Pandora 04: Touch of Death

689 52 0
                                    

ASEL JULES CARSON

Miss Pandora is a fucking psycho.

Hindi ko man siya kita sa footage na pinapakita niya sa amin, sapat na ang masaksihan namin lahat ng ginawa niya sa isa sa mga estudyante rito sa Academy. Sa gitna ng pagtulog namin nang napakahambing kagabi, may ganito na palang nangyayari.

Luminga ako sa paligid at tahimik lang na nagmamasid ang ilang mga estudyante na nakarating na rito sa grounds, maging si Catherine na nasa tabi ko lang ay walang imik. Tanging palahaw at pagmamakaawa lang ng babaeng nasa video ang naririnig mula sa pinapanood namin.

Kung titignan silang lahat, parang sanay na sila sa nakikita. Binalik ko ang tingin sa pinapalabas at sumakto ang pagliwanag ng madilim na kalangitan dahil sa kidlat, sa huling hininga ng babaeng pinarusahan ni Miss Pandora. Hindi ko mauwanaan kung bakit kailangan umabot pa sa ganoon ang pagpapahirap niya sa estudyante, ngayo't hindi na ito makatao.

"You're not that different, Jules."

Napapikit ako nang mariin at napalunok nang marinig ko na naman ang boses niya sa utak ko. Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko. Ever since I came into this academy, I felt something within me has awaken once again; that very thing that I forced myself to forget and bury in the past.

It's catching up to me, crawling from the grave that I imprisoned it, locked under my consciouness, along with the memories of my auld lang syne.

Ayokong imulat ang mga mata ko at baka makikita ko na naman siya. I can't lose my shit right now. Ang daming kong ginawa para lang makalimutan ang nangyari noon at patahimik ang mga boses—

"Jules," rinig kong tawag sa akin ni Catherine kaya napamulat ako agad ako. Naramdaman ko naman ang paghimas niya ng likod ko at ang pagbakas ng awa sa mga mata niya. "Masasanay ka rin."

No, Catherine. I don't deserve that pity. After all I did, I don't think I am still—

"Ganito ba talaga rito?" halos pabulong kong tanong, pilit na sinasara ang isipan ko sa patuloy nitong pag-iisip. "Si Miss Pandora ang may hawak ng buhay natin?"

"Oo," walang gatol niyang tugon. "You heard her, right? Isang espiya mula sa labas ang pinatay niya. Ganoon din ang trato niya kapag sumaway ka sa mga pinag-uutos niya rito. Simple lang naman ang gusto ni Miss Pandora. Absolute obedience."

I scoffed. "So, we're like some puppets being played by this psychotic puppeteer?"

"We still have our will as students," pagpapaliwanag niya. "We can be chaotic, unreasonable, and competitive all we want—She won't care, but..."

"But?"

Lumingon sa akin si Catherine at tinitigan ako diretso sa aking mga mata. "But if you tried to kill someone without prior orders, you're bound to die as well. Eye for an eye, tooth for a tooth, tit for a tat."

Kaya pala pinagsabihan niya ako agad kanina matapos ang mga pangyayari kanina sa banyo kasama 'yong tatlong babae. Catherine is just warning me of my forsaken future if I have let my desires took over me a while ago.

"Enjoying our little show? Huwag kayong mag-alala. Patikim pa lamang 'yan dahil magkakaroon tayo ng practical examination ngayong umaga!"

My emotions are haywire, and I cannot even process them right now. I didn't even finish my breakfast and now, this Pandora, after she made us watch that gruesome footage, she's making us do an exam?!

"Anong exam ito—"

Hindi na ako natapos sa sinasabi ko nang yumanig ang lupa. Hinawakan ni Catherine ang braso ko at napalingon ako sa kaniya para maghanap sana ng kasagutan, pero nasa iba ang tingin niya. I followed her gaze and gasped when a series of walls started to emerge from the solid ground until they were towering above us all.

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon