Pandora 20: Fox's Sin of Greed

418 38 0
                                    

ASEL JULES CARSON

"Asel Jules Carson, please come to the stage."

Naramdaman ko ang pagdampi ng palad ni Catherine sa braso ko, para yata damayan ako sa nakaabang sa 'king pagsusulit. Sinulyapan ko lang siya at tinanguan, saka ko inalis ang kamay niya sa akin. Akmang tatayo pa lamang ako nang biglang may magsalita sa may speakers. Kahit ang mga tauhan ni Pandora ay nagulat rin sa boses at hindi na naalis sa akin ang ilaw.

"Before that, can we please watch this video first?"

That robotic voice...It's Pandora.

Biglang dumilim muli ang paligid at nanatiling nagliliwanag ang malaking screen na nasa tapat ng Arena. Nagkaroon pa ng static at glitch 'yon bago kumalma ang mga kulay at pinakita ang isang babaeng nakagapos at duguan. Nakayuko siya at hindi na gumagalaw, pero mukhang pamilyar ang suot niya at postura.

"Leo?" usal ko, at napailing naman agad. Wala akong maisip na paraan upang mapunta ang master ko sa ganoong sitwasyon.

"The person you're seeing in the screen right now is the traitor who tried to disturb the premises of our Academy. Isn't she familiar?"

Naramdaman ko kaagad ang pagdapo ng mga tingin sa akin ng mga taong naririto. Maging sina Marize ay nakatingin din sa akin nang may pagkailang.

"Hindi ba't ang leader din ng Celestia ang nagsabi na isali si Jules sa Royals? Tapos traydor pala!"

"Kung traydor ang master, malamang traydor din ang isang 'yan."

Napakagat ako sa ibabang labi at nanatiling tahimik. Kung totoo nga ang mga paratang nila na si Leo iyang traydor sa video na pinapakita ni Pandora, napakahirap isipin na may posibilidad siyang mahuli. I know my master. She's not reckless and she's too careful for her own good. Wala rin akong maisip na dahilan kung bakit magagawa niyang traydurin ang may-ari ng paaralang 'to ngayong nakita ko kung gaano niya tinitingala ito.

"Well well, aren't we being too noisy here?" sambit ni Pandora. Napadikit ang tingin ko sa screen nang may aninong lumitaw roon at gumalaw sa tabi ng nakagapos. Mahina akong suminghap nang maaninag ang pigura.

Isa 'yong babae na may balingkinitang katawan, may hawak na alak, nakataas ang itim na buhok, at nakasuot ng magarbong maskara. Nakadamit siya ng pormal na kasuotan, pencil skirt at blazer, pero bakas ang mga talsik ng dugo roon.

"This traitor here is not Leo, you fools," pagdiin niya kaya biglang natahimik ang paligid. Para naman akong nabunutan ng tinik sa narinig. "This is the evil twin. One of the Gemini."

Kitang-kita sa video kung paano inangat ni Pandora ang mukha ng traydor at tinapat sa may camera. Halos hindi na makilala ang itsura nito dahil sa dami ng pasa at sugat. Balot din ang buong katawan niya ng tuyong dugo na para bang ginamit niya 'yon pangligo. Tuyong-tuyo ang labi niya at namamaga ang mga mata.

Isa pa sa mga napansin ko ay ang wasak niyang mga daliri na parang pinukpok nang ilang ulit hanggang madurog.

"Nikki? Are you there?" tila nang-aasar na pagtawag ni Pandora. "Please come forward or I'll slit this woman's throat."

Awtomatik na pinilig ko ang ulo ko sa direksyon kung saan nahagip ng mata ko ang paggalaw. Nakita ko ang isa sa mga babaeng nakasalamuha ko noon sa may banyo nung kumakain kami sa Cafeteria. Hindi tulad noon na suot-suot niya lagi ang isang matapang ngiti, ngayon ay para siyang aso na iniwan ng kaniyang amo. Halata rin ang pamumula ng mga mata niya na para bang pinipigilan niya lang umiyak.

"Whoa, your loyalty is amazing," malamig na sambit ni Pandora at ngumisi. Halos maghalumpasay 'yong Nikki sa sahig sa sunod na nasaksihan.

Dahan-dahang ginilitan ni Pandora ang nakagapos na si Gemini. Sagana ang pagdanak ng dugo mula roon at halos mabingi rin ako sa palahaw na pinakawalan nito.

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon