Chapter Nine

1.1K 24 0
                                    


        "Eprhaim! tawag ng isang pamilyar na boses. kaya naman nilingon ito ni Ephraim at binati. 
        "Hey! Kumusta, ano ba ang pinagkaka abalahan mo at hindi kita nagpagkikita nitong mga nakaraang araw?" tanong niya sa kaibigan matapos makipagkamay. 
        "Well, you know that i'm a busy man, dude!" masayang sagot nito.
        "Busy? saan sa mga babae? H'wag mo akong lokohing gago ka! i know that you have a lot of flings, kaya huwag mong sasabihin sa akin na busy ka." wika niya habang abalang tinitignan ang kaniyang mga trabaho.
        "Well nagulat ako na ikaw ang narito sa opisina ni Mina, kumusta naman siya?" tanong ni Mathaias.
        "She's fine and the baby too, kinailangan ko siyang samahan sa bahay niya and—" napatigil siya dahil nakita niya ang mukha ni Mathaias. mukha na tila nagulat at nagtanong.
        "Doon ka sa bahay niya natutulog, dont tell me na kayo na?" seryosong anito sa kay ephraim.
        "We have mutual understanding, masaya naman kami sa company ng isa't isa. Ang totoo, parang ayaw ko ng hanapin ang tunay na ama ng dinadala niya, mahal ko na si Mina noon pa at alam mo iyon, Math. kung hindi lang sa mga pangarap niya, matagal ko na siyang niligawan." Aniya ni Eprhaim. 
        "SHY, MATH!" masayang bati ni Mina sa mga kaibigan. pagkalapit niya rito ay agad na niyakap ni Mina si Shyreen at Mathaias. 
        "Saan tayo magha-hang out mamaya pagtapos ng klase?" tanong ni Mina sa mga kaibigan.
        "Gusto ko mag mall, mayroon bagong stall doon na puwede nating tambayan." aniya ni Shyreen.
        "I can't go now, kayo na lang muna. makikipagkita ako sa isa sa mga kaibigan ko." dahilan ni Mathahaias sa dalawa.
        "Pasamahin mo na lang siya sa atin." wika ni Mina.
        "Sorry, shy type ang isang ito at saka magba- basketball kami after ng pupuntahan namin." paliwanag naman ng Binata.
        "Okay, ikaw ang bahala, kita na lang tayo bukas." saad ni Mina at saka silla naglakad palayo sa kaibigan. Nang makita ni Math na malayo na ang dalawa ay saka niya tinawag ang kaniyang kaibigan. 
         "Ephraim!" tawag niya rito, kaya lumapit ito kaagad. 
        "Wala na sila?" tanong nito sa kaibagan.
        "hustle ka pare, manlilibre pa naman si Shyreen ngayon. kapag may bagong stall sa mall nagyaya iyon at iya ang sumasagot ng kakainin namin." aniya ni Math sa kaibigan.
        "Iyon lang ba ang nirereklamo mo? Edi ako na ang manlilibre sa iyo! may pera ako ngayon binigyan ako ng parents ko ng dagdag na allowance kaya puwede kitang ilibre." saad ni Ephraim sa kaniya. "kumusta si Mina?" seryosong tanong nito ng pasakay na sila sa sasakyan ni Ephraim.
        "Ayus naman siya, always beautiful!" anito ni Math. "Dude, bakit ba kasi hindi mo subukan na ligawan si Liho-Mina. malay mo magkaroon ka ng chance!" anito sa kaibigan.
        "Pare, alam nating dalawa na seryoso si Mina sa pag-aaral, Books before boys ang motto niya kaya how much are you sure na magkakaroon ako ng chance para maligawan siya!?" tanong ni Ephraim habang nagmamaneho at nakatingin sa kalsada. "Minamahal ko na si Mina kahit hindi pa kami nagkakakilala personally, and i know what i feel for her. hahayaan ko na muna na matupad lahat ng pangarap niya at kapag dumating ang time na iyon doon ko siya liligawan." saad ni Ephraim.
        "Paano kung matanda na kayo bago pa niya matupad ang mga pangarap niya?" seryosong tanong ni Mathaias.
        "liligawan ko pa rin siya, kahit maghintay ako ng matagal!" sagot ni Ephraim.
        "HEY DUDE!" tawag ni Mathaias sa kaibigan. "Lumulutang ang utak mo! ano ba ang iniisip mo?" tanong ni Math kay Ephraim.
        "Wala may naalala lang ako." at saka tinignan ang larawan na naka lagay sa isang sobre, "Dalawin mo si Mina sa bahay niya sigurado ako na matutuwa iyon kapag nakita ka niya, isama mo si Shyreen. Mukha kasing matagal na ang lumipas ng huli kayong nagsama-sama." saad ni Ephraim, nakita niya na nag-isip si Mathaias. "Dude, huwag mo nang pag-isipan! Magugustuhan ni Mina na makita kayong dalawa. Isa pa aalis ako ngayon, may pupuntahan akong Importante, ayokong maiwan si Mina sa bahay niya na mag-isa, ilang araw din akong mamawala." paliwanag ni Ephraim.
        "Bakit saan ang punta mo? Ako ang nag aasikaso ng mga kaso na hawak ni Mina. kaya mayroon akong iimbestigahan abroad, babalik ako kaagad kapag maaga kong natapos iyon."  wika niya saka inilagay sa bag ang lahat ng papelas na kaniyang kailangan, saka nagpaalam sa kaibigan. 
        Naisip ni Mathaias na dumaan muna sa Grocery para makabili ng mga pagkain na kaniyang lulutuin pagdating niya sa bahay ni Mina. Bilin ni Ephraim na hindi puwedeng kumilos muna si Mina dahil bilin ito ng OB sa kanila. kaya naman siya ang magluluto ng espesyal para sa kaibigan, pati na rin ang lasagna na palagi nitong nire-request kapag nagkikita sila. Tinawagan na niya si Shyreen at pinauuna na niya sa bahay ni Mina. Nang matapos siyang mamili, agad siyang sumakay ng sasakyan at mabilis na nagmaneho patungo sa bahay ng kaibigan.
        "Math! bati ni Mina. "I am so happy na narito kayong dalawa." wika nito na tila maiiyak pa. Kaya naman inaya na ni Mina sa loob ang kaibigan. Napansin niya na may mga dala itong plastic bags kaya naman tinanong niya ito.
        "Ano ang laman ng mga iyan?" tanong nito kay Mathaias
        "Gusto kitang ipagluto ng paborito mo pati na rin ng makakain natin mamayang hapunan, dito na muna kami ni Shy para naman may kasama ka." Hindi lang masabi ni Matahaias na ibinilin siya ni Ephraim.
        "Really? pero ayus lang naman akong mag-isa rito." aniya ni Mina, ngunit umiling lang si Math sa kaniya. "baka patayin niya ako kapag hinayaan kita rito mag isa." wikaq ni Math, na ipinagtaka naman ni Mina. 
        Dumeretso si Matahaias sa kusina upang umpisahan na ang pagluluto. nanag maalala niya ang isa niyang kaibigan. "Nasaan si Shyreen? pinauna ko siya rito a!" aniya nito habang naghihiwa na ng kaniyang mga kailangan. 
        "She's in the Bathroom, Nag commute lang daw siya dahil nasira daw ang kaniyang kotse." saad ni Mina habang nakaupo sa sofa at may hawak na magazine.
        "Again! sinabi ko na kasi na bumili na nang bago, kakarag-karag na ang sasakyan niya. Napaka kuripot talaga niya!" wika ni Mathaias ngunit ang hindi niya alam ay narinig na pala ni Shyreen ang kaniyang mga sinabi. 
        "What did you say?" tanong nito habang lumalapit sa kaibigan. "I am not kuripot, nagtitipid lang ako!" sagot nito sa kaniya, kaya naman tumigil si Mathaias sa kaniyang ginagawa at hinarap si Shyreen.
        "Really?" wika nito na inilapit ang mukha sa mukha nito. tila nag-init ang mukha ni Shyreen sa ginawa ni math kaya naman lumayo siya rito. 
        "H'wag mong ilapit sa akin ang panget mong mukha!" mataray na aniya nito, ngunit nagulat siya sa sumunod na ginawa nito sa kaniya. niyakap siya nito at saka mas lalo pang inilapit ang mukha sa dalaga. 
        "lagi mo akong tinatawag na panget, pero lagi namang namumula ang mukha mo, bakit kaya?" nakangising wika nito sa dalaga na ikinairita naman nito. 
        "let go of me, Math. kung ayaw mong masaktan iyang kapitan sa pagitan ng iyong dalawang barangay!" pagbabanta ni Shyreen dito. ngunit sa halip na matakot ay dinampian siya nito ng halik sa pisngi at saka ngumiti.
        "Ang cute mo talaga kapag nagagalit." bulong nito. saka bumitaw sa pagkakayakap at bumalik sa kaniyang ginagawa.
        Tila natulala naman si Shyreen dahil sa ginawa ni Mathaias sa kaniya.

A night with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon