MAAGANG nagising si Mina, dahil nakatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang tita Celest na bibisitahin siya nito nang araw na iyon. Kaya naman naki-usap siya kay tatang na mamalengke ng kaniyang mga kakailanganin na sangkap. Ang iba naman ay kinuha na lamang niya sa kaniyang bakuran, simula ng siya'y matira roon natuto siyang magtanim ng iba't ibang klase ng mga gulay at mga halaman. Masaya ang kaniyang naging buhay, ngayon na malaki na ang kaniyang tiyan, medyo nahihrapan na rin siyang gawin ang ibang bagay. Mabuti na lamang at pinadalhan siya ng kaniyang Tito Mark nang makakasama sa bahay.
Matapos malikom ang kaniyang mga kailangan, mabilis silang nagluto. kaya naman bago mananghalian ay natapos na silang lutuin ang lahat ng pagkain, sakto alas-onse ng dumating na ang kaniyang inaasahang bisita. Kaya naman nagmadali siyang magtungo sa pintuan at binati ang mga ito.
"Tita celest, Tito Mark!" sigaw ni Mina sa bagong dating niyang bisita.
"Hija! I am so happy to see you." anito na sinalubong ng yakap ang papalapit na si Mina. "Goodness look at you, kahit na buntis ka ang ganda mo pa rin. Kumusta ang buhay mo rito sa batangas, hindi ka ba naiinip?" malambing na aniya nito sa kaniya.
"Tita, maayos naman po ako rito, salamat kay Tito mark at sa mga kasambahay na ipinadala niya, hindi ako masyadong napapagod." masayang wika ni Mina sa kaniyang tita.
"Masaya akong marinig yan, Hija." nakangiting aniya nito kay Mina at saka niya niyakap.
"Pumasok na po tayo sa loob para naman po makapag-pahinga na muna kayo bago tayo kumain nang tanghalian.
Kaya naman agad silang naglakad patungo sa loob ng bahay, habang masayang nagku-kuwento ang kaniyang Tita Celest.
"Ibinili namin ng mga gamit ang magiging anak mo, kumpleto na ang mga iyan, ikaw na ang bahala kung paano mo aayusin." anito na may ngiti sa mga labi, kaya nang makita ni Mina na ipinapasok na ng driver ang mga gamit na sinasabi ng kaniyang Tita, nagulat siya dahil sa dami nito. "As expected," aniya. "Mai-spoiled ang anak ko sa inyo." natatawang wika ni Mina habang tinitignan ang mga gamit.
"Hayaan mo na ang Tita mo, kung alam mo lang, Mina, kung paano niya awayin ang mga saleslady dahil nagkamali ang mga ito ng bigay sa kaniya." wika ng kaniyang tito, habang natatawang kinukuwento ang mga nangyari.
"Mark, wala naman sigurong masama sa mga sinabi ko sa kanila, malinaw kong sinabi ang mga kailangan kong kulay at size pero kung anu-ano ang mga pinag-a-aabot sa akin, sino ang matutuwa sa ganoon?" inis na aniya nito sa asawa.
Napapangiti na lamang si Mina habang pinagmamasdan ang mag-asawa habang nagtatalo. nakayakap ang kaniyang Tito sa kaniyang tita habang pinagagalitan siya nito. "Ang sweet naman!" sambit niya. dahil doon napatingin sa kaniya ang dalawa at natawa na lamang ang mga ito.
"Ang mabuti pa magpapahain na po ako kay manang para makakain na tayo," masayang wika ni Mina. Nang bigla na naman niyang maalala si Ephraim, malambing ito sa kaniya kahit na galit na siya rito.
"Hinahanap pa din kaya niya ako?'' malungkot na aniya niya sa kaniyang sarili. Napansin naman ng dalawang matanda ang biglang pagkalungkot ng mukha ni Mina, kaya nagkatinginan ito at nilapitan si Mina, "Hija, naalala mo pa rin ba siya?" tanong ng kaniyang tita, tumango naman si Mina bilang tugon sa tanong nito, kaya mahigpit na yakap ang ibinigay ng mga ito sa kaniya.
"Patawarin mo na siya, Hija. Nakikita kong mahal na mahal mo si Ephraim. Ang balita namin palagi itong nag-iinom gabi-gabi, at mukhang napabayaan na ang sarili. minsan nagkita kami ng kaibigan mong si mathaias, ang sabi niya nagpunta ito sa bahay mo, lasing na lasing at panay ang tawag ng pangalan mo, Don't you have a heart? he already paid from what he did," mahabang wika nito kay Mina.
"I do loved him, Tita. pero nasasaktan pa din ako dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling sa akin." paliwanag ni Mina na may malungkot na mukha.
"Pinag-uusapan ang ganiyang bagay, normal na magkaroon ng tampuhan sa isang relasyon, pero kung hindi kaagad masusolusyunan, maaari itong maging galit." payo sa kaniya ng kaniyang tito.
"Salamat po, huwag po kayong mag-alala, pag-iisipan ko ang inyong mga payo." Aniya ni Mina ng may marinig siyang pagtawag mula sa kusina.
"Mina, nakahain na. kumain na kayo nila sir Mark." nakangiting saad nito sa kanila. kaya naman agad silang dumulog sa kusina upang kumain na nang tanghalian.
"EXCUSE me po, manong!" tawag ni Ephraim sa isang matandang lalaki, "Alam n'yo po ba kung saan ang lugar na ito?" aniya ng ipakita ang isang papel dito. inabot naman nito ang papel at tinignan.
"Nasa tamang direksyon ka, Hijo. Kung nais mo sasamahan na kita patungo roon," anito sa kaniya, mabilis na sumilay ang ngiti sa labi ni Ephraim.
"Naku, maraming salamat po! sakay na po kayo." aniya ng pagbuksan niya ng pinto ang matanda.
Habang umaandar ang sasakyan itinuturo ng matanda ang lugar na hinahanap ni Ephraim, hanggang sa makita na niya ang hinahanap, isa itong de-kahoy na bahay, nang malapit na sila nakita nila ang sasakyan ng heneral.
Ipinarada niya ang kaniyang sasakyan at bumaba siya ng kotse kasabay ng matanda,
"Ito ang bahay na hinahanap mo, dito ako nakatira. ako nga pala si tatang isko, ang katiwala rito." anito na nakangiti kay Ephraim.
"Kaya pala alam n'yo ang lugar" natatawang aniya rin ni Ephraim.
"Tayo na hijo, siguradong nasa loob ang mga amo ko." Wika ni tatang Isko kay Ephraim. Habang papalapit siya sa bahay pakiramdam ni Ephraim ay kinakabahan siya. Kaya naman nagdasal na lamang siya na sana ay sabihin na nila kung nasaan na si Mina.
"Sobrang nami-miss ko na s'ya" wika ni Ephraim sa kaniyang sarili.
Nasa loob na sila ng bahay, kaya naman pina-upo na muna siya ng matanda.
"Upo ka muna, hijo. Sasabihin ko muna sa kanila na narito ka." Anito at saka ito naglakad patungo ng kusina.
Nakita ni tatang Isko na masayang naku-kuwentuhan ang kaniyang mga amo kaya naman nagpasintabi muna siya bago nagsalita.
"Sir, may naghahanap po sa iyo sa labas, pinapasok ko na at nasa salas na po siya." Wika ni tatang isko.
"Sino daw s'ya at anong kailangan n'ya?" Nagtatakang tanong ng kaniyang amo na si sir Mark.
"Hindi ko na po naitanong dahil nagkita lang kami sa daan, sakto lang na sa akin niya naitanong ang address dito." Saad ng matandang katiwala.
"Sige, pupuntahan ko na muna iyon, ituloy n'yo lang ang pagkain." Anito sa kaniyang asawa at kay Mina, at saka tumayo upang magtungo sa salas. Nang makarating siya roon ay nagulat na lamang siya ng makita kung sino ang taong naghahanap sa kaniya.
"Ephraim, hijo. Anong ginawa mo rito?" Tanong nito ng makalapit kay Ephraim.
BINABASA MO ANG
A night with you
RomanceIsang magaling at tapat sa trabaho, Iyan si Lihoi-Mina Galvantes, isang police Captain sa kanilang destrito. Ngunit isang pangyayari sa kaniyang buhay ang hindi niya inaasahan. Naimbitahan siya sa isang pagsasalo at naka inom, ngunit nagising na lan...
