Pandora 07: Methods of Killing

717 58 3
                                    

ASEL JULES CARSON

"Finally..." sambit ko nang lumabas na si Catherine mula sa kwarto niya. I hate waiting for someone since I don't like my time to be wasted in such trivial matters, but Catherine insisted. Dinahilan niya pa na first day ko ito sa klase at wala pa akong alam sa building namin-na sa kasamaang palad, tama nga naman. Wala naman kasing ibang binigay 'yong matandang lalaki kung hindi dorm room number ko lang.

Kitang-kita sa maliit na bag ni Catherine ang umbok ng mga supot na laman non, at kahit sa paglalakad niya, bahagyang natunog pa ang mga balat ng mga iyon.

Sinalo ko ang sombrero ko na kanina ko pa pinaglalaruan at pinatong na 'yon sa ulo ko. Nauna na kong maglakad at nakasunod lang siya. Kumuha ako ng bubblegum at sinubo na 'yon sa bibig ko. Nalanghap ko kaagad ang lamig na hatid no'n dahil sa flavor no'ng mint.

"Kapag naubusan ka na ng bubblegum, sabihan mo ko. Hihingi tayong supplies," biglang saad ni Catherine habang nakasakay na kami ng elevator. Sinulyapan ko siya at ngumunguya na siya ng ensaymada.

"Kanino kumukuha ng supply?" tanong ko. Ngayon lang din ako napaisip kung bakit tila hindi nauubuusan ng pagkain ang matakaw na 'to.

"Sa front desk," maikli niyang tugon at lumunok muna bago dugtunan ang sinabi niya. "Provided ng Academy lahat ng kailangan at luho natin dito."

"Dahil hindi tayo pwede lumabas?" tanong ko na sinagutan niya naman ng tango.

As expected. Binanggit ng mga magulang ko na isang boarding school ang paaralang ito kaya hindi na ako nagulat na wala ngang paraan para makalabas, maliban nalang kung may okasyon.

However, Pandora's Academy is different. Simula nang dumating ako rito, wala akong ibang nakitang daang papalabas kung hindi 'yong gate na pinasukan ko rin nung una. Isa pa, malinaw sa buong byahe ko na nasa gitna ng kagubatan 'tong paaralan na ito. Ni hindi ko nga nasaulo ang lahat ng dinaanan sa sobrang dilim at sukal ng paligid.

Saka si Miss Pandora...monitored niya lahat ng mga nangyayari rito sa Academy. Kaya niya ring manipulahin at baguhin ang porma ng isang lugar dito katulad nung biglaan kaming kinulong sa grounds para gawin ang biglaang pagsusulit niya.

Wala talagang libre. Totoo nga't lahat ng kailangan at luho namin kayang mapunan ng paaralang ito, pero mayroong kapalit 'yon. Masyado kaming bantay-sarado sa lahat ng galaw namin, at oras na hindi kami umayon sa gusto ni Miss Pandora, kapalit no'n ay ang buhay namin.

"Dito sa building ng zone natin, walang kaso kung saan ka papasok. Pare-parehas lang naman ang tinuturo ng mga professors dito."

Bumalik ako sa reyalidad nang magsalita na sa tabi ko si Catherine. Nasa tapat na pala kami ng building namin. Sinundan ko lang siya habang umaakyat siya sa may hagdanan at hindi ko maiwasang mapansin ang dami ng estudyante na nakakasalubong namin at sa bawat palapag.

Kung titignan, parang normal na eskwelahan ang paligid ko ngayon. May mga classrooms at may mga estudyanteng pumapasok sa kani-kanilang klase. Muntik ko nang makalimutan kung anong klaseng lugar 'tong napasukan ko.

Paano kaya dinaraos ang lecture dito? Anong grading system? Papaano kami ina-assess? Written exams? O kaya naman, katulad ng kahapon na practical?

"Ngayong araw, papasok tayo kay Mr. Sandoval. Paborito ko ang professor na iyon at feeling ko, magugustuhan mo rin siya!"

Napaismid ako nang marinig ang sinabi ni Catherine. Wala kasi akong tiwala sa preference niya. She's twisted to the core, and so is her taste. People say that first impression doesn't last, pero kung sila naman ang nasa sapatos ko, alam kong hindi nila masasabi 'yon.

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon