wika nito at saka humalik sa noo ni Mina. Tumalima naman si Mina sa sinabi ni Ephraim.
"Akala ko ba matatagalan siya sa pagbalik, bakit narito s'ya kaagad?" tanong ni Math kay Mina na ipinagkibit balikat lang nito.
Nang makapagbihis si Ephraim ay agad siyang nagpunta ng kusina, kumuha siya ng plato at kubiyertos at baso. Naupo siya sa tabi ni Mina.
"Kumusta naman ang bonding ninyong tatlo?" tanong ni Eprhaim habang nagsasandok ng kaniyang pagkain.
"May LQ yung dalawa, ayaw pa kasi nilang aminin na may gusto sila sa isa't isa." sagot ni Mina habang nakatingin sa dalawang kaibigan. "Ang mabuti pa, dito na kayo matulog, doon kayo matulog sa isang kuwarto, doon na lang si Ephraim sa silid ko matutulog." Aniya ni Mina sa dalawang kaibigan.
"Uuwi na lang ako," saad ni Shy, "ayokong makatabi itong si Math, malikot itong matulog at saka nangyayakap ito!"
Natawa na lang si Mina sa Reaksyon ni Shy. "Pero hindi naman kita papayagan na umalis ng ganitong oras, maraming kriminal ang nagkalat ngayon sa kalye, gusto mo bang makita ka na lang namin sa kalye na hubad at wala ng buhay?" pananakot ni Mina sa kaibigan at seryosng tumingin dito. napa sign of cross si Shy ng marinig niya ang mga sinabi ni Mina.
"Fine, basta hindi kami magtatabi ni mokong na ito" anito na itinuro si Mathaias nang nakasimangot.
"Ang mabuti pa kayo na ang bahala rito, ililipat ko lang ang ibang gamit ni Ephraim na naroon," wika ni Mina, saka tumayo at naglakad patungo sa silid kung saan natutulog si Ephraim.
"Kayo talaga, pinapunta ko kayo rito para libangin si Mija at hindi bigya ng alalahanin," wika ni Ephraim kay Math at Shy.
"But i think she looks entertained," pabirong aniya ni Math sa kaibigan.
"Stop acting like a child, Math. Bawal ma-stress si Mina, kaya kailangan natin siyang alagaan." Anito ni Ephraim habang kumakain. nakita niyang parang mga batang natahimik lang ang dalawa. Ilang saglit lang ay bumalik na si Mina s kanila. " maayos na ang tutulugan n'yo, si Shy sa Kama at si Math sa matress sa lapag, and stop bickering each other." Aniya ni Mina at saka nagbalik sa kaniyang silid.
"You heard her, stop bickering each other, kaya kayo na ang mag asikaso niyan, magpapahinga na ako." tumayo na si Ephraim sa upuan at tumingin ulit kay Math at Shy. "Be good kids!" biro nito saba tawa, nainis naman si Math kaya binato niya ito ng pamunas na kaniyang hawak, ngunit hindi naman ito tinamaan dahil agad din itong nakalayo.Kumatok muna si Ephraim bago siya pumasok sa silid ni Mina, kaya pagpasok niya ng silid, nakita niya itong naka-upo sa kama at nagbabasa ng libro. kaya lumapit siya rito at naupo sa gilid ng kama nito.
"kumusta ang pakiramdam mo?" malambing na wika nito,
"Ayus naman, 'di naman anko pinabayaan nung dalawa. nagulat na lang ako na pumunta sila rito." aniya na may ngiti sa labi.
"I did tell them to come here, kaya nga hindi ako nag-alala dahil alam kong kasama mo sila." saad ni Ephraim, ngumiti naman si Mina sa kaniya at nagpasalamat.
"Kumusta ang kaso?" tanong niya rito ng makahiga sa matress na inilatag niya sa lapag na hihigaan ni Ephraim.
"Aaminin ko na ito ang unang beses na nahirapan ako sa paglutas ng kaso. Napakahirap tukuyin ng taong itinuturo ng lead na nakita ko. But don't worry, nararamdaman ko na malapit ko nang malutas ito. i will give you all the information tomorrow morning, magpahinga ka na muna. Ako din, I feel exhausted" nakita ni Mina na minamasahe ni Ephraim ang balikat, tila natunaw ang puso ni Mina sa nakita, kaya lumapit siya rito at minasahe ang balikat nito.

BINABASA MO ANG
A night with you
RomanceIsang magaling at tapat sa trabaho, Iyan si Lihoi-Mina Galvantes, isang police Captain sa kanilang destrito. Ngunit isang pangyayari sa kaniyang buhay ang hindi niya inaasahan. Naimbitahan siya sa isang pagsasalo at naka inom, ngunit nagising na lan...