Pandora 11: The Call

533 47 7
                                    

PANDORA

"Welcome to my Academy," sambit ni Pandora nang salubungin niya ang labindalawang patron na manonood sa kaniyang munting kaganapan. Iginaya niya ang mga taong 'yon sa loob ng Watch Room at pinaupo sila sa kani-kanilang booth. Sinenyasan niya ang kaniyang mga tauhan na pagsilbihan ang mga bisita.

"Serve them with the best wine and delicacies we have in our Academy," sambit ni Pandora at kinuha ang remote na nakapatong sa may lamesa. Tinutok niya 'yon sa pader na nasa kanilang harapan at may pinindot roon. Sa isang iglap, ang pader ay biglang lumiwanag at pinakita nito ang tunay nitong anyo.

Isang malaking telebisyon na binubuo ng higit benteng screen. Kitang-kita sa bawat screen ang mga kaganapan sa loob ng Labyrinth. Lahat ng mga kasalukuyang tumatakbo mula sa kapamahakan, mga nakikipaglaban kay Kamatayan, at mga bangay na matagal nang nangamatay.

"It's a good thing you invited us here today, Pandora," sambit ng isang babaeng bisita na kakakuha pa lamang ng blueberry cake mula sa mga maid.

"It's our pleasure, Ms. Leo" sagot naman ni Pandora.

Ang bisitang 'yon ay isang matangkad na babae na may pang-atletang katawan. Nakasuot lamang siya ng damit na punit ang mga manggas, dahilan para mapakita niya ang mga nakaimprintang tatoo sa maputi niyang balat, at pantalon na tinernuhan niya naman ng combat boots. Hinawi nito ang kulay grey nitong short punk hair at lumingin muli kay Pandora.

"You think I can choose an apprentice here?"

"Man, sa taas ng standards mo, I highly doubt it," sabat naman ng isang lalaking nakaupo sa katapat niyang booth. Kahit na nakasuot siya ng long-sleeve suit, halata pa rin ang pagbakat ng maskuladong pangangatawan ng lalaki. Pormal ang kaniyang sapatos, pati narin ang ayos ng kaniyang itim na buhok. Kayumanggi ang kaniyang balat at may maliit siyang hikaw na kulay ginto.

Umirap si Leo gamit berdeng mga mata at nagkrus ng kaniyang mga kamay.

"Shut up, Dragon. What's wrong with raising my standards? At least hindi ako tulad mo na basta lang pumili ng apprentice."

"Hey!" asik ni Dragon at tinuro si Pandora. "I trust Pandora! Every apprentice I got from her is of high quality. Hindi ba, Pandora?"

"I appreciate your kind words, Mr. Dragon."

Tinaas naman ni Leo ang kamay niya sa direksyon ni Pandora at kumindat. "I don't mean to insult you, Pandora. I'm just mocking this guy's taste, that's all."

"No hard feelings taken, Ms. Leo," sagot ni Pandora at umupo narin sa isa sa mga booth. Hinatiran siya agad ng kaniyang mga tauhan ng alak at pagkain. Iyon lamang ang isa sa mga pagkakataon na hindi nagsuot si Pandora ng kaniyang maskara. Sinasalamin ng kaniyang pulang mga mata ang mga nangyayari sa malaking screen at nanatiling walang ekpresyon ang kaniyang mukha.

"What do you think, Pandora? Any remarkable students so far?" tanong ng isa pang bisita. Hinawi ni Pandora ang kaniyang itim na buhok at pinalaki ang ilang mga footage sa screen.

Una ay ang kay Sebastian Castillo kasama ang tatlo nitong kasamahan. Dalawa sa mga kasamahan niya ay kasapi ng Seven Deadly Sins—walang iba kung hindi sina Lukas Rick Thomson at Juan Antonio Martinez, ang Grizzly's Sin of Sloth at ang Dragon's Sin of Wrath.

Nakahawak lamang sila sa isang pader at maingat na binabagtas ang kanilang mga dinadaanan. Halata ang mga trap at mga pinagdaanan nilang labanan sa itsura pa lamang ng kanilang maduming mga damit at bakas ng dugo sa mga 'yon, pero wala ni isa sa kanila ang nasa malalang kalagayan.

"That dude looks tough," komento ng isa sa mga bisita tungo kay Sebastian. "I can imagine him being part of my team."

"Shut up, Tiger. That boy is too much beautiful for you," sabat naman ng isang babae at inayos pa ang salamin. "Mas bagay siya sa mga Taurus. Attractive, yet intimidating."

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon