"Ephraim, hijo. Anong ginawa mo rito?" Tanong nito ng makalapit kay Ephraim.
"General Oliveros, please i beg you, gusto kong malaman kung nasaan si Mina, at alam n'yo kung nasaan siya." Seryosong aniya ni Ephraim sa matandang heneral.
Kaya naman lumapit ito sa kay Ephraim.
"Nais ko lang malaman kung talagang seryoso ka kay Mina. Mahal namin ang batang iyon at itinuring namin itong tunay na anak, kaya nais kong malaman kung gaano mo siya kamahal." Saad nito.
"Higit pa sa buhay ko, mula noon hanggang ngayon hindi nagbabago ang nararamdaman ko sa kaniya. Mas lalo ko pa siyang minahal pagkalipas ng ilang taon. Alam ko na nagkamali ako at gagawin ko ang lahat para mapatawad lang po ako ni Mina." Wika ni Ephraim habang deretsong nakatingin sa mata ng heneral. Nagpatangu-tango lang ito at biglang tumayo.
"Kung ganun, maghintay ka rito, may kakausapin lang ako." Anito at saka naglakad pabalik ng kusina."BAKIT kaya ang tagal ng tito mo?" Tanong ng kaniyang tita Celest, lumalamig na itong pagkain niya."
Bahagya namang natawa si Mina dahil sa reaksyon ng kaniyang tita. "Hayaan mo na muna tita, baka po importante." Paliwanag ni Mina, nang biglang pumasok ang kaniyang tito sa pinto ng kusina. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Kaya lumapit ito at kina-usap siya.
"Mina, nasa labas si Ephraim," anito. Nagulat naman si Mina sa sinabi ng kaniyang tito, bigla tuloy siyang kinabahan, ng malaman na naroon si Ephraim
"Paano po niyang nalaman na narito ako?" Tanong ni Mina.
"Actually, hindi niya alam na narito ka, ang akala siguro niya ay kami lang ng tita mo ang narito. Kaya nasa iyo kung kakausapin mo siya o hindi." Wika nito sa kaniya. Naramdaman ni Mina na hinawakan ng kaniyang tita celest ang kaniyang kamay, at malambing na nagwika.
"Mina, makakabuti kung kakausapin mo siya, huwag n'yo ng patagalin ang ganiyang klase ng tampuhan. Alam kong mahal mo siya, kaya sige na. Mag-usap na kayo." Nakangiting aniya nito kay Mina. Ngumiti naman si Mina sa kaniyang tita at niyakap.
"Sige po, kung ito ang makakabuti." Wika ni Mina. Kaya naman naglakad na siya palabas ng kusina. Huminga muna nang malalim si Mina at saka naglakad patungo ng salas kung saan naroon si Ephraim. Nang makalabas nakita niya itong nakayuko, kaya naman tinawag niya ito.
"Ephraim," tawag ni mina. Nakita niyang parang nanigas si Ephraim sa upuan at marahan itong tumingin sa kaniya.
"M-mina, ikaw ba iyan?" Anito na tila nais lumuha ng mga mata. Mabilis itong tumayo at niyakap siya ng mahigpit, "Thank goodness, nakita rin kita," ngunit agad din na kinalas ni Mina ang pagkakayakap nito sa kaniya.
"Ephraim, anong ginagawa mo rito, paano mo nalaman ang lugar na ito?" Tanong ni Mina. Naupo siya sa sofa at tumabi naman sa kaniya si Ephraim.
"Nagpunta ako sa bahay ni General Oliveros, ang sabi ng guard pumunta daw sila rito sa batangas, kaya hiningi ko ang address. Sakto naman na ang napagtanungan ko kanina ay si tatang Isko." Paliwanag nito. "Mina, patawarin mo na ako, alam kong mali ang nagsinungaling ako sa iyo, natakot lang ako na baka layuan mo ako kapag nalaman mo na ako ang lalaking hinahanap mo. Miss na miss na kita, Mina." Anito habang nakahawak sa kamay ni Mina.
Nakatingin lang si Mina kay Ephraim, nais niyang bumigay dahil naaawa na siya rito, ngunit may mga nais muna siyang malaman bago niya ito patawarin.
"Ephraim, gusto kong malaman ang buong nangyari ng gabing iyon. At paki-usap, gustong malaman lahat, walang labis, walang kulang." Wika ni Mina. Kaya naman umupo ng maayos si Ephraim at saka ikinuwento ang buong nangyari."Uuwi na dapat ako nang gabing iyon, pasakay na ako ng sasakyan ko ng makita kitang palabas ng gate, pero nakita kong kakaiba ang paglalakad mo, nag-alala ako kaya nilapitan kita. Pero ng papalapit na ako bigla ka na lang matutumba kaya mabilis akong tumakbo patungo sa iyo. Mabuti nalang at nasalo kita kaagad, ng tumingin ka sa akin, sinabi mo na tulungan kita, kaya naman binuhat kita at mabilis kitang isinakay sa kotse, ipahahatid sana kita sa bahay mo ngunit bigla mo na lang akong hinalikan, mabuti na lang at hindi ako ang nagmamaneho ng mga oras na iyon, inutusan ko ang driver ko na sa bahay ko na ideretso ang kotse, nang makarating tayo roon, nangyari na ang hindi dapat mangyari. Ayoko gawin iyon, Mina dahil nirerespeto kita, pero dahil may tama ka ng gamot, hindi ko maaaring hayaan kang magdusa. Nalaman ko na ang champagne na inabot sa iyo ng waiter ay may kasamang droga, mayroon itong Aphrodisiac, at alam mo kung ano ang epekto ng gamot na iyon, Mina. Alam ko ng mga oras na iyon hindi ko dapat sinamantala ang pagkakataon na iyon pero ayoko naman na magdusa ka dahil sa epekto ng gamot na iyon." Mahabang salaysay ni Ephraim.
"Kung ganoon, nalaman mo ba kung sino ang may pakana ng bagay na iyon sa akin.?" Tanong ni Mina.
"Si Roan Madrigal, may gusto siya sa iyo, No, let us say, obsessed siya sa iyo. Yung mga babae na pinatay, siya ang may kagagawan, at ang mga babaeng iyon, ay may pagkakatulad sa iyo. Kaya ako nag-stay sa bahay mo dahil natatakot ako na baka ikaw na ang isunod niya. Nuong araw na dinukot ka niya, tinanong ko siya kung mayroon bang nangyari sa inyong dalawa. Sinabi niyang siya ang dapat na kasama mo ng gabing may nangyari sa atin. kaya doon ko nakumpirma na ako lang ang lalaking nakaniig mo, at masaya ako, Mina. Lalo na ngayon na ako talaga ang ama ng ng batang dinadala mo. Hinding- hindi na kita pakakawalan pa, Mina. Kahit ipagtabutan mo ako, hindi ako aalis sa tabi mo. Mahal na mahal kita." Mahabang saad ni Ephraim.
"Gusto mo na patawarin kita?" Tanong ni Mina rito. Tumango naman ito at matamis na ngumiti. "Patatawarin kita sa isang kondisyon," wika niya na ikinakunot ng noo ni Ephraim.
"Mag-stay ka rito at pagsisilbihan mo ako." Wika ni Mina.
"Iyon lang ba?" Nagtatakang tanong ni Ephraim.
"Malalaman mo rin kung ano ang gagawin mo." Nakangising aniya ni Mina.
"Mina, nakakatakot ang mukha mo, kapag nakangiti ka ng ganiyan. Pakiramdam ko mamatay na ako," seryosong wika ni Ephraim.
BINABASA MO ANG
A night with you
Roman d'amourIsang magaling at tapat sa trabaho, Iyan si Lihoi-Mina Galvantes, isang police Captain sa kanilang destrito. Ngunit isang pangyayari sa kaniyang buhay ang hindi niya inaasahan. Naimbitahan siya sa isang pagsasalo at naka inom, ngunit nagising na lan...