Chapter Thirthteen

848 14 0
                                    


           "NAKU sis! sabihin mo nga sa akin, ano ba talaga ang plano mo?" tanong ni Shyreen kay Mina habang naghuhugas sila ng kanilang pinag-kainan. "Naguguluhan ako sa status n'yong dalawa." 
            Bahagyang natawa si Mina sa kaibigan at saka humarap dito upang sagutin ang tanong nito. "I really don't know," aniya habang nakatingin sa kawalan.
            "Anong you don't know! puwede ba iyon, nag something chenez kayo, tapos hindi mo alam?!" wika ni Shy kay Mina.
           "Basta ramdam ko sa puso ko na mahal ko s'ya. Unexplainable ang feeling, lalo na kapag nariyan na siya, yung puso ko parang tinatambol!" saad niya habang nasa dibdib ang mga kamay. 
           "Naku, Ewan! napaka gulo mo. para kang isang teenager na na-inlove, Pero paalala lang Mina, buntis ka at hindi mo alam kung sino ang ama ng dinadala mo, paano kung biglang lumitaw si hudas, ano ang gagawin mo?" seryosong tanong Ni Shy sa kaibigan.   
           Nagkibit balikat lang si Mina, sa sinabi ng kaibigan ngunit naisip din niya, paano kung biglang na lang lumitaw ang ama ng dinadala niya, ano ba ang gagawin niya?

           Matapos nilang maghugas, agad na nagtungo si Mina sa banyo upang maligo. Pagpasok niya'y nakita niya ang mga naiwang gamit ni Ephraim. Napa-iling na lamang siya kaya niligpit na lang niya ang mga nagkalat na gamit nito. 
          "Sana'y kasi na may naglilipit ng mga kalat niya." aniya ni Mina sa sarili. matapos niyang sinupin lahat, may napansin siyang bagay sa ibabaw ng kaniyang kama, kaya nilapitan niya ito, nakita niya na cellphone ito ni Ephraim. 
           "Marahil ay naiwan niya ito kanina, nagmamadali kasi." nakangiting aniya, kaya naman itinago niya ito. nang ipapasok na niya sa bag ni Ephraim bigla na lamang itong tumunog. hindi na sana niya ito titignan ngunit out of curiosity, tinignan niya ang cellphone ni Ephraim, dahil wala itong security code o passcode madali lang niya itong nabuksaan.
           Nagulat siya ng makita kung sino ang naka Wallpaper sa cellphone nito. napangiti na lamang siya ng makita ang ang litrato na magkalapit ang mukha nilang dalawa habang siya'y natutulog. "siguro kumuha siya ng litrato habang natutulog ako." aniya, matapos nuon ay sinunod niyang tignan ay kung sino ang nagpada ng mensahe. Nagulat siya ng makita ang pangalan ni Roan Madrigal. kaya agad niyang binuksan ang mensahe nito. 
          "Meet me in my office" ito ang nilalaman ng mensahe nito. "Ano kaya ang kailangan ni Roan kay Ephraim?" matapos mabasa ni Mina ang mensahe, inilagay na niya ang cellphone sa bag nito. Muli siyang nagtungo sa banyo upang maligo. 
          Habang naliligo, hindi maalis sa isip niya ang mensaheng iyon ni Roan, kailangan kong malaman kung bakit sila magkikita. 
          Kaya naman nagmadali siyang maligo, matapos nuon ay nagbihhis siya ng comportable, dahil medyo naka-umbok na ang kaniyang tiyan, nagsuot siya ng isang summser dress, upang hindi ito maipit. saka siya nagsuot ng flat sandals. hinayaan niyang nakalaylay ang mahaba niyang buhok, dahil mainit vang panahon nagsuot siyang sunglasses.
         Paglabas niya'y nagulat siya ng makita si Shy na nakabihis din ito. kaya tinanong niya kung saan ito pupunta.
         "Saan ang lakad mo, Bruha?" tanong ni Mina rito.
         "Tumawag si Math, magkita raw kami. E, ikaw saan ang punta mo?" tanong nito sa kaniya.
          "Naiinip ako rito kaya lalabas na muna ako," wika ni Mina.
          "Sumama ka na lang sa akin, para naman may kasama ako!" anito kay Mina.
          "Ayoko, may sarili akong lakad, usapan n'yo iyan ni Math. Kaya mo na iyan." natatawang wika ni Mina sa kaibigan. kaya naman matapos nilang magpaalam sa isa't isa. Sumakay na si Mina sa kaniyang sasakyan. 
          "Pupunta ako sa opisina ni Roan, malamang na naroon pa hanggang ngayon si Ephraim." aniya sa kaniyang sarili.
          Malapit na siya kung saan ang building na pagmamay-ari ng mga Madrigal. Patigil na siya ng mapansin ang dalawang lalaki na palabas na ng gusali.
          "Si Ephraim at Roan iyon a!" aniya, nakita niyang sumakay ang mga ito sa isang sasakyan. kaya naman ng umandar ito, agad niyang sininudan kung saan ito patungo.
          Ilang saglit lang, nakita niyang tumigil ito sa isang restaurant, kaya naman pumarada siya nang malayo rito. matapos nuon ay mabilis siyang naglakad kung saan pumasok ang dalawa. nakita niya na seryosong nag-uusap ang dalawa. kya naman mmaingat siyang naglakad patungo sa kalapit nitong upuan. Mabuti na lamang at abala ang dalawa sa pag-uusap, kaya hindi siya napansin. 
         Nang maka-upo doon na niya narinig ang usapan nang dalawa.
         "Matapos ng gabing iyon, kinabukasan pinuntahan ko siya sa opisina niya." narinig niyang wika ni Roan.
         "nasundan pa ba ang pagkikita n'yo?" tanong ni Ephraim dito. 
         "Hindi na dahil naging abala na ako sa negosyo, Ang balak ko ligawan ko siya pagkatapos, gustong-gusto ko si Mina at gagawin ko ang lahat para sa kaniya." saad ni Roan kay Ephraim. 
         "Sa tingin mo naman sasagutin ka niya?" tanong ni Ephraim dito. 
         "Ofcourse, Ramdam ko na may gusto din siya sa akin, napapakipot lang." mayabang na wika nito. narinig niyang natawa si Ephraim sa sinabi ni Roan. 
         "Goodluck, ang balita ko may kasintahan na siya, at Mukhang ikakasal na sila." anito na may pagak na pagtawa.
         "Paano mo naman masisiguro iyang sinabi mo?" Tanong ni Roan dito.
         "Private investigator ako sir, at inupahan ako para mag imbestiga. Well, Iyon lang naman ang nais kong malaman, aalis na ako." wika ni Ephraim. saka ito tumayo at nag iwan ng pera sa lamesa, saka ito naglakad palabas nang restaurant.
         Masaya naman si Mina sa mga narinig atleast hindi ito mangungulit sa kaniya. kaya naman tumayo na siya at naglakad na rin palabas nang kainan, ngunit laking gulat niya ng isang matangkad na lalaki ang kaniyang nakabungguan. 
         Dahil doon, nawalan siya ng balanse at matutumba na siya ng bigla siya nitong saluhin, hindi ito nagsalita ngunit alam niyang galit ito sa kaniya.
         "What are you doing in here?" tanong nito sa kaniya.
         "Ephraim," aniya ni Mina. nagulat na lamang siya ng bigla na lamang siya nitong buhatin at isinakay sa kaniyang sasakyan. nang maisakay siya, sumunod naman ito.
          Ito ang pumuwesto sa driverseat. matapos makasakay, agad siya nitong hinarap at tinanong.
           "Anong ginagawa mo, bakit ka narito?" may bahid ng galit at pag aalala ang tanong nito sa kaniya. 
           "Naiinip ako sa bahay, kaya naisip ko na lumabas," Dahilan niya. ngunit ang totoo ay sinundan niya ito. "I-ikaw, A-anong ginagawa mo rito?" tanong niya, kinakabahan talaga siya sa magiging reaksyon ni Ephraim. 
           "Alam kong sinundan mo ako rito, napansin ko ang sasakyan mo na sumusunod sa sasakyan ni Roan," magkadikit ang kilay nitong wika sa kaniya. ramdam ni Mina na galit ito sa kaniya.
          "Ephraim, sorry naiwan mo kasi yung phone mo sa kama, nabasa ko rin yung text message ni Roan sa iyo kaya na curious ako. kaya sinundan kita." Tila maiiyak na siya sa pagpapaliwanag dito. Police captain siya, wala siyang kinatatakutan at matapag siya, pero bakit ba pagdating kay Ephraim ay napaka hina niya? wika ni Mina sa kaniyang isip. Nagulat na lamang siya ng bigla siya nitong yakapin.
         "I'm sorry if i scare you, nag-aaalala lang ako sa iyo." Anito sabay halik sa kaniyang labi. Napatingin na lang si Mina kay Ephraim, hanggang sa tuluyan na siyang umiyak. 
         Natakot naman si Ephraim sa pag-iyak ni Mina. kaya naman panay ang hingi niya ng tawad dito. 
          "Tahan na hindi ko naman intensyon na matakot ka sa akin, Sobrang nag-alala lang ako," anito habang nakayakap kay Mina at pina tatahan ito. 
          "Nang tumigil na ito sa pag-iyak, pinunasan ni Ephriam ang mga luha ni Mina at saka pinupog ng halik ang buong mukha nito. Natawa na lang si Mina sa ginawa ni ephraim sa kaniya.
        "Sorry, Next time kokontrolin ko na ang galit ko." Aniya ni Ephraim. "Ang mabuti pa, Kumain tayo kung saan mo gusto." aya nito kay Mina. Ngumiti lang si MIna sa kanya at mabilis na pina-andar ni Ephraim ang sasakyan.  

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon