Pandora 14: Kill Thy Valentine

597 47 8
                                    

ASEL JULES CARSON

"My arms are killing me," usal ko at umupo muna sa kahoy bago nilagok ang aking inumin ngayong araw. Ilang buwan narin ang lumipas magmula nang piliin ako ni Leo nilang apprentice niya, at walang lumagpas na araw na hindi ako napapagod dahil sa lahat ng kaniyang pinagagawa.

Pinagmasdan ko ang mga kahoy na nakahati na at nakapatong sa malaking cart na pinaglalagyan ko. "Dati, halos mahimatay ako sa pagod, ngayon pakiramdam ko banat nang husto ang katawan ko. Napaisip pa ako kung ganito rin ba kahirap ang pinapagawa sa iba pang mga apprentice."

Nung inatasan ako ni Leo na maghati ng mag kahoy, akala ko nagbibiro lang siya, pero dahil seryoso siya, wala akong nagawa kung hindi ang sumunod. Ako ang apprentice niya at natural lang na sundin ko lahat ng iuutos niya sa 'kin. Hindi ko rin minasama 'yon dahil pinaliwanag niya na naman na may kahihinatnan 'yong mga kahoy na hinati ko.

Huminga ako nang malalim at saka humiga. Tumingin ako sa langit at pinagmasdan ang mga ulap. Inunat ko ang mga braso ko at dinama ang hangin.

Matagal na panahon na nung mapatunayan ko ang sarili ko sa kaniya na madali nalang sa akin ang paghahati ng kahoy. Akala ko, gusto lang pahabain ni Leo ang pasensya ko at ang stamina ko, pero mas hinanda niya pa pala ako sa mas delikadong gawain.

Hinanda niya ako para may karapatan na akong masaksihan ang mga misyon niya. Dahil nakatira rin kami sa labas ng Academy, at may pahintulot din naman kami ni Pandora, nagawa niyang isama ako bawat paglabas niya. Bilang apprentice, wala lamang akong ginawa kung hindi mag-assist at manood sa lahat ng ginawa niya.

Naalala ko tuloy ang una naming misyon na isinagawa kasama ako.

***

"Jules, recite the client's request," sambit ni Leo habang nasa loob kami ng sasakyan at nakamasid sa malaking bahay na papasukin maya-maya lang. Nasa isang kanto kami at malayo ang poste ng ilaw sa amin upang makapagtago sa dilim.

Binuksan ko ang folder at nilipat-lipat ang mga pahinga para masagot ang tinatanong sa akin ni Leo, pero napatigil din ako nang marinig ko ang pagtunog ng dila niya. Inangat ko ang tingin ko at masama ang tingin sa 'kin ng malamig na asul niyang mga mata.

"Sa mga ganitong misyon, hindi pwedeng sa reference ka lagi titingin. Mabilis dapat ang pag-iisip at mga galaw, pati sa mga desisyon!" Kunot noo niyang bulalas.

Lihim akong napamura. I'm not good at memorizing shit! Hindi rin naman niya ako masyadong na-orient na ganito pala ang patakaran dito.

"I know that look, Jules." Umiling siya. "Hindi ko naman kailangan ng detalyadong sagot. Just tell me the goal of this mission using your own words."

I was flabbergasted. She sounds like my highschool teacher, demanding for a meaningful report in front of the class.

Napabuntong hininga ako. "The client wants her husband dead, but she doesn't have the guts to kill him, and she doesn't have the wits to make it look its an accident, so she decided to hire us."

Nakita kong umangat ang sulok ng labi ni Leo at tumango-tango. "I like your choice of words."

Umismid ako. "Yeah, thanks."

"Whatever happens, stay beside me, you understand?" Naalerto naman ako nang makita ko ang pag-ayos ni Leo sa cloak niya at ang pagbulsa niya sa isa sa mga vials na dala namin. Binatuhan niya rin naman ako ng parehas na cloak na suot niya na agad ko rin namang nasalo.

"Let's finish this mission right away and go home."

***

"Don't make any sound," bulong sa akin ni Leo habang maingat kaming naglalakad tungo sa kwarto ng aming biktima. Nasa iisang bahay lang din naman ang kliyente namin pero ni anino ay wala kaming nakita. Marahil ay mas mabuti nga 'yon para may alibi siya oras na imbestigahan ang pagkamatay ng asawa niya.

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon