Pandora 33: Mirrors

398 35 3
                                    

ASEL JULES CARSON

"Wala ka bang balak kausapin si Marize?" salubong sa akin ni Karen pagkababa ko ng hagdanan. Inabot ko lamang ang sandwich na hawak niya at sinabayan siya papuntang kusina. 

Umiling ako. "Wala akong rason para kausapin siya."

Hindi sumagot si Karen pero nanatiling nakakunot lamang ang noo niya na para bang nalilito sa mga kinikilos ko. Tahimik lang kaming pumwesto sa may lamesa at naghanda ng mga inumin ngayong umagawa. 

"She'll forget everything that happened when she wakes up. Keep this secret between us, Lucinda."

Pinangako ko kay Pandora na hindi ko sasabihin kahit kanino ang nalaman ko nung nakaraan tungkol kay Marize; kahit pa kay Karen, na pinsan ko sa dugo at naging parte ng nakaraan ko. Mas mabuti naring ganito ang sitwasyon namin dahil hindi rin naman ako magaling magtago ng mga nalalaman ko. Ayokong ilagay ang sarili ko sa lugar kung saan pede akong pagtaksilan ng mga salita ko.

"Morning."

Parehas kaming napatingin ni Karen sa bungad ng kusina nang may biglang bumati rito. Nakita ko si Catherine na naka-pajamas pa at kinukusot-kusot ang mga mata. Nakayakap naman ang isang braso niya sa pagkain. 

"Kayo pa lang ba?" humihikab niyang sambit at umupo sa tapat namin. "Siguro pagod pa 'yong iba sa training kahapon."

Nagpatuloy lang kaming mag-almusal ni Karen at hindi pinansin ang mga sinabi ni Catherine. Bumusangot naman siya at palarong pinalo ang lamesa.

"Ghost ba ako? Wala manlang reaksyon?"

"We have nothing to say," mabilis kong sagot. "And we also don't care."

"So cold," pakantang sambit ni Catherine at umarte pa na niyayakap ang sarili. Agad din namang sumeryoso ang mukha niya at sumandal palapit sa akin. "Jules, hindi mo pa ba papansinin si Marize?"

Sumulyap ako kay Karen at nakita ko siyang nakatingin din sa akin. Bumuntong hininga ako at binalik ang tingin kay Catherine. "Why do people make a big deal out of this?"

"We're basically a team here. Hindi maganda kung may sama ng loob ang isa sa atin."

"Dude, that's bullshit." Tumaas ang kilay ko. "Bakit hindi mo iyan sabihin kina Lukas?"

Napaatras naman si Catherine dahil sa sinabi ko, pero agad din siyang bumawi at kumurap. "Lukas is a different thing. We can't negotiate with him at all."

"Look," saad ko at marahan siyang tinulak papalayo para umupo na siya ulit sa upuan niya. "Hindi ko kailangan ipaliwanag ang sarili ko at mas lalong hindi ko malaman kung bakit kailangang pag-usapan pa 'to. I still consider Marize as my colleague and that's enough."

"But Jules, she still feels guilty about what she did," pagrarason naman ni Catherine. Iniwas ko nalang ang tingin ko at umiling-iling.

"I ate her peace offering, right?" I pointed out. "There's nothing for her to worry about."

"Well, she doesn't remember anything about that night when she gave you her peace offering."

Of course, Marize won't remember a thing. My sister drugged her to make her forget everything she heard. 

I scoffed. "That's not my problem anymore."

***

"All of you did a great job today," pagbati sa amin ni Pandora nang makabalik na kami sa Quadrangle. Umupo lang ako sa may sahig at pinatong ang braso ko sa hita ko, habang ang isa ko namang kamay ang nagpupunas ng pawis ko. Kararating lang din ng iba mula sa pagtakbo ng ilang laps sa field. Bumuntong hininga lang ako at hinayaang lumamig ang katawan ko.

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon