Chapter Twenty

896 15 4
                                        


       "Breakfast is ready." Nakangiting wika ni Ephraim sa sarili. Gumising talaga siya ng maaga upang ipagluto ng masarap na almusal si Mina. Matapos ng nangyari sa kanila kahapon, alam niya na hindi na ito galit sa kaniya. Kaya sisikapin niya na hindi na maulit ang ganoon sa kanila. Kaya matapos niyang ilagay sa isang tray ang lahat ng pagkain para kay Mina, maingat niya itong binuhat  patungo sa silid nila. Saglit niyang binitawan ito para buksan ang pinto, matapos nuon ay kinuha niya ulit ito at pumasok na siya sa loob, nakita niyang masarap pa rin na natutulog si Mina. Inilapag niya ito sa side table at marahan na sumampa ng kama. 
          Nakangiting pinagmasdan niya ang mukha ng babaeng una at huli niyang mamahalin. Ang babae na pagla-laanan niya ng kaniyang buhay, ngayon na magkakaanak na sila, naisip ni Ephraim, dapat na silang magpakasal ni Mina sa lalong madaling panahon. Gusto ni Ephraim na pagsilbihan ito at mahalin. 

        Marahan niyang inilapit ang kaniyang mukha rito at masuyong hinalikan sa labi. 
        "Rise and shine, baby. Breakfast is ready," nakangiting aniya ni Ephraim kay Mina. 
      Marahan na dumilat si Mina at nakita niya ang nakangiting si Ephraim. Kaya naman binati niya ito, "Good morning," aniya at saka marahan na bumangon. Sumandal siya sa headboard ng kama at nilagyan naman ito ni Ephraim ng unan upang maging komportable ito sa pagsandal. 
       "Ang aga mong gising, hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" Nag-aalalang tanong ni Mina rito. Umiling lang ito at saka muling humalik sa kaniya. 
      "I prepared a speacial  breakfast to my speacial someone." Masayang saad ni Ephraim at saka kinuha ang tray, inilagay niya ito sa tabi ni Mina. Tila nais umiyak ni Mina dahil sa ginagawang pagsisilbi ni Ephraim sa kaniya. 
       "Niluto mo ito para sa akin?" Tanong ni Mina at tumango lang ito habang matamis na nakangiti sa kaniya. Kaya naman pinalapit niya ito sa kaniya saka ginawaran ng halik sa labi. Ngunit ang halik niya ay naging malalim. Naging mas mainit, hindi na napigilan pa ni Ephraim na siya'y hubaran. Muli niyang inilagay sa side table ang pagkain at saka muling bumalik sa tabi ni Mina. 
       "Ikaw muna ang gagawin kong almusal" wika ni Mina kay Ephraim. Bahagyang natawa si Ephraim sa sinabi ni Mina kaya naman pinagbigyan niya ito.


        MATAPOS ang mainit nilang umaga, sabay silang kumain at ginawa na ang mga trabaho sa bahay, masaya silang naglilinis ng bahay ng may marinig silang paparating na sasakyan. 
      Agad na sinilip ni Ephraim kung sino ang dumating kaya naman ng makilala niya ang sasakyan lumapit siya kay Mina at ibinalita ng mayroon itong bisita. Kaya lumabas sila, nakita ni Mina na papalabas ng sasakyan ang kaniyang dalawang kaibigan. 
      "Shyreen, Mathaias!" Sigaw niya.
      "Goodness, Mina!" Patakbong lumapit si Shy kay Mina at masayang niyakap ang kaibigan. "Kumusta naman ang buhay mo rito, hindi ka ba nahihirapan?" Tanong nito kay Mina. "Ang laki na nang tiyan mo, parang gusto ko ng maiyak," aniya ni Shyreen na tila luluha na ang mga mata. Natawa lang si Mina sa reaksyon ng kaibogan kaya naman muli niya itong niyakap.
       "Ano ka ba, normal ito. Ang mabuti pa pumasok na tayo sa loob at doon na tayo magkuwentuhan. 
       "May pasalubong kami para sa iyo." Aniya ni Math sa kaibigan. 
       "Salamat!" Saad ni Mina habang naglalakad sila papasok ng bahay. 
       Habang naglalakad, tumingin si Mathaias kay Ephraim at nag wika. 
       "Sira-ulo ka talaga, ikaw pala ang ama nang batang dinadala ng kaibigan ko. Ikaw pala ang hudas!" Natatawang anito sa kaibigan. 
      "Sorry, ang totoo, matapos kong mag imbestiga doon ko lang nalaman na ako talaga ang ama, sabagay kahit hindi ako ang ama ng bata pakakasalan ko pa din naman si Mina, dahil mahal na mahal ko siya. Alam mo naman iyon 'di ba?" Seryosong wika ni Ephraim kay Mathaias. Tinapik lamang siya ni Math sa balikat at nakangiting tumango lang sa kaibigan.
        Habang masayang nakukwentuhan ang apat na magkakaibigan, biglang dumating si Manang tasing na may mga dalang gulay. Kaya naman agad na sinalubong ni Ephraim at Mathaias ang matanda upang tulungan sa mga dalahin nito. 
       "Manang! Buti naman at nakabalik ka na," wika ni Mina sa matanda habang nakayakap. 
       "Ikaw talagang bata ka, parang ilang araw lang akong nawala rito, ako'y magluluto na upang kayo ay makakain ng maaga. Mabuti na lamang at ako'y nakabalik kaagad, sige na ipagpatuloy n'yo na muna ang paghuhuntahan n'yo. Mag aasikaso na ako." Nakangiting wika ng matanda kay Mina. 

        Dahil dumating na ang mga kasambahay ni Mina, libre na sila na mamasyal ni Ephraim. Kaya naman nag-aya si Shyreen na maglakad sa tabing dagat. 
      Dahil malapit lang ang bahay ni Mina sa tabing dagat, nilakad lang nila ito dala ang mga meryenda na niluto ni Manang tasing. 
       Tuwang-tuwa si Shyreen na maglakad sa tabing dagat habang naka yapak kasama si Mina.
       "Ang tagal na ng huling punta ko rito, mga bata pa tayo noon, naging busy na tayo sa pag-aaral, nagkaroon na tayo ng mga sariling buhay. naabot natin ang mga pangarap natin at ikaw magkakapamilya na, kasal na lang ang kulang sa inyo ni Ephraim." malungkot na aniya ni Shy sa kaibigan. 
         "Shyreen, bakit hanggang ngayon pa din ba naghihintay ka na magsalita sa iyo si Math? we both know na hindi niya iyon gagawin." natatawang aniya ni Mina. 
        "Alam ko naman iyon, kaya lang baka mapagod na ako sa kakahintay, madalas nakikita ko siya na nakikipag flirt sa ibang babae, pero alam mo iyon gustuhin ko man na dakdakan ang lintek na mga babae, hindi ko magawa dahil wala pa akong rights kay Mathaias." mahabang paliwanag ni Shyreen. "konti na lang, Mina kung hindi pa magsasabi si Math, lalayuan ko na siya, hindi na ako aasa, ako lang ang nasasaktan tuwing nakikita ko siyang may kasamang iba." malungkot na anito at saka isinandal ang ulo sa balikat ng kaibigan.

           "MATH, kumusta naman kayo ni Shy?" seryosong tanong ni Ephraim sa kaibigan.
           "We're good" anito habang inaayos ang mga pagkain sa lamesa sa cottage na naroon. 
          "Fuck men! what kind of answer is that? What status are you and Shy right now, that's what i mean, you idiot!" at saka binatukan ni Ephraim si Mathaias.
          "Dude, we're still Friends." sagot niya rito.
          "Pare, anong klase kang lalaki, alam mo sa sarili mo na gusto mo si Shyreen noon pa pero bakitv hanggang ngayon kaibigan pa rin ang turingan ninyong dalawa?" aniya ni Ephraim, "bakit ba kasi hindi ka magseryoso na sa buhay. Dude you're not getting any younger, be mature and face Shyreen. Tell her what you really feel," payo nito.
         "I really don't know, pag-iisipan ko ang lahat ng sinabi mo." aniya at saka naupo. " mabuti pa siguro kung tawagin na natin yung dalawa para makapag meryenda na muna sila." wika ni Math at saka muling tumayo at tinawag ang dalawang kaibigan.       

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon