Chapter Thirty-six

626 12 0
                                    


      ILANG oras na ang lumilipas nang ipasok si Mina sa loob ng Operating room, kaya naman sobra na ang pag-aalala ni Ephraim. Ilang saglit pa ang lumipas, biglang dumating ang mag-asawang Oliveros, agad na lumapit ang mag-asawa kay Ephraim at nagtanong.       
      "How's Mina, anong balita, hindi pa ba lumalabas ang doktor?" sunud-sunod na tanong ni Celest kay Ephraim. 
      "Hindi pa po, natatakot na ako. Baka kung ano na ang nangyari sa asawa ko." wika ni Ephraim. kaya naman niyakap siya ni Celest at marahan na tinapik ang likod ni Ephraim. "Let's just pray, hijo.
       Hanggang sa makita nilang nagbukas ang pintuan ng Operating room. lumabas roon ang doktor at lumapit ito ng makita sila.
      "Kayo po ba ang kamag anak ng pasyente?" tanong nito, 
      "Ako po ang asawa n'ya, kumusta po ang lagay ng asawa ko?" nanginginig ang kamay nito habang nagtatanog sa doktor.
      "Natanggal na po namin ang bala sa katawan niya, ang problema mauubusan na siya ng dugo sa katawan, kailangan natin ng agarang donor." anito. kaya agad na nagtanog si Ephraim.
      "Ano po ba ang type ng dugo niya para mahanapan na namin." tanong nito sa doktor.
      "It's an A positive, mahirap humanap nang ganitong kalse ng dugo, at wala rin kami nito dito sa ospital." anito, habang nakapamaywang at nakatingin kay Ephraim. napalingon na lamang sila ng biglang nagsalita ang heneral.
      "Ako, I'm an A positive." saad nito. Tumingin ito sa asawa at ngumiti. "Love, I think it's about time." wika nito at muling humarap sa doktor. "Ang mabuti pa dok gawin na natin. bago pa mapahamak si Mina." anito, tumango ang doktor dito at naglakad na pabalik sa loob ng operating room. 
     Nang makapasok sila, agad nilang inasikaso ang pagsasalin ng dugo kay Mina. Habang nakahiga ang heneral at kinakabitan ng Infusion device, tumingin ito kay Mina na walang malay at namumutla na. "Don't worry, hija. Everythings going to be fine. just hang in there." nakangiting wika nito. hindi nagtagal nag-uumpisa na ang pagbibigay ng dugo kay Mina. 

      SA labas ng operating room, nag-uusap naman si Celest at Ephraim.
      "Tita, I'm confused paanong nangyari na pareho ng blood type si Mina at si Tito Mark?" tanong ni Ephraim. Marahan na bumuntong hininga si Celest bago nito sinagot ang tanong ni Ephraim. 
       "It's a long story, hijo. but to make it short, Anak namin si Mina. matagal bago namin nakumpirma. gusto na namin sabihin sa kaniya noon pero, ang sabi ng tito Mark mo, it's better not to, dahil sigurado na magagalit sa amin si Mina." malungkot na wika nito. Naramdaman ni celest ang pagyakap ni Ephraim sa kaniya at nag wika. 
      "kung alam n'yo lang kung gaano kasabik si Mina na magkaroon ng magulang. Ako na po ang nagsasabi sa inyo, maiintindihan kayo ni Mina at matatanggap niya ano man ang naging dahilan." nakangiting saad ni Ephraim. 
      Dahil doon napangiti si Celest kay Ephraim at nagpasalamat. "Thank you, for making my daughter happy." wika nito. "sana maging maayos na ang lahat. gustong-gusto ko ng mayakap ang anak ko." anito, kaya inakbayan ni Ephraim si Celest at matamis na ngumiti. "Huwag po kayong mag-alala, Mina is a strong woman kaya makakaya niyang lampasan ang siwasyon niya ngayon." wika ni Ephraim. kaya ngumiti si Celest at marahan na tumango.

      "MATHAIAS!," tawag ng kaibigang doktor ni Shyreen. kakalabas lang nito sa operating room. Dinala ni Mathaias si Shyreen kung saan ito unang nagtrabaho.
     "Donald, kumusta si Shyreen, anong lagay niya?" nag-aalalang tanong noi Math dito.
     "Well she's fine now and the baby, mabuti na lang at makapit ang bata sa sinapupunan niya." saad nito na ikinakunot ng nuo ni Mathaias.
     "Wait, what do you mean?" tanong nito sa doktor.
     "She's two months pregnant, Math." anito, " Hindi ba niya sinabi sa iyo?" nagtatakang tanong din nito sa kaniya.
     "No, what the Fuck!" napasigaw si Math at napahawak na lang sa ulo dahil sa nalaman, kaya agad siyang inawat ng doktor.
     "Cool lang pare, ang mabuti pa magpunta ka na sa kaniya. naroon na siya sa silid niya." saad nito. "Mag-usap kayo. pag nagkamalay na siya." wika nito habang tinatapik si Mathaias sa balikat. Tumango lang si Math at iniwan na siya ng kaibigang doktor.
      Napaupo si Mathaias sa isang upuan, tila nanlambot siya sa nalaman, "God, ano itong nagawa ko," Aniya, kaya tumayo na siya at nagtungo sa silid ni Shyreen. Nang marating niya ang silid napatigil na lang siya sa tapat ng pinto. hinawakan niya ang knob at huminga muna ng malalim bago ito pinihit. 
      Pagbukas niya nakita niya na wala pa din malay si Shy, kaya naman pumasok na siya at lumapit rito. naupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay nito. Marahan niyang inilapit sa kaniyang labi at dinampian niya ito ng banayad na halik. 
     "Babe, bakit hindi mo sinabi sa akin kaagad, nilayasan mo pa ako." aniya, kahit nakapikit pa si Shyreen. "dapt kina-usap mo ako at sinabi sa akinang kalagayan mo, sinisisi ko talaga ang sarili ko kung bakit ka lumayo. Ngayon na alam ko na ang totoo, hindi na kita sasaktan aalagaan na kita. Hindi na ako magiging pasaway. titigilan ko na ang pambababae ko, pangako yan, ngayon na magkakaanak na tayo, hindi na kita pakakawalan pa. Magpapakasal tayo, mahal na mahal kita, kaya gumising ka na, Babe." wika ni Math. Nang maramdaman niya ang bahagyang paggalaw ng kamay ni Shy na kaniyang hawak. kaya agad siyang napatingin rito. Malumanay niyang tinawag ang pangalan ito, kaya Marahan itong dumilat. tumingin ito kay Mathaias at nagtanong.
      "B-bakit ka n-narito, umalis ka na hindi kita kailangan kaya ko ang sarili ko." anito, kahit nanghihina. Agad namang nalungkot ang mukha ni Mathaias ng marinig ang sinabi ni Shyreen. 
      "Babe, please don't be like that, alam ko na nagkamali ako kaya patawarin mo ako," anito, nakatingin lang sishy sa kaniya at hindi kumikibo. Hanggang sa bumuntong hininga ito nagsalita.
       "Pag-iisipan ko, sa ngayon hayaan mo na ako rito. gusto komng mapag-isa." wika ni Shyreen. ngunit umiling lang si Mathaias. 
      "No, i'm not leaving you, ngayon pa na nalaman ko na magkakaanak na tayo. hinding-hindi na kita pakakawalan pa." nakangiting wika nito. ngunit sumimangot lang si Shyreen. 
      "Pero ayokong makita ang mukha mo, naiirita ako kapag nakikita kita." anito, natawa naman si Math sa sinabi nito. "Sure ka? aalis ako kung talagang ayaw mo akong makita." nagbibiro niyang wika rito. bigla namang napalingon si Shyreen rito at hinawakan sa kamay.
     "Subukan mong lumabas ng pinto kung hindi makakatikim ka sa akin ng hindi mo pa natitikman sa buong buhay mo!" pagbabanta nito. dahil doon natawa na talaga si Mathaias sa naging reaksyon nito.
     "Sinabi ko na sa iyo, hindi ako aalis, kahit pagtabuyan mo pa ako." aniya, kaya naman niyakap niya si Shyreen ngunit bigla itong napangiwi dahil sa kirot na naramdaman, naalala nito na may sugat pala ito sa balikat dulot ng pagkakabaril sa kaniya. 
     "Sorry, nakalimutan ko." aniya habang hinihipan ang balikat. narinig naman niya ang bahagyang pagtawa ni Shyreen kaya naman tumingin siya rito at nagtanong. "May nakakatawa ba?" seryosong wika nito.
     "Oo iyang ginagawa mo, hindi naman iyan kailangan, pero thank you pa rin," saad nito habang nakangiti. Umayos naman ng pagkaka-upo si math at nag wika.
     "Babe, hayaan mo sana ako na makabawi sa iyo, hayaan mo na alagaan kita." wika ni Math.
     "Ngayon lang?" seryosong tanong ni Shy dito. nakita niyang umiling ito at muling hinawakan ang kaniyang kamay. 
     "No, gusto kong gawin iyon nang panghabang buhay," kaya naman bumaba si Math sa higaan at lumuhod sa tapat nito. "Miss Shyreen Mendoza, nagdaan na tayo sa napakaraming pagsubok at problema, at alam ko na higit kang nagdusa, kaya naman nais ko nang tapusin ang lahat ng iyon." saad niya. "Mahal na mahal kita noon pa, kaya…" putol nito sa sasabihinnang may kinuha ito sa kaniyang bulsa, nang makuha ipinakita niya ito kay Shy at muling nag wika. "Shy, Let's get married," anito, tumingin siya sa mga mata ni Shyreen at nakita niya ang mga luha na agad na dumaloy sa pisngi nito. kaya naman tumayo na siya mula sa pagkakaluhod at pinahid ang mga luha nito. kaya naman muli siyang nagtanong. "Shy, magpakasal na tayo." nakangiting wika nito. kaya naman tumango si Shyreen at agad na niyakap si Mathaias. 
      Natuwa naman si Math, kaya isinuot na niya kay Shy ang sing-sing. matapos nuon ay hinalikan niya ito sa labi. 
     "I love you," malambing na saad ni Math kay Shy. 
    "I love you, more!" sagot naman ni Shyreen. 

MATAPOS ang blood infusion kay Mina, agad na umayos ang lagay nito. kaya naman matapos ang operasyon ay inilipat na si Mina sa pribadong silid nito. 
      Masayang nakikipaglaro si Celest sa kaniyang mga apo habang si Heneral Mark naman ay nagpapahinga, dahil sa blood infusion nakaramdam ito ng bahagyang panghihina. 
     Si Ephraim naman ay tahimik lang na naka-upo sa tabi ng asawa at naghihintay na magkamalay ito. Nang marinig ni Ephraim ang pagtawag ng heneral, kaya naman lumapiot siya rito at naupo sa tabi nito.
     "Bakit po?" tanong niya.
     "Alam ko na nagtataka ka sa nalaman mo, nag i want to say sorry." anito, ngumiti lang si Ephraim at tinapik ang balikat nito. 
     "Hindi po kayo dapat humingi nang sorry sa akin, sa kaniya."aniya, nang itinuro ng nguso niya ang asawa. "kailangan lang ninyong ipaliwanag sa kaniya ang lahat at sigurado ako na maiintindihan niya kayo." paliwanag ni Ephraim. 
      Kaya naman tumango ito at ngumiti, pagbalik niya sa kama ng asawa nakita niyang nakadilat na ito. "Honey!" wika ni Ephraim ng makalapit kay Mina. Ngumiti naman ito at nag-wika. 
     "H-hon, namiss kita." anito, na ikinangiti ni Ephraim. paglapit niya agad niyang niyakap si Mina at banayad na hinalikan sa labi.
     "I miss you too," masayang sagot niya. Dahil doon lumapit na anfg mga anak nila na si Samantha at Carlayle na karga naman ni Celest. nang makita ni Mina si Celest hinawakan niya ito sa kamay at ngumiti. "Masaya akong makita kayo na narito." wika ni Mina. 
      "Me too, hija." sagot nito. nang mapansin Ni Mina ang kaniyang Tito Mark sa sofa na naka-upo at nakapikit. kaya naman nagtanong siya.
     "Anong nangyari kay tito?" tanong nito. nagkatinginan si Ephraim at Celest na ipinagtaka naman ni Mina. Bahagyang tumango si Ephraim kay Celest, dahil doon nagpalit ng tingin si Mina sa dalawa. kaya muli siyang nagtanong.
      "May nangyari ba, baka gusto niyo naman sabihin sa akin." aniya, humugot muna nang malalim na hinga si Celest bago nagsalita.
     "Mina, hija. mayroon sana akong gustong ipagtapat sa iyo." anito, kumunot lang ang noo ni Mina at naghintay sa sasabihin ni Celest. 
     "Mina, The truth is…" putol nito at tumingin muna kay Ephraim. ngumiti ito at muling tumango. kaya naman itinuloy na niya ang nais niyang sabihin. "Mina, gusto kong malaman mo na kami ang tunay mong magulang."



A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon