"ANONG ginawa mo rito?" tanong ni Ephraim kay Kristine ngunit nakita niyang ngumiti ito at mas lalo pang inilingkis ang mga braso sa leeg ni Ephraim.
"Bakit dati naman gusto mo na ginagawa ko ito sa iyo." malanding wika ni Kristine sa kaniya.
"Stop it, Kristine!" sigaw na Ephraim rito. hinawakan niya ang mga braso nito at saka pilit na kinalas ito sa kanyang leeg. kita ang pagkagulat sa mukha ni Kristine at ng Ina niya. kaya nagtanong ito sa kaniya.
"Bakit may iba ka na bang gusto, ayaw mo na ba sa akin?" naiiyak na tanong ni Kristine, kaya naman nilapitan ito ni Ephraim at nag-wika.
"I'm happily married now, kapapanganak lang ni Mina at nasa ospital siya ngayon. I really have to go, Mama." aniya ni Ephraim at lumapit siya sa ina, hinalikan ito sa noo at tinawag si manang upang hingin ang kaniyang mga dadalhin. Nang makuha muli siyang nagpaalam sa ina at mabilis na umalis. naiwan namang nakatigagal si Khristine.
"Kristine, Im really sorry. Hindi ko alam na ikinasal na si Ephraim. hindi naman niya kami sinabihan ng kaniyang papa." hinging paumanhin nito sa dalaga. Ngunit nakita niyang dagling naging galit ang ekspresyon ng mukha nito.
"I'm not going to give up that easily. Akin lang si Ephraim, Akin lang siya!" sigaw nito at mabilis na lumabas ng bahay.
Napa-upo na lang ang ina ni Ephraim nang maalala niya ang sinabi ng anak, "Sa ospital, kailangan kong magpunta roon." kaya agad niyang hinanap si manang at tinanong niya ito. "Alam n'yo ba kung saang ospital nagpunta si Ephraim?" malumanay na tanong nito sa kasambahay. sinabi naman kaagad ni manang kung saan ospital. Matapos nuon ay nagtungo na siya sa kaniyang sasakyan at sinabi sa kaniyang driver ang kanilang pupuntahan.
Hindi naglipat oras, narating niya ang Ospital. pumasok siya sa loob at nagtanong sa nurse station.
"Excuse me, saan ang silid dito ni Liho-Mina Mondrego?" magalang na tanong niya kaya naman matapos masabi sa kaniya ang numero ng silid agad niya itong pinuntahan. Nang marating niya bahagya siyang nag-alangan kaya huminga muna siya ng malalim bago hinawakan ang knob ng pinto ngunit nagulat siya ng bigla itong bumukas.
nakita niyang si Ephraim iyon "Mama, mabuti at narito ka," masayang aniya nito, hinawakan ni ephraim ang kamay ng ina at inaya sa loob ng silid.
Pagpasok nakita niya ang isang magandang babae, nakangiti ito sa kaniya at magalang na bumati sa kaniya.
"Kumusta po," nakangiting bati ni Mina rito.
"Ayos naman hija, masaya akong makilala ka." anito habang nakahawak sa kamay ni Mina. tumingin siya kay Ephraim at matamis na ngumiti sa anak.
"How could you! hindi mo man lang kami sinabihan na nag-asawa ka na. kailan kayo kinasal? " malambing na tanong nito sa anak.
"Recently lang, mama. hindi naman kami nagpakasal ng magarbo, ang gusto lang ni Mina ay sa huwes na kami ikasal. at saka na namin gagawin ang magpakasal sa simbahan, sa ngayon kasi priority namin ang baby." wika niya habang nakatingin kay Mina.
"Hindi po namin sinasadyang di kayo sabihan, mabilisan lang ang kasal na iyon dahil nais naming maging opisyal ang aming pagsasama bago ako manganak." paliwanag ni Mina. "Mama, sorry po." malambing na wika ni Mina sa ina ng asawa. napangiti naman ito at mabilis siyang niyakap.
"Don't worry, naintindihan ko. pero nasaan ang aking apo, gusto ko siyang makita." pagkawika nuon biglang bumukas ang pinto at nakita nila ang isang nurse dala ang kanilang anak.
"Time for feeding mommy!" masayang aniya ng nurse kay Mina. ngunit bago makarating kay Mina, hinarang ng ina ni Ephraim ang nurse at ito ang kumarga sa bata.
"O, look at you!" anito ng makarga na ang kaniyang apo. "You have the looks of your father when he was a baby!" tila maiiyak na ito, kaya nilapitan ni Ephraim ang ina at niyakap. "Ganiyan ako kamahal ng asawa ko," wika ni Ephraim sa ina. kaya naman ibinigay na nito kay mina ang kanila baby.
"Hijo, sorry sa nangyari kanina, hindi ko kasi alam na ikinasal ka na." hinging paumanhin nito sa anak.
"kasalanan ko din naman po, hayaan n'yo na ang mahalaga alam na ninyo. And i'm sure na magugulat ang papa kapag nalaman niya." natatawang wika nito sa ina.
"Well he would be happy too, if he found out that we have a grandchild now. ano ba ang pangalan niya?" tanong nito sa mag-asawa.
"Earl Carlayle Galvantes Mondrego." nakangiting sagot ni Mina, nagulat naman ito nang marinig niya ang pangalan.
"Isinunod mo sa pangalan ng iyong lolo." wika nito habang nakahawak sa kamay ni Ephraim at Mina. "I'm sure na matutuwa ang iyong papa kapag nalaman niya ito!" masayang aniya nito.NAGTAGAL pa ng ilang oras ang mama ni Ephraim bago ito nagpaalam. "babalik ako, isasama ko ang iyong papa sa susunod na punta namin." anito sa kanila.
"Mama bukas na ang uwi nila Mina sa bahay, kaya doon na kayo magpunta, ipaalam mo kaagad sa akin upang maipaghanda ko naman kayo." Aniya ni Ephraim sa ina. mahigpit niya itong niyakap at hinalikan sa pisngi. marahan naman na tinapik nito ang pisngi ng anak bago tuluyang lumabas ng silid.
Masaya ang mag-asawa habang pinagmamasdan ang natutulog nilang anak sa bisig ni Mina.
Nang maalala ni Ephraim ang nangyari sa kanilang bahay, kilala niya ang ugali ni Kristine, bata pa lang sila ay magkakilala na sila at alam niya na may gusto ito sa kaniya. kaya siya lumayo at nag-aral sa malayo. doon niya nakilala si Mathaias, at doon din niya nakita ang kaniyang pinakamamahal na si Liho-Mina. isa lang ang hinihiling niya. Huwag sanang gumawa ng hindi maganda si Kristine sa kaniyang mag-ina, dahil kung hindi baka kung ano ang magawa niya rito.
Napansin ni Mina ang pagkalukot ng mukha ng kaniyang asawa, kaya naman banayad niya itong hinalikan sa pisngi. Tila natauhan si Ephraim sa ginawa ng asawa. Agad siyang ngumiti rito at nagwika, "Sorry may mga iniisip lang ako." aniya habang nakangiti sa asawa.
Ngunit hindi naniniwala si Mina, alam niya na may malalim itong iniisip at sa nakita niyang reaksyon ng mukha nito, alam niya na nag-aalala ito.
"Hey, handsome. I'm just right here. kung may problema ka sabihin mo sa akin, lutasin natin ng magkasama. Asawa mo na ako Ephraim ano man ang problema mo, problema ko na rin. kaya don't hide anything to me. Understand?" malambing ngunit maawtorisadong saad ni Mina sa asawa.
"Yes, ma'am!" nakangiting wika ni Ephraim at sumaludo pa ito sa kaniya. sabay silang natawa at saka muling ibinaling ang pansin sa natutulog na anak.
BINABASA MO ANG
A night with you
Любовные романыIsang magaling at tapat sa trabaho, Iyan si Lihoi-Mina Galvantes, isang police Captain sa kanilang destrito. Ngunit isang pangyayari sa kaniyang buhay ang hindi niya inaasahan. Naimbitahan siya sa isang pagsasalo at naka inom, ngunit nagising na lan...