Chaptet Fifthteen

753 20 0
                                    


         "E-ephraim…" wika ni Mina habang nakapikit, Agad naman dinaluhan ni Ephraim nang marinig naman nito ang kaniyang pagtawag. 
          "Mina," anito habang hinahaplos ang kaniyang ulo. Marahan na dumilat ang mga mata ni Mina at bumungad sa kaniya ang gwapong mukha ni Ephraim na nakangiti sa kaniya. 
          "Kumusta ang pakiramdam mo?" malambing na tanong nito. Matamis na ngumiti si Mina at niyakap niya si Ephraim.
          "I'm fine now, cause your here." saad ni Mina. "Nasaan ba ako?" Tanong niya. 
          "Narito ka sa bahay ko, dito na kita dinala. Mas safe ka rito at mas maaalagaan kita," aniya ni Ephraim habang inilalapit kay Mina ang isang basong tubig. matapos maka inom, ibinalik niya ang baso kay Ephraim at muling nahiga sa kama. 
          Napansin ni Ephraim na bigla na lamang nanahimik si Mina kaya naman tinabihan niya ito at niyakap. 
           "Everythings okay now, huwag ka nang mag-alala." anito habang nakatingin sa mukha ni Mina.
           "I know," sagot niya habang nakangiti rito at muli na naman siyang tumingin sa kawalan. Hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Roan sa kaniya. Parang gusto niyang umiyak ng mga oras na iyon, lalo na ng tutukan nito ng baril ang kaniyang sinapupunan, nais talaga nitong patayin ang kaniyang anak. Dahil sa Isiping iyon hindi na napigilan pa ni Mina ang maiyak, 
           Natakot si ephraim ng makitang lumuluha si Mina, kaya naman niyakap pa niya ito ng mahigpit. "Mina, huwag ka nang umiyak." anito habang marahan na tinatapik ang likod nito. 
           "Unang beses kong natakot, Ephraim. Hindi sa sarili ko kung hindi sa anak ko, nang tutukan ni Roan ng baril ang sinapupunan ko, natakot ako ng sobra, kaya sinabi ko sa kaniya na ako na lang ang unahin niya." wika ni Mina sa pagitan ng kaniyang pag-hikbi. "atleast kung wala na ako hindi ko na mararamdaman ang gagawin niya." 
          Dahil sa narinig, tila nais ni Ephraim na puntahan si Roan at siya mismo ang pumatay rito. "Mina, hindi ko hahayaan na may mangyari sa inyo ng anak mo, narito ako." aniya ni Ephraim. "Ang mabuti pa, magpahinga ka na muna, aalis muna ako. kailangan ako sa presinto para sa statement ng pagdukot sa iyo ni Roan. ako na ang bahalang magsabi kay Math at Shy na maayos naman ang kalagayan mo." saad niya, kaya bago siya umalis, isang mabilis na halik ang kaniyang ibinigay kay Mina. "Magpahinga ka na, babalik ako kaagad." paalam nito at saka naglakad palabas ng pinto.

         MADILIM na ng magising si Mina, mas magaan na ang pakiramdam niya kay sa kanina. Ngunit nakakaramdam na siya ng gutom, kaya naman bumangon na siya at lumabas ng silid. 
         habang naglalakad tila nagiging pamilyar sa kaniya ang kaniyang nilalakaran. hanggang sa isang pintuan ang kaniyang nadaanan. 
        "Pamilyar talaga sa akin ito," kaya naman nilapitan niya ito at binuksan ang pinto. napanganga na lang si Mina ng makita ang loob ng silid. "hindi ito maaari, paanong
nangyaring dito ang silid na ito!"  nang makita ni Mina ang silid, mabilis na bumalik ang alaala ng mga nangyari sa kaniya noong gabi ng party.

        "MANANG!" tawag ni Ephraim sa kaniyang kasambahay, Kadarating lang niya galing sa police station, kina-usap din niya si Mathaias ukol sa kaibigan nito. matapos nuon ay agad siyang umuwi upang maasikaso naman si Mina.
         Pag akyat niya ng hagdan nakita niyang bukas ang pintuan ng isa sa mga silid na naroon. Ang silid na kaniyang pinaka ingatan.
         "O, no! Mina," Aniya, nagmadali siyang lumapit rito upang tignan kung naroon nga ito, ngunit huli na nakita niya si Mina na nasa loob nito, at umiiyak. lumapit siya rito upang kausapin ngunit kinabig lang nito ang kaniyang kamay.
          "Bakit, Ephraim." wika ni Mina. "Ikaw ang lalaking kaniig ko nang gabing iyon. Kaya ikaw ang ama ng batang dinadala ko!" aniya. saka siya tumakbo palabas. agad siyang sinundan ni Ephraim.
         "Mina, wait let me explain!" sigaw ni Ephraim habang sumusunod kay Mina.
         "Wala na tayong dapat pag-usapan, Mas pinili mo pa na itago sa akin ang katotohanan na ikaw ang lalaking nakasama ko nung gabing iyon," sigaw ni Mina habang naglalakad. "Ephraim, you know how desperate i am to find the guy i was with that night." aniya rito habang naglalakad siya palabas ng bahay.
         "Mina, let me explain. Makinig ka muna sa akin!" Aniya ni Ephraim. Dahil hindi tumutigil sa paglalakad si Mina. Hinawakan niya ito sa braso. "Listen to me, sorry kung itinago ko sa iyo ang katotohanan. Natakot lang ako na baka kapag nalaman mo ang totoo, layuan  mo ako. Nung una naisip ko na lang na tulungan ka na mahanap ang tunay na ama ng baby mo, pero believed me, Mina. Matapos kong mag-imbestiga doon ko lang na laman na wala kang ibang nakasama ng gabing iyon maliban sa akin. Kaya oo, ako nga ang ama ng batang dinadala mo." Pag amin ni Ephraim.
        Hindi naman malaman ni Mina kung ano ang dapat niyang maramdaman ng mga oras na iyon, dapat ba siyang matuwa dahil si Ephraim ang ama ng kaniyang anak. O dapat ba siyang magalit dahil nagsinungaling ito sa kaniya. 
        "Uuwi na ako, at paki-usap h'wag mo akong susundan." Aniya at tuluyan ng lumabas ng gate. Sakto na may dumaan na taxi at pinara niya ito. "Goodbye, Ephraim," malungkot na wika ni Mina at tuluyan ng sumakay ng taxi palayo sa bahay ni Ephraim. 


       ISANG linggo na ang nakakalipas ng umalis si Mina sa bahay ni Ephraim, umuwi siya sa bahay niya upang kumuha lang ng ilang gamit niya at umalis siyang muli. Nagtungo siya sa bahay niya sa batangas, ang lugar kung saan siya lumaki. 

        "Mina, hija. Sigurado ka ba na ayus ka lang dito?" Tanong ng matandang lalaki sa kaniya.
       "Opo, tatang. Ako na po ang bahala, kaya ko na po ang lahat. Salamat po ulit." Wika ni Mina. 
       "Ganoon ba, siya ako'y aalis na. May mga pagkain naman na diyan, initin mo na lamang at malinis na ang iyong silid. Kaya magpahinga ka na." Anito sa kaniya at saka muling nagpaalam kay Mina at umalis na. 
        "Home sweet home," nakangiting saad ni Mina sa sarili. 

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon