"ANONG kailangan n'yo sa akin," tanong ni Shyreen. nanag makita niyang papalapit ang ilang mga lalaki sa kaniya, "Anong gagawin n'yo? Lumayo kayo sa akin!" Sigaw ni Shyreen sa mga lalaki. Nais man niyang pumalag at lumaban ngunit nakatali ang mga kamay at paa niya sa upuan. Kapag nakawala ako rito, humanda kayo sa akin!" Banta ni Shy habang pilit nq kinakalag ang tali sa kabiyang kamay.
"Miss beautiful, huwag kang mag-alala 'di ka magsisisi sa gagawin namin sa iyo. Paliligayahin ka namin." Wika ng isang lalaki sa kaniyang at tila gigil na gigil na siya'y mahawakan.
"Manyakis! Pasalamat ka at nakatali ang mga kamay ko, dahil kung hindi manghihiram ka ng mukha sa kamukha mong aso!" Hasik niya Shyreen sa lalaki na ikinais nito. Lumapit ito sa kaniya at pinadapuan siya ng isang malakas na sampal sa pisngi. Dahil sa lakas ng sampal nito pakiramdam ni Shyreen ay nagmanhid ang kaniyang mukha.
"kapag nagpasa itong sampal mo sa akin, lagot ka talaga sa akin sira ulo ka!" galit na aniya.
"Hindi ka na makakapalag, ilan kami rito, nag-iisa ka lang, anong magiging laban mo?" wika ng lalaking nanampal sa kaniya.
"Bakit hindi n'yo ako subukan kalagan para malaman n'yo kung ano ang kaya ko." malanding wika ni Shyreen. "Kailangan kong sumakay sa mga lintek na ito kung hindi mapapahamak ako." aniya, sa kaniyang sarili.
Ngumiti lang ang lalaki at sumenyas sa mga kasamahan. kaya naman kinalagan nila si Shyreen. matapos kalagan ay lumapit sa kaniya ang lalaki.
"ano ang mga kaya mong gawin, gusto namin makita." seryosong wika nito sa kaniya. kaya naman tumayo si Shy sa upuan at lumapit sa lalaki, marahan niyang hinaplos ang mga balikat nito patungo sa batok.
"You don't know what i'm capable of," aniya, sabay hawak sa buhok at mabilis niyang sinipa ang mga paa nito sanhi upang ito'y matumba, ngunit bago bumagsak sa lupa ang ulo nito, malakas na puwersa ang ibinigay niya upang bumagsak ito ng malakas, kaya kaagad na nawalan ng malay ang lalaki, na ikinagulat ng mga kasamahan nito.
"We'll who's next?" nakangiting wika ni Shyreen kaya naman mabilis na sinugod siya ng mga lalaki na nakapaligid sa kaniya. ang unanlalaki na sumugod sa kaniya ay tangka siyang susuntukin ngunit kaagad siyang yumuko upang mailagan ang suntok nito at mabilis na suntok sa tiyan ang kaniyang ibinigay. matapos ay ang kasunod naman nito ang kaniyang sinugod, humakbang siya pakaliwa upang ilagan ang untok nito at saka pinalusutan niya ng malakas at puwersadong suntok sanhi upang tumama ito sa baba ng kalaban.
"it's been years nang huli akong lumaban, baka gusto n'yo naman akong pahirapan!" nakangiting wika ni Shyreen. dahil doon dalawang lalak ang magkasabay na susugod sa kaniya. kaya naman sinalubong niya ang mga ito nang palapit na ay saka siya yumuko at mabilis na hinablot ang mga pagkalalaki ng mga ito. Dahil upang mamilipit ang mga ito sa sakit. Agad na binitawan ni Shyreen ang mga ito at saka itinulak sa mga paparating pang kalaban. hanggang sa…
Isang putok ang umalingawngaw, naramdaman ni Shyreen ang hapdi sa kaniyang balikat, pagtingin niya ay dumudugo na ito. hanggang sa narinig niyang nagsalita ang babae, "Enough playing, itali n'yo ulit iyan!" sigaw nito. kaya naman muli siyang binuhat at itinaling muli sa upuan. nakita niyang lumapit ang babae at hinawakan siya sa buhok.
"Sabihin mo na kung nasaan sina Mina at Ephraim." wika nito kay Shyreen. bahagya namang tumawa si Shy at sumagot dito.
"In your dreams bitch!" aniya, sabay ngisi rito, sa inis nito idiniin ang hawak na baril sa balikat nito na may tama ng bala. agad na sumigid ang kirot na ikinasigaw ni Shyreen. "Huwag mo akong subukan. maaari kitang patayin ngayon kung gugustuhin ko. kaya sabihin mo na kung nasaan na sila.
"Wala kang mapapala sa akin Kristine mamamatay na lang akong pero hindi mo pa rin malalaman kung nasaan ang kaibigan ko!" giit ni Shyreen. kaya naman sa inis ni Kristine sinampal niya ng paulit-ulit si Shy, hanggang sa mamula ng husto ang mga pisngi nito.
"Tama na iyan!" Awat ng isang lalaki. lumait siya kay Kristine at inilayo ito kay Shyreen, "mas lalo nating hindi malalaman kung nasaan ang mag-asawa kapag may nangyari rito. kaya maghunos dili ka." Awat nito.
"Pero Roan, kailangan na natin malaman kung nasaan ang dalawang iyon, gustong-gusto ko ng maghiganti sa kanila, hindi ko mapapatawad ang ginawa nila sa akin. sinira nila ang buhay ko!" sigaw ni Kristine. "Bakit ikaw lang ba? malaki ang kasalanan sa akin ng dalawang iyon. gusto ko silang parusahan dahil sa ginawa nila sa akin!' anito, "huwag kang mag-alala, may naisip na akong paraan." anito habang nakatingin kay kristine.
"Ano naman ang naisip mo?" tanong nito kay Roan.
"Sigurado ako na alam na ni Ephraim at Mina ang pagkawala ng kaibigan nila, kaya naman hahanapin nila ito, hahayaan natin sila na matagpuan nila ito rito, ngunit maghahanda tayo ng patibong para sa kanila. kaya huminahon ka. Darating din ang oras na makakapag higanti tayo sa kanila." paliwanag nito. kaya naman natawa sila at saka naglakad palabas ng silid.
"lagot na, anong gagawin ko para balaan ang kaibigan ko." wika ni Shyreen sa sarili."ANONG nangyari, paano, saan?" sunud- sunod na tanong ni Mina sa kaibigan na si Mathaias.
"Hindi ko alam may nakapagsabi na may mga dumukot daw kay shyreen ng paalis na ito sa kampo." paliwanag ni Math sa kaibigan.
"Sigurado ako na may kinalaman si Kristine at Roan dito. Alin man sa kanilang dalawa. maaaring nais nilang malaman kung nasaan kami. kaya kailangan na namin umals dito." wika ni Ephraim. nang mapatigin sa asawang si Mina, naka-upo ito at tila nag-iisip. kaya nilapitan niya ito at inakbayan. "Hon, may naiisip kang plano?" aniya.
"Oo, pero kailangan nating iuwi ang mga bata sa bahay nila tita celest at tito mark. mas magiging ligtas sila roon kasama sila. kailangan nating gumawa nang isang solidong plano, sigurado ako na may ginagawa na silang plano laban sa atin, at gagamitin nila si Shyreen. Mathaias, hanapin mo sila pero huwag kang kikilos ng wala kami. hihingi ulit ako ng tulong sa mga kasamahan ko, kailangan nating maghanda, failure is not an option. aalis na tayo para maiuwi na ang mga bata." saad ni Mina. "Siguraduhin lang nila ang ginagawa nila dahil kapag nakita ko na nasaktan ang kaibigan ko mananagot sila sa akin." galit na wika ni Mina.
BINABASA MO ANG
A night with you
RomanceIsang magaling at tapat sa trabaho, Iyan si Lihoi-Mina Galvantes, isang police Captain sa kanilang destrito. Ngunit isang pangyayari sa kaniyang buhay ang hindi niya inaasahan. Naimbitahan siya sa isang pagsasalo at naka inom, ngunit nagising na lan...