Pandora 00: Little Psycho

2.1K 77 21
                                    

ASEL JULES CARSON

"What? Bakit ka ba humaharang-harang sa daan? Hindi mo ba ako kilala?" bulyaw sa akin ng isang lalaking nakabanggan ko dito sa quadrangle. Napairap ako at napanguya nalang ng bubblegum ko. Jeez, I really think that trouble is in love with me because it follows me wherever I go, kahit nagbabagong buhay na nga ako. Nakaka-touch.

"Oh? Bakit hindi ka makapagsalita riyan?" aniya. Tinitigan ko lang siya habang nginunguya bubblegum ko. Nakakahatak na siya ng paningin ng ibang tao dahil sobrang sakto ng timing niya. Assembly ng mga kapwa kong estudyante at naririto lang naman kami sa sentro ng pagdarausan ng seremonyang 'yon.

Nag-unat nalang ako at tinapunan siya nang masamang tingin. Bakit kasi ang petty ng isang 'to?

"Ah," singhal niya nang makita ang reaksyon ko. "Baguhan ka palang kasi kaya ka maangas kung makaasta. Kailangan ka atang turuan ng leksyon."

Humalakhak siya kasama ang mga kaibigan niya dahil sa pagbabantang niyang 'yon. Nilipat ko ang bigat ng katawan ko sa isang paa ko at nagpamulsa. Binilang ko kung ilan sila at napangisi ako.

"Why are you smirking darling? You're about to face hell you know," usal niya at tangkang hahawiin ang buhok sa tenga ko nang masalo ko agad pulso niya at hinawakan ito nang mahigpit. Nanlaki ang mga mata niya.

"Aba't! Lumalaban ka, ha!" bulalas niya at tinangkang bawiin ang pulso niya sa pagkakahawak ko, pero bigo siya. Mas lalong lumaki ang ngisi ko nang naaninag ko na sa mukha niya ang takot. Sapilitan niyang itinago 'yon.

"H-hoy kayo! Tulungan niyo ko rito, aba!" reklamo niya sa mga kasama niya. Siya naman ang napangisi nang palibutan na ako ng mga kasama niyang nakabihis butler. Napailing nalang ako at pinaputok ang bubble gum ko.

Oh darling, now you're cowering behind your guards? Rich kids are so pathetic.

"Get her!" bulyaw nung lalaki. In cue, sabay-sabay silang lumapit sa akin para tangkain akong hulihin pero ngumisi nalang ako at iniwasan ang mga naglalakihan nilang mga braso. Apat sila, at mga maton ang katawan. Ganging up on one girl? This guy really stooped so low this time.

Lumuhod ako sa lupa at pinihit ang sapatos ko paikot, kasabay ng pagpuntirya ko sa mga paang papalapit sa akin. Napabungisngis ako nang mahina nang bumagsak sila nang sabay-sabay sa lupa at nagpatong-patong.

Yes, just like sardines.

Bago pa sila makatayo, pumunta na ako agad sa lalaki na nag-provoke sa akin kanina at in-arm lock ito. Napangisi ako nang mapasinghap lahat ng mga estudyanteng nanonood sa amin ngayon. Luminga ako sa paligid at nakitang wala pa ring nagtatangkang pumigil sa amin.

I sighed. Too much for trying to be a better version of myself. Wala naman akong magagawa kung hindi ako titigilan ng mga taong nanggugulo sa buhay ko. I'm not a pushover that they can just treat like a punching bag whenever they want to. I learned that the hard way.

It's their fault for being immature and petty human beings that people like me have no choice but to shove their asses back to them.

Napasinghal ako nang patuloy na nagpupumiglas ang lalaking nasa mga bisig ko. Ang likot!

"Y-you'll pay for this!" sigaw niya at bigla akong kinagat sa braso ko. Nagawa niya pa akong tadyakan sa paa ko para makawala lang siya sa pagkakasakal ko sa kaniya. Dinambahan niya agad ng suntok nang mahugot niya na ang kaniyang hininga at tinangka pang sundan ang atakeng 'yon nang saluhin ko kaagad ang braso niya at pinilipit sa likuran niya.

"Enough," seryoso kong saad at tinira ang likod ng mga tuhod niya. Akmang bibitawan ko na siya nang bigla na naman siyang nanlaban at sinubukan akong sikuhin sa aking ulo. Naging mabilis ang mga galaw ko at tinulak siya papalayo, dahilan para mapadapa siya sa lupa. Agad din naman siyang umikot at akmang babangon muli nang pumatong na agad ako sa kaniya at pinaulanan siya ng suntok. Nagpumiglas pa siya sa ilalim ko at sinubukang manlaban pero masyado na siyang hilo sa lahat ng ginawa ko sa kaniyang pag-atake. Hinatak ko ang kwelyo niya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon