LYDIA
Hinawakan ni Lydia ang mukha habang nakaharap sa pintong nasa harapan niya, kung saan nakikita ang kaniyang repleksyon. Mahaba ang kaniyang itim na buhok at nakasuot siya ng isang pambatang laboratory gown. Pinilit niyang iporma ang mga ngiti sa labi at pinaabot ang saya sa kaniyang mga mata. Pagkatapos ng mga 'yon ay hinawakan niya na ang seradura at pinihit ito.
"Good morning, Sir," bati ni Lydia sa lalaking nakaupo sa may swivel chair at nakaharap sa malawak na tanawin ng kagabutan. Tumikhim ang batang Lydia at tinago ang mga kamay niya sa kaniyang likuran. "Pinatawag niyo raw po ako?"
"Lydia..." banggit ng lalaki sa pangalan niya at dahan-dahang pinihit ang upuan nito. Agad na kumunot ang noo ng lalaki nang makitaipadaan nito ang tingin mula sa ulo hanggang paa ni Lydia. Halata sa mukha nito na hindi niya nagustuhan ang ayos ng batang babae. "Your schedule says that you're supposed to be in training martial arts this morning, right?"
Alanganing tumango si Lydia. "Y-Yes, Sir."
Tinaasan lamang siya ng kilay ng lalaki at pinatunog ang mga daliri sa kahoy na lamesa, dahilan para mas lalong lumakas ang tibok ng puso ng batang babae sa kaba. "Then, what do you think you're doing? Why are you wearing that?"
"I..." utal na sambit ni Lydia at pilit na hindi sinalubong ang matatalim na tingin ng lalaki. "I'm sorry, Sir."
"Be honest and tell me where did you go during those hours."
"I just spent some time in my laboratory." Napakurap si Lydia at inangat ang kaniyang paningin. Tila nagkaroon ng kaunting kasiyahan ang mukha nito. "And I created a fascinating experiment earlier and you won't believe that--"
"You are such a disappointment." Hindi na natapos ni Lydia ang pagkekwento ng karanasan niya nang bigla siyang pangunahan ng lalaki. Bumaba muli ang tingin ni Lydia sa sahig at palihim niyang niyukom ang mga kamao. "Pinagbigyan kita sa pagpapagawa ng laboratoryo mo dahil alam ko na masaya ka sa ganoong libangan. Pero sa ginagawa mong ito, na inuuna mo pa 'yang mga walang kabuluhan mong mga eksperimento kaysa sa mga obligasyon mo bilang panganay na anak ng mga Verlice, malaking dismaya lamang ang dinudulot mo sa akin."
Napatikom ang bibig ni Lydia at nangilid lamang ang luha niya habang nakayuko pa rin at nakatitig sa sahig. Kinagat niya ang ibabang labi upang hindi makawala ang hikbi na pilit niyang tinatago. Pawang iyak na lamang ang lalabas sa bunganga niya sa sandaling magsalita siya at sagutin ang lalaki.
"Pagnagpatuloy pa ito..." pagbabanta ng lalaki. "Hindi na ako magdadalawang isip na wasakin ang laboratory mo, kasama na lahat ng mga ginawa mo roon."
Nanlaki ang mga mata ni Lydia at kusang gumalaw ang katawan niya. Tumakbo siya papalapit sa lamesa ng lalaki at doon na tumulo ang mga luha niya. "Pa...Please don't do this to me." Agad niyang pinahid ang mga luha niya nang tignan lamang siya ng masama ng kaniyang ama. Huminga siya nang malalim at nilunok ang takot. "I will be a good daughter, Pa. I will never go against your orders again, so please...please don't take me away from my dreams."
"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?" tumaas na ang boses ng lalaki dahil sa galit. "Your dreams are wrong, Lydia. This is not what I wanted you to be."
"But Pa--"
"Sir," pangongorek ng lalaki. "You're going to call me Sir."
Tinignan ni Lydia ang nakaguhit na ekspresyon sa mukha ng ama at kinilabutan na lamang siya nang may mapagtanto. Iniwas niya na ang tingin at nawalan na ng lakas ang kaniyang mga kamao. Tila sinampal siya ng katotohanan ng mga oras na 'yon.
Na kahit kailanman, hindi siya pakikinggan ng mga magulang niya.
"Papa, look! Master gave me this little butterfly knife as a reward--"
BINABASA MO ANG
Pandora's Academy: Blood & Splendor
ActionWhen Jules, , a troubled child who brought many to death's door, is accepted into a prestigious academy, her family believes it's her last chance at redemption. However, when she's forced to kill on her first day, Jules realizes a terrifying truth:...