"MATHAIAS, have you found Mina?" tanong ni Ephraim sa kaibigan, ngunit umiling lang ito sa kaniya.
"One fucking week! nasaan ka na ba Mina, mamamatay na ako sa sobrang pag-aalala sa iyo!" aniya ni Ephraim habang ang mga palad ay nasa mukha.
Nakita ni Math na tila humihikbi na si Ephriam kaya nilapitan niya ito at marahan na tinapik sa balikat.
"Dude, makikita din natin s'ya. Pupunta ako sa bahay ni Shyreen baka sakaling tumawag na sa kaniya si Liho-Mina." Wika ni Math kay Ephraim. Nagpaalam na ito sa kaibigan at saka lumabas ng opisina nito.
Naiwan ng mag-isa si Ephraim, iniisip niya, saang lugar pa kaya maaaring pumunta si Mina, dahil wala siyang ideya sa mga lugar na maaari nitong puntahan maliban sa mga kaibigan nila. naka-ilang tawag at text message na ang ginawa niya, ngunit kahit isa ay hindi nito sinasagot.
"Kasalanan ko ito, kung sinabi ko lang kaagad kay Liho-Mina ang totoo, hindi na sana kami hahantong sa ganito." napayuko na lang si Ephraim sa kaniyang lamesa at tahimik na lumuluha. "This all my fault!" aniya kasabay ang mga paghikbi."MINA! thank goodness, nag-aalala na kami sa iyo! Nasaan ka ba, girl?" wika ni Shyreen kay Mina.
"Saka ko na sasabihin kung nasaan ako, kaya ako tumawag, gusto ipaalam sa inyo na maayos naman ako, huwag na kayong mag-alala." aniya ni Mina sa kaibigan.
"Mina, sabihin mo na sa akin kung nasaan ka, gusto kitang puntahan, please?" paki-usap ni Shyreen.
"Sorry, mabuti na hindi muna ninyo alam kung nasaan ako. Don't worry sasabihin ko din sa iyo kung nasaan ako, sa ngayon all i want is a privacy, bye" paalam ni Mina sa kaibigan.
"Mina, wait!" pahabol ni Shyreen ngunit nawala na sa kanbilang linya ang kaibigan. sakto naman ang dating ni Mathaias ng ibaba niya ang kaniyang telepono. tumingin kay Shyreen si Mathaias at nagtanong.
"So, may balita na kay Mina?"
"Ayaw niyang sabihin, Math kung nasaan siya, kakatawag lang niya sa akin. mukhang wala pa siyang balak na magpakita sa atin. ang mabuti pa hayaan na muna natin siya." wika ni Shyreen.
"Magulo ang sitwasyon nilang dalawa ngayon, ang magagawa lang natin ay ang alalayan sila." aniya ni Math nang pa-upong ibinagsak ang sarili sa sofa ni Shy. saglit niyang isinandal ang kaniyang likod at ipinikit ang kaniyang mga mata.
" Math, ano kaya ang gagawin mo kung tayo ang nasa ganoong sitwasyon, hahanapin mo ba ako?" seryosong tanong ni Shy kay Math.
"Ano bang klaseng tanong iyan Shy, ofcourse hahanapin kita. kahit ang pangit mong matulog." pabirong aniya nito kay Shy.
Dahil sa sinabi ni Math, napasimangot na lang si Shy dito. "Pangit ako matulog? bakit ano bang itsura nang pagtulog ang gusto mong lintek ka!" galit na wika ni Shy. "Naku Math, lumayas ka na nga dito at baka hindi kita matantsang sira ulo ka!" gigil na gigil niyang wika kay Mathaias, tuwang-tuwa naman ang binata sa naging reaksyon nito, kaya naman lumapit siya rito at niyakap.
"Natutuwa talaga ako kapag nagagalit ka," aniya habang nakangiti sa dalaga. saka niya ito ginawaran ng halik sa labi. natigalgal naman si Shy sa ginawa ni Mathaias. "Aalis na muna ako, kailangan ni Ephraim nang kaibigan ngayon." kaya naman lumakad na siya palabas ng bahay nito.
Wala na si Math, ngunit nakatulala pa din si Shyreen habang nakahawak sa kaniyang labi. "Namimihasa na yata ang mokong na iyon sa kakahalik sa akin a!" aniya ngunit may bahid naman ng ngiti sa kaniyang mga labi. "Naku, Shyreen!" wika niya sa sarili habang kinikilig.NATAPOS na si Mina sa pagluluto ng kaniyang pagkain, kaya naman naghain na siya nang kaniyang kakainan. Nang mayroong dumating na sasakyan sa yapat ng kaniyang bahay. kaya naman sinilip niya ito sa bintana at nang makilala niya ito, agad siyang lumabas upang salubungin ito.
"General Oliveros!" bati niya rito at saka sumaludo. natawa naman ang matanda sa kaniya at agad siyang niyakap.
"Ikaw talagang bata ka, pabigla-bigla ka nang desisyon. kaya ako narito dahil gustong malaman ang katotohanan. Ano ba ang dahilan mo at basta ka lang nag resign?" Tanong nito sa kaniya. Napangiti na lang si Mina at inaya na muna niya ito sa loob ng kaniyang bahay.
"Upo muna po kayo, ipaghahanda ko muna po kayo ng maiinom." aniya rito. matapos ay naglakad na siya patungo ng kusina upang ikuha ng mami-meryenda ang kaniyang bisita, 'di nagtagal ay naka balik na siya ng salas kung saan naroon si General Oliveros na naghihintay.
"Kain na muna po kayo," aniya ni Mina. at saka naupo sa tabi nito.
"Kumusta naman ang buhay mo rito, hindi ka ba naninibago?" tanong nito kay Mina. Bahagya namang natawa si Mina at magalang na sinagot ang tanong nito.
"Medyo naninibago po, kailangan ko rin masanay, baka magtagal pa ako rito." nakangiting saad ni Mina na ipinagtaka naman ng matanda sa kaniya.
"Sabihin mo Mina, may problema ka ba na hindi ko alam? Hindi ka gagawa ng isang desisyon kung walang mabigat na dahilan." seryosong wika nito.
"Sorry po, kung nagawa kong mag-resign ng maaga, naalala po ba ninyo ang sinabi ko nung nag-usap tayo sa opisina ko sa presinto?" aniya, na ikinagulat nito.
"In-love ka na, hija! sino at paano mo siya nakilala?" tanong nitong muli.
Agad na nalungkot ang mukha ni Mina, kaya naman nag-alala ang matanda sa kaniya.
"What's wrong, tell me hija."
"Buntis po ako," saad niya rito.
"B-buntis ka, So, sino ang ama bakit hindi mo siya ipakilala sa akin?" Anito habang hawak ang kamay ni Mina.
"General Oliveros—" napahinto siya sa pagsasalita nang pigilan s'ya ng matanda.
"Tito Mark, your not in the service now, kaya tito na lang." Nakangiting anito.
"Okay po, tito." Aniya na may bahagyang pagtawa. "Tito Mark, narito nga ako para magtago sa lalaking nakabuntis sa akin."
"Sandali, hija nalilito ako, ikaw ang nagtatago sa lalaking nakabuntis sa iyo, bakit?" Nalilitong wika nito.
"I really don't know, tito. Nagagalit kasi ako sa kaniya. Maraming pagkakataon na puwede naman niyang sabihin sa akin ang totoo, na siya ang ama nang ipinagbubuntis ko, pero mas pinili n'ya pa na itago. Mahal ko s'ya tito. Mas matatanggap ko at maiintindihan ko kung nagtapat lang siya ng mas maaga." Saad niya habang nakatayo sa harap ng bintana at nakatingin sa malayo.
"Do i know him?" Tanong ng kaniyang tito Mark.
"Ephraim Mondrego, yung magaling na private investigator. Guwapo, matipunong pangangatawan, may magandang mata." Wika ni Mina na tila ini-imagine pa ang itsura ni Ephraim sa kaniyang isip.
"Gusto ko siyang maka-usap."
"Pero tito, kapag kina-usap mo siya sigurado ako na magtatanong iyon kung nasaan ako." Aniya na tila nag-aalala.
"Don't worry, hija. Hindi niya malalaman kung nasaan ka. Kailangan muna niyang maghirap, para malaman niya ang kaniyang pagkakamali. Maging matatag ka Liho-Mina. Gamitin mo ang pagiging matapang at matatag mo sa ganitong sitwasyon, para sa anak mo." Wika nito at saka niyakap nito si Mina.Matapos ang kanilang mahabang kuwentuhan. Nagpaalam na ito kay Mina.
"Huwag ka ng masyadong mag alala. Magpapadala ako dito ng makakasama mo. Ayokong mapagod ka baka kung ano pa ang mangyari sa iyo at sa magiging apo ko!" Masayang anito kay Mina. Natuwa naman si Mina sa naging reaksyon nito. Kahit hindi siya kadugo ay itinuring siya nitong tunay na anak. Kaya naman ramdam ni Mina na mas aalagaan siya nito dahil sa kaniyang ipinagbubuntis.
"Feel ko magiging VIP ako nito, tito Mark!" Aniya na may kasamang pagtawa.
"Ofcourse! Sigurado na mas matutuwa ang tita mo kapag nalaman niya na magkaka-apo na siya." Masayang saad nito kay Mina. "Aalis na ako, Mina. Mag iingat ka rito. Hintayin mo ang ipadadala kong makakasama mo rito." At saka ito sumakay ng sasakyan.
Malayo na ang kotse ng kaniyang Tito Mark, ngunit nakasunod pa din ang kaniyang paningin rito. Hinawakan niya ang kaniyang may umbok nang tiyan at marahan itong hinimas.
"Baby, mukhang maraming mag-i-spoiled sa iyo." Masayang wika ni mina sa kaniyang anak na nasa kaniyang sinapupunan. Nang mawala na sa kaniyang paningin ang sasakyan ay pumasok na siya sa kaniyang bahay."MINA!" Sigaw ni Ephraim sa tapat ng bahay ni Mina.
"Dude, alam nating pareho na wala diyan si Mina, kaya wag ka nang magkulit na nariyan siya. Umalis na tayo at nakakahiya sa mga kapit bahay!" Wika ni Mathaias sa kaibigan. Dahil lasing na si Ephraim hindi na nito mapigil ang ginagawa. Bigla na lamang itong naupo sa harap ng gate ng bahay ni Mina at saka isinisigaw ang pangalan nito.
"Mina! Paki-usap magpakita ka na, sorry na kung itinago ko sa iyo ang totoo, sorry, i really, really sorry!" Anito.
"Ephraim tayo na iuuwi na kita." Aniya ni Mathaias sa kaibigan, ang totoo naawa na siya rito, araw-araw na itong naglalasing, paggising sa umaga aalis pag balik ay lasing na. "Kailangan ko na talagang mahanap si Mina kung hindi baka kung ano na ang mangyari sa isang ito." Napapapalatak na lang si Math dahil sa sitwasyon ng kaibigan.NAGISING si Ephraim dahil sa ingay ng kaniyang cellphone. Mayroon tumatawag sa kaniya kaya naman kaagad niya itong sinagot.
"Who's this?" Inaantok pa niyang tanong dito.
"E-ephraim," tinig ng nasa kabilang linya. Nang marinig iyon ni Ephraim tila na walang bigla ang kaniyang antok. Napabangon siyang bigla sa kaniyang higaan.
"M-mina!" Aniya. "Mina kumusta ka na, nasaan ka ba paki-usap sabihin mo na kung nasaan ka, pupuntahan kita." Wika niya rito.
"I'm sorry, tumawag lang ako para sabihin sa iyo na maayos lang ako." Matapos sabihin ni Mina iyon ay agad niyang tinapos ang tawag at saka in-off ang kaniyang cellphone.
"Mina!" Wika ni Ephraim ngunit huli na, tinapos na nito angbtawag sinubukan niyang tawagan ito ngunit out of coverage na ito. "Fuck, Mina!" Kaya naman tuluyan na siyang tumayo sa kaniyang kama at naligo. "Hindi ko mahahanap si Mina kung lagi akong ganito. Isang tao lang ang hindi ko pa nalalapitan. Sigurado ako na alam nito kung nasaan si Mina. Matapos maligo nagbihis siya at agad na sumakay ng kaniyang sasakyan. Matapos ang isang iras na byahe nakarating siya sa bahay ni Genaral Mark Oliveros. Ang tao na itinuturing na ama ni Mina.
"Sigurado ako na alam ni General kung nasaan si Mina." Kaya naman nang makalapit siya sa gate ay agad niyang pinindot ang doorbell. Isang security guard ang nagbukas nito at tinanong siya.
"Ano pong kailangan n'yo, sir?" Anito sa kaniya.
"Nariyan ba si General Oliveros, maaari ko ba siyang maka-usap?" Aniya ni Ephraim.
"Naku, sir. Kakaalis lang nila ni ma'am." Sagot nito sa kaniya.
"Saan daw sila pupunta?" Muling tanong ni Ephraim.
"Ang alam ko sa batangas po." Wika ng guwardya.
"Puwede ko bang makuha ang address ng pupuntahan nila, importante kasi ang sasabihin ko." Aniya ni Ephraim. Dahil doon agad namang ibinigay ng guard ang address na pupuntahan ng general.
"Maraming salamat!" Nakangiting aniya ni Ephraim at saka siya muling sumakay sa kaniyang kotse. "Pipilitin kong sabihin niya sa akin kung nasaan ang aking mag-ina!" Seryosong wika ni Ephraim sa sarili. Kaya naman agad niyang pinaharurot ang kaniyang sasakyan patungo sa address na ibinigay ng guwardya sa kaniya.

BINABASA MO ANG
A night with you
عاطفيةIsang magaling at tapat sa trabaho, Iyan si Lihoi-Mina Galvantes, isang police Captain sa kanilang destrito. Ngunit isang pangyayari sa kaniyang buhay ang hindi niya inaasahan. Naimbitahan siya sa isang pagsasalo at naka inom, ngunit nagising na lan...