Pandora 12: Apprentice

565 47 1
                                    

ASEL JULES CARSON

"Sigurado ka bang kaya mo na?" tanong sa akin ni Marize habang naghahanda kami paalis. Tumango lang ako at iniwas ang katawan ko sa nakaambang niyang kamay. Muntik pa niya akong hawakan.

"I'm fine," halos pabulong kong sambit kahit hilong-hilo na ako sa antok. Napansin 'yon ni Marize at akmang hahawakan pa ako nang sinamaan ko na siya nang tingin. "You heard me the first time, right?"

"Jules..." Tumingin muna siya kina Catherine at Karen na nagtatalo kung saang daan kami pupunta ngayong umaga. Binalik niya rin ang mga mata sa akin at nakita ko siyang bumuntong hininga.

"Jules, alam kong hindi ko pa 'to nasasabi sa 'yo, pero gusto ko sanang magpasalamat sa pagtulong sa akin noong..." Napatigil siya at nag-isip ng tamang salita. Naramdaman ko pa ang paglandas ng mga tingin niya sa kamay ko at mahina siyang napasinghap.

Inangat niya ang ulit ang tingin sa akin. "...noong nag-break down ako."

Umiwas ako ng tingin at pasimpleng tinago sa bulsa ng vest ko ang kamay ko. "Don't thank me. It's nothing," tugon ko. Umiling siya.

"No, Jules. I—"

"Huwag ka ngang makulit!" halos pasigaw kong sambit kaya napalingon na sina Catherine at Karen sa direksyon namin. Naramdaman ko ang pagpunta sa amin ng dalawang iyon kaya mabilis akong lumapit kay Marize at nagsalita sa mukha niya.

"You owe me nothing, alright? Let's just get out of this damn labyrinth and finish this," usal ko.

"Pero Jules, hindi ka pa nga natutulog," pagdadahilan ni Marize. Lumayo na ako sa kaniya at umayos na ng tayo. Umikot agad ang paligid sa paggalaw ko pero kinurap-kurap ko lamang ang mga mata ko at pinilit na palinawin ang tingin ko.

"I'm fine," saad ko at tumingin kina Catherine at Karen. "Kamusta? Saan tayo?"

Inangat ni Karen ang device na hawak-hawak niya kahapon. Pinindot niya ang gilid no'n at biglang umilaw ang screen kahit cracked na. Umangat ang sulok ng labi ko.

"You fixed it, huh?"

Tumango si Karen. "I had all night to fix it."

"Dapat lang," pagtataray ni Catherine at tinuro na 'yong daang pakaliwa. "Doon tayo."

Wala na kaming inaksaya na oras at nagsimula na ulit landasin ang daan palabas ng Labyrinth. Dahil ayos na ulit 'yong device ni Karen, siya na ang nangunguna habang nakatutok sa screen ng hawak niya. Sumunod sa kaniya si Catherine na kain nang kain at saka si Marize na nakahanda lang ang pamaypay anuman ang dumating na sakuna. Ramdam ko ang pagsulyap nito sa akin dahil ako ang nasa hulihan, pero mas pinili niyang huwag nalang magsalita pa.

Napabuga ako ng hangin. Naiintindihan ko naman kung saan nanggagaling si Marize. I know it's a bit doubtful to think that she's worried, but it's more logical to think that maybe, she wanted me to rest, so I won't be a burden to the team. Hindi nga naman maganda na magkaroon ng unstable na kagrupo, dahil baka ako pa ang maging dahilan ng pagkabagsak nila.

Pero hindi ako pwedeng makatulog kahit gustuhin ko, kaya nga kahit ako ang may pinakamalalang injury kahapon, pinilit ko na ako ang magbantay sa amin buong gabi. I would not dare remove my contact lens in this place. I'd sacrifice everything, even my sleep, just to keep these cursed eyes from public. I don't trust anyone here, not even Catherine or Marize.

At dahil alam ko rin na pinapanood ang bawat galaw namin ngayon, dagdag patunay lamang 'yon na tama ang ginawa ko.

Napatingin ako sa mga palad ko nang makita ang mga markang naiwan ko kagabi. Bakas pa roon ang mga sugat na nagawa ng mga kuko buong gabi. Kahit ako ang nagpresinta at naglagay ng sarili ko sa ganoong sitwasyon, tao pa rin ako at nakararamdam ng antok.

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon