Pandora 28: Thirst

449 39 4
                                    

Trigger Warning: Gore scenes ahead.

LYDIA

"Shh. Huwag kang malikot," sita ng isang dalaga sa lalaking nakahiga sa metal na higaan. Nakatali ang kaniyang mga kamay at paa sa bawat gilid nito gamit ang barbed wires. Basang-basa narin ang kaniyang mga pisngi sa halo-halong mga dugo at luha. Sa bawat pitlag at galaw nito ay siya ring natatamong sugat mula sa mga bumabaong wires sa kaniyang laman.

"Ayoko na! Itigil mo na ito!" bulalas niya. Sa saktong pagsigaw niya ay siya ring pag-agos ng dugo mula sa kaniyang katawan na may mga nakabukas na parte. Tila ba isa siyang keso na maraming butas at nakahanda upang igayat anumang oras.

"Please, kung sino ka man, maawa ka sa akin. Palayaain mo na ako," pagmamakaawa pa ng lalaki habang kasalalukuyang hinihiwaan pa ng babae ang kaniyang braso upang may ilagay na vial. "Pakiusap, ayoko na."

Dahil narindi na ang dalaga, inalis niya muna ang mga kamay niya sa katawan ng lalaki at pinakatitigan ang hubo't hubad na kalagayan nito, mula ulo hanggang paa. Kumunot ang kaniyang noo.

"Hindi ka ba nakakaintindi?" tanong nito habang nanlilisik ang mga mata. "Ayoko ng maingay habang gumagawa ako."

May sasabihin pa sana ang babae nang bigla itong may maisip. Gumuhit ang malapad na ngisi sa kaniyang mga labi at lumandas ang tingin sa laman na nasa gitna ng mga hita ng lalaki. Agad na naunawaan ng lalaki ang masamang balak ng dalaga at nagsisigaw na ito.

"Huwag! Huwag 'yan! Pakiusap!"

Hindi siya pinansin ng dalaga at sinadya pang bagalan ang paglalakad papunta sa pagitan ng gita ng lalaki, dahilan para tumaas ang mga balahibo nito. Pinaikot ng babae ang scalpel na hawak at tinignan ang lalaki diretso sa mga mata. Suot niya pa rin ang malaking ngisi sa mga labi niya.

"Remember, this is your fault," tila nanenermon pa nitong sambit at sinenyas ang ari ng lalaki. "Whatever happens to your little guy, it's on you. It's because you won't shut up."

Halos dumagundong ang mga palahaw ng kaawa-awang lalaki nang walang pasabing hiniwa ng dalaga ang kaniyang kalalakihan mula sa kaniya. Umagos ang dugo na para bang tubig papunta sa may metal na higaan at sa sahig, at gumapang ang sakit sa buong katawan niya.

"Ang ingay," inis na saad ng dalaga at pinakita ang kakahiwang parte ng katawan ng lalaki. "Do you really want this back?" panghahamon niya.

Tinignan siya ng lalaki nang matalim habang nanginginig ang buong katawan nito sa galit. "Demonyo ka! Demonyo ka! Demonyo ka--Ack!"

Hindi na natapos ang lalaki ang kaniyang sinasabi nang biglang isaksak ng babae ang pinutol niyang ari sa kaniya ring bunganga. Napaluha agad ang lalaki nang nilaliman pa ng babae ang pagkakabaon ng ari niya sa kaniyang lalamunan, dahilan para umumbok at tila puputok na ang harapan ng kaniyang leeg.

"Finally," natutuwang sambit ng babae. "Natahimik ka rin."

Bumalik na ang babae sa dati nitong ginagawa at tinahi na ang vial sa loob ng binuksan niyang laman kanina. Sinipat niya ang mga kinuha niyang balat at organs mula sa lalaki, at saka tinignan ang monitoring screen. Kitang-kita ang mahinang tibok ng puso ng lalaki.

Ngunit, dahil sa sobrang sakit at kawalaan ng dugo, nabawian narin ng buhay ang lalaki.

Inabot ng dalaga ang isang maliit na remote at tinutok ito sa direksyon kung saan niya nilagay ang vial kanina. Humigpit ang hawak niya sa mesa at kumurba ang isang ngiti nang nagkaroon ng kurba ang diretsong linya ng holter monitor.

"Come on, come on, come on..." Saglit na tumipa ito at pinanood niya lamang ang bawat pagbabago sa spectrum na pinapakita ng holter monitor. Sinulyapan ni Lydia ang lalaki at nagmulat ang mga mata nito at nagpapalit-palit ang kulay mula sa itim at pula.

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon