Chapter Twenty-Five

658 12 0
                                    


          "We're home!" wika ni Ephraim sa kaniyang mag-ina, maingat na lumabas ng sasakyan si Mina habang buhat ang kanilang anak, pagpasok nila sa loob nakita nila ang mga katulong na nag-aabang sa kanilang pagdating, lahat ng naroon ay sabik ng makita ang kanilang anak.
        "Welcome back po, ma'am Mina, masaya po kami na naka-uwi na po kayo." masayang wika ng isa sa kanilang kasambahay, kaya naman ngumiti siya rito at nagpasalamat.
        "Maraming salamat sa inyo, naging maayos ba kayo rito habang wala kami ni Ephraim?" tanong niya sa kaniyang mga kasambahay, kaya naman sabay-sabay itong sumagot sa kaniya. "maayos naman po kami mam Mina. Matamis namang ngumiti si Mina sa kanilang mga kasambahay.
        "lumapit kayo rito, tignan n'yo na ang baby namin," wika ni Mina at saka sabik na nagsilapit ang mga ito sa kaniya.
       "Mam Mina, kamukhang-kamukha ni Sir Ephraim ang baby, ano po ang pangalan niya." tanong ng isa sa mga kasambahay.
       "Siya si Earl Carlayle," masayang saad ni Mina.
       "Ang gwapo na, maganda pa ang pangalan, tunog prinsipe!" aniya ng isang katulong.
       Natuwa naman si Mina sa narinig, nang marinig niya ang boses ng kaniyang asawa sa kaniyang likuran.
      "Tama lang ang pangalan na iyon sa kaniya dahil siya ang prinsipe ng tahanang ito, at ito," anito na humalik sa pisngi ni Mina, "ito ang aking reyna at ako ang gwapong hari!" pagmamayabang na anito, nagtawanan naman ang mga kasambahay niya, at saka mga nagpaalam upang bumalik na sa kanilang mga trabaho. 
       Nagtungo na si Mina sa kanilang silid upang makapagpahinga na muna, kaya naman ng mailapag niya ang anak sa kanilang kama, marahan din siyang nahiga sa tabi nito. "Iba pa rin kapag nasa sarili mong tahanan, nakita niyang pumasok si Ephraim at lumapit sa kaniya. 
      "kakatawag lang ni mama, darating sila ni papa bukas ng umaga. sigurado ako na matutuwa si papa kapag nakita niya si Carlayle. masayang anito, "magpahinga ka na muna at ako na ang bahala sa mga gamit," kaya naman nahiga ng maayos si Mina at saka ipinikit ang mga mata. 

NAGISING si Mina dahil sa malambing na tinig ni Ephraim, "Honey, gumising ka na muna, kailangan mo nang kumain, inilipat ko na si baby sa silid niya at mahimbig na natutulog." napangiti naman si Mina sa ginawa ng kaniyang asawa, kaya naman yumakap siya rito at nagpasalamat.
       "Thank you sa pag-aasikaso mo sa amin." at dinampian niyang halik si Ephraim sa pisngi. malapad na ngumiti naman ito sa kaniya kaya niyakap siya nito. 
      "Ako ang dapat na magpasalamat sa iyo, ibinigay mo sa akin ang pagkakataon na mahalin ka habang buhay, mahal na mahal kita pati na rin ang anak natin." malambing na wika ni Ephraim kay Mina. 
     "Ganoon rin ako, mahal na mahal ko kayong dalawa. kaya huwag mong susubukan na lokohin ako, kung ayaw mong matikman ang galit ko," nakangiti ngunit tila nagbabanta na aniya ni Mina sa asawa. 
     "Hindi ko magagawa ang bagay na iyon, ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba." sagot ni Ephraim. ngunit sa loob niya natakot siya sa klase ng pagngiti ng kaniyang asawa, takot na doon lang niya naramdaman.
     "Ang mabuti pa kumain ka na baka lumamig pa ang niluto ni manang, mainit na sabaw at kanin, may juice rin dito," alok niya, kaya naman inayos niya ng sandal si Mina at saka sinubuan ito ng pagkain. 

MAAGA pa lang ay abala na ang lahat sa pagluluto,dahil daratig ang mga magulang ni Ephraim ng araw na iyon. kaya naman wala pang tanghali ay nakapagluto na sila. Nang makarinig sila ng sunud-sunod na pagbusina, mabilis ang kilos ng isang katulong upang buksan ang gate. Agad na pumasok ang sasakyan. huminto ito sa tapat ng pinto at mabilis na kumilos ang driver, pinagbuksan nito ng pinto ang mga amo. unang bumaba ang ina ni Ephraim kasunod ang kaniyang papa, 
       "Mama, papa, i'm so happy you make it!" masayang wika ni Ephraim sa magulang. lumapit siya rito at humalik sa pisngi ng kaniyang ina. tinanong siya kaagad nito kung nasaan na ang kaiyang mag-ina. kaya naman sinabi niya na nasa silid nito at nagpapahinga, walang lingon likod itong nagtungo sa silid na sinabi ni Ephraim, natawa nalamang silang mag-ama dahil sa kaniyang ina.
       "kung alam mo lang hijo na walang ibang bukam-bibig ang iyong mama kung hindi ang iyong anak, i want to see my apo, kaya tayo na bago maubos ng iyon ina ang amoy ng anak mo!" pabirong wika nito sa kaniya. 
       Pagpasok nila nakita nilang pababa na ang kaniyang mag-ina habang karga ng kaniyang mama ang anak. 
       Lumapit si Ephraim kay Mina at niyakap ito sa baywang, 
       "Papa, i want you to meet my beautiful wife, Liho-Mina Galvantes Mondrego, and my son Earl Carlayle Mondrego,"  aniya sa ama, kaya naman lumapit ito sa kaniyang esposa na karga ang kanilang apo, natuwa naman ito ng makitang bigla na lamang itong ngumiti ng hawakan niya ito sa kamay, 
       "Look at him, he smiled at me!" masayang wika nito at saka nilaro-laro ang apo. 

        Masaya silang nagku-kuwentuhan sa salas ng biglang may kumatok sa pintuan, kaya naman, mabilis na binuksan ito ng katulong, ilang saglit pa ay lumapit ito sa kanila at nagwika.
       "Sir Ephraim may bisita po kayo. Kristine daw po ang pangalan." anito, nang marinig nila ang pangalan, agad na kinabahan si Ephraim. kaya naman agad niyang pinuntahan ito. 
      Nakita ni Mina kung paano tumingin ang kaniyang mama kay Ephraim. kaya kinutuban siya. 
      "Excuse lang po, may kukuhain lang po ako sa kusina." pagpapaalam ni mina sa kaniyang mga biyenan. mabilis ang kilos na pumuslit siya sa likod at doon siya dumaan. nakita niya si Ephraim at ang babae na nag-aaway, kaya naman marahan siyang lumapit sa dalawa upang marinig ang pinag-uusapan nito. 
        "Ang kapal mo talagang punta dito,, sinabi ko sa iyo na may mahal akong iba at hindi kita mahal, kaibigan lang ang turing ko sa iyo!" galit na wika ni Ephraim.
      Ngunit yumakap itong bigla kay Ephraim at sinibasib niya ito ng halik. nguit itinulak lang ito ni Ephraim. "Stop it kristine. umalis ka na bago ka pa makita ng asawa ko, dahil sigurado na masasaktan ka lang niya." babala nito sa dalaga.
      "No! ayoko, aalis lang ako kung sasama ka sa akin, paki-usap Ephraim tayo na lang, mahal na mahal kita at ayokog mawala ka sa akin." pagmamakaawa nito. 
      Dahil doon lumabas na si Mina sa kaniyang tinataguan at humarap sa babaeng humaharot sa kaniyang asawa. 
       "Excuse lang, lumayo ka sa asawa ko, kung ayaw mong baliin ko lahat ng buto mo!" pagbabanta ni Mina rito. ngunit mataray itong humarap kay Mina.
      "Sino ka para sabihan ako ng ganiyan? ako ang unang minahal ni Ephraim at kami ang nababagay!" sigaw nito. 
      "Really, kung mahal ka niya, bakit ako ang pnakasalan? bobo ka kung hindi mo ito maiintindihan. ako ang pinakasalan ni Ephraim dahil ako ang mahal niya, ikaw wala ka na sa buhay niya. lumipas ka na sa buhay niya at ako ang ngayon, bukas at ang kaniyang hinaharap, ngayon kung hindi ka pa lalayas sa pamamahay namin ako mismo ang magpapaalis sa iyo!" kaya naman sa inis niya rito lumapit si Mina kay Kristine at hinablot ang buhok nito, panay naman ang pasag nito at pilit na inaalis ang mahaba nitong buhok na hawak ni Mina. 
      "Ayaw mong umalis, kaya ako na mismo ang mag-papaalis sa iyo!" galit na wika ni Mina, habang hawak ang buhok nito. panay naman ang tawag nito sa pangalan ni Ephraim, ngunit nakatingin lang ito sa kaniya habang naka-krus ang mga braso sa dibdib. 
     "You bitch! bitawan mo ako, nasasaktan na ako, idedemanda kita sa ginagawa mo!" reklamo nito.
     "Gawin mo, at idedemanda kita ng Tresspassing! hindi lang sa bahay namin kung hindi pati sa asawa ko!" sabay tulak ni Mina kay Kristine palabas ng gate at tinadyakan pa niya ito sa puwitan. "Don't ever try to stole my husband, dahil ako mismo ang makakaharap mong bruha ka, at kapag nakita ko ang pagmumukha mo na pakalatkalat, ilalampaso ko ang mukha mo sa lupa, naintindihan mo?" gigil na aniya ni Mina. ngunit lumaban pa rin ito ng tingin sa kaniya.
     "Hindi pa tayo tapos, tandaan mo itong ginawa mo sa akin!" at umalis na ito, sumakay na ito sa kotse at mabilis na pina-andar ang sasakyan.
      Isinara ni Mina ang gate at lumapit siya kay Ephraim, "kailangan mong magpaliwanag sa akin, mamaya tayo mag usap kapag umalis na ang mga magulang mo." galit na wika nito sa asawa. 
      Bagsak ang balikat na sumunod lang si Ephraim kay mina papasok ng bahay.

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon