TUWING umaga, pagkagising ni Liho-Mina ay nakakaramdam na siya ng pagkahilo kasunod ang kaniyang pagsusuka, kaya agad siyang napapatakbo patungo sa banyo. matapos ang matinding pagsusuka na wala naman mailabas, ay agad siayng nagmumog.
"This was so hard!" wika ni Liho-Mina sa sarili. Matapos ay nahiga siyang muli sa kama, dahil ang pakiramdam niya ay tila namimigat pa ang kaniyang mga mata. "Maaga naman akong natulog kagabi, pero bakit parang antok na antok pa ako? matutulog muna ulit ako kahit mga thirty minutes lang." Aniya, kaya nahiga siya ng maayos at nagkumot. Ipinikit na muna niya ang kaniyang mga mata, hanggang sa napalalim na ang kaniyang tulog.
Tanghali na nang siya'y magising, kaya naman agad siyang bumangon sa higaan at nagtungo sa kusina upang magluto ng kaniyang tanghalian. Habang abala sa pagluluto, narinig niyang nagring ang kaniyang telepono, kaya naman pinatay niyang saglit ang kalan at agad niyang tinungo ang salas kung saan naroon ang telepono.
Kinuha niya ito at sinagot. "Hello?" Aniya.
"Captain! Where were you? Narito na ako sa office mo, pero ang sabi nila 'di ka raw pumasok?" Wika ni Mathaias na may pag-aalala.
"Stupid of me, nawala sa isip ko na sabihin na hindi ako makakapasok. Okay pumunta ka na lang dito sa bahay, i'll wait for you." Anito habang inaayos ang nagulong unan ng kaniyang sofa.
"I'll be there. Captain, kung hindi naman kalabisan, ayus lang ba na diyan na ako kumain. Medyo na ngugutom na kasi ako," wika nito na tila nahihiya pa kay Liho-Mina.
"Sure, actually nagluluto na nga ako. Dadamihan ko na lang, kasi barako ka kung lumamon. Sige na hintayin na lamang kita dito." Saad niya ng may bahagyang pagtawa. "Bilisan mo lang dahil baka ubusan kita!" Pabiro niya rito.
"Aalis na ako!" Wika nito habang nagmamadaling sumakay ng sasakyan at nagmaneho patungo sa bahay ni Liho-Mina.
Kaagad na nakarating si Mathaias sa bahay ni Liho-Mina. Lumabas siya kaagad sa kaniyang sasakyan at agad na pinindot ang doorbell. Ilang segundo lang ay bumubukas na ang pinto ng dalaga.
"Good job! Your on time." Nakangiting wika ni mina sa binatang imbestigador. Napapakamot ito ng ulo habang natatawa na lang. "Nakahain na at kakain na lang tayo. Pumasok ka na dito sa loob" Aya ni Mina rito.
Ilang saglit lang ay nasa harap na sila ng hapag-kainan, inalok ni Mina na umupo na si Mathaias at mag umpisa nang kumain.
Habang kumakain ay tinanong ni Liho-Mina ang binata tungkol sa pinatatrabaho nito.
"Kumusta ang ipinagagawa ko sa iyo?" Seryosong tanong ni Mina.
"Can we talk about that later, were in the middle of our lunch," wika nito habang isusubo na ang pagkain sa bibig.
Natawa na lang si Mina sa kaibigan, "You really like my cooking, don't you?" Natatawang tanong nito. Matamis lang itong ngumiti sa kaniya habang may nginunguya sa bibig.
Hanggang sa natapos na silang kumain, naglilinis na si Mina ng lamesa, habang si Mathaias naman ay nagprisinta na maghugas ng kanilang kinainan.
"Captain, may i know the reason, kung bakit mo gustong imbestigahan ang lalaking iyon?" Seryosong tanong nito habang sinasabunan ang isang plato.
"Confidential ang tinatanong mo, Mathaias." Aniya ni Mina habang pinupunasan na ang lamesa. Matapos nuon ay naupo na siya sa upuan.
"I know that i don't have the rights, pero i'm worried about you, Mina." Saad ni Mathaias kay Mina. Ngunit nanatili lang na tahimik ang dalaga. Tapos na ang binata sa paghuhugas kaya naman nagtungo na sila aa salas kung saan iniwan niya ang kaniyang dalang gamit.
Kinuha niya ang bag at inilabas ang laptop at isang brown envelope. Iniabot niya ito kay Mina at saka binuksan ang laptop.
"Those are the files you want, i copied it on this drive, just in case." At iniabot ito ni Mathaias. At may ipinakita ito mula sa kaniyang laptop.
"And these are the places where he always been, friends, collagues, family." Wika nito habang isa isang ipinapakita ang mga litrato kay Mina.
"And i have found something interesting, look at this file." Wika nito ng iharap sa kaniya ang laptop. nangunot ang noo ni Liho-Mina sa nabasa.
"Adoption—" wika niya na pinutol ng binata.
"Yes, he's adopted child, Anak ng katulong nila na namatay sa sakit, dahil walang anak ang mag-asawang Madrigal ng mga panahong iyon, they decide to adopt Roan." saad ni Mathaias. "Well, basahin mo na lang, inilagay ko ang lahat diyan sa usb drive na binigay ko sa'yo. I got to hit the road, Shyreen's waiting for me." anito habang inaayos na ang kaniyang mga gamit, matapos nuon ay walang paalam na itong lumabas sa bahay ni Liho-Mina.
"SHYREEN!" Masayang pagbati ni Mathaias sa kaibigan, nang makalapit siya ay agad niya itong niyakap. ganoon din ito sa kaniya.
"Mathaias, kumusta naman ang trabaho mo, mukhang namamayat ka lalo!" wika ni Shyreen.
"Well, it's my normal body now. kahit gaano karami ang kainin ko ay 'di naman nagbabago ang katawan ko." Wika nito nang makapasok sa klinika ng kaibigan, at umupo sa isa sa mga upuan na naroon.
"As a doktor, I recommend you to exercise, just to build your muscle. para hindi ka magmukhang payat, subukan mo lang." seryosong anito sa kaibigan. "so
"So, anong meron, bakit ka narito?" tanong nito sa binata.
"I just came here to ask you something." anito saka seryosong tumingin ito kay Shyreen. "It's about Liho-Mina. Did she tell you something?" anito na ikinagulat naman ni Shy. "Alam kong ikaw lang ang maaari niyang pagsabihian ng sekreto bukod sa akin."
"Wala naman, bakit mo naman tinatanong, may problema ba?" pa-inosenteng wika ni Shyreen, ngunit 'di kumbinsido si Mathaias sa kaniyang sagot, dahil nakikita ni Mathaias ang mga kilos nito.
"Shy, kaibigan ko rin si Liho-Mina, kaya sana magsabi ka na sa akin ng totoo, may problema ba si Mina?" seryosong wika nito sa kaibigan.
Kaya naman huminga ng malalim si Shyreen at saka nagsalita.
"Our friend is…," Shyreen hesitated to tell Mathaias. dahil alam nito na magagalit ito kapag nalaman nito ang totoo, pero kailangan din ni Liho ang tulong ni Mathaias para malaman kung sino ang misteryosong lalaki ang nakaniig ng kaibigan.
"Well, she's pregnant" wika nito na ikinagulat naman ng binata.
"She's what?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/315670188-288-k172055.jpg)
BINABASA MO ANG
A night with you
RomanceIsang magaling at tapat sa trabaho, Iyan si Lihoi-Mina Galvantes, isang police Captain sa kanilang destrito. Ngunit isang pangyayari sa kaniyang buhay ang hindi niya inaasahan. Naimbitahan siya sa isang pagsasalo at naka inom, ngunit nagising na lan...