Pandora 24: Life Recall

401 36 0
                                    

LEO

"Paano ako makakapunta sa Underground Arena? Bakit ba siya andoon?" sunod-sunod na tanong ni Leo at hinugot ang swero na nakasaksak sa kamay. Hindi siya mapakali ngayo't alam niya na maaring magdulot ng panganib sa isa't-isa ang dalawang taong nasa isipan ninya ngayon.

Pinilig niya ang ulo niya sa direksyon ng naabutan niyang kasama ni Jules at at seryoso itong tinignan. "I need to talk to her, Catherine."

Napaiwas ng tingin si Catherine. "Si Pandora ang nagpatawag sa kaniya roon. Wala kaming magagawa para matulungan ka. Bakit? Alam niyo po ba kung anong nangyayari?"

"Shit..." usal ni Leo at napayukom ng mga kamao. "If I don't get to her now, Pandora will be making a grave mistake."

Napakunot ang noo ng doktor na kasama nila. "What mistake? Is this one of your lame jokes, Leo?"

"I don't have time for jokes, Phyton!" pagtawag ni Leo sa apilyido ni Dr. Charles, isang banta na hindi talaga siya nagbibiro. "The Academy is bound to fall apart soon. I need to get to Jules to prevent it!"

"Bakit?" biglang singit ni Catherine. "Anong kinalaman ni Jules sa kapalaran ng eskwelahang ito?"

"Hmm, that kid's problematic, but I didn't know she would get this far," pagdugtong pa ni Dr. Charles na tila nakikipagbiruan pa rin.

Nagkiskisan ang mga ngipin ni Leo sa isa't-isa sa sobrang inis. "Listen...Jules doesn't know who she really is. If something happens to her, then..."

"Then what?" tanong ni Catherine. "Anong mangyayari sa ating lahat, Leo?"

Ibubuka pa lamang ni Leo ang kaniyang bibig nang may bigla siyang maamoy na kakaibang bagay. Nanlaki ang mga mata niya at naghanap kaagad ng tela upang maharangan ang kaniyang ilong at bibig.

"Ano 'yon? Ang tamis ng amoy..." bulalas ni Catherine na para bang nawawala sa sarili. Akmang kukuha pa lamang si Leo nang ipangtatabing sa mukha ni Catherine nang biglang sumulpot si Dr. Charles na may suot nang gas mask. Binigyan ng doktor si Catherine at binato naman ang isa pa sa direksyon ni Leo.

Humugot ng hininga si Leo nang maari nang makahinga nang maluwag. "This isn't good."

"Yeah, it's not..." Medyo hilo pang sambit ni Catherine at nakahawak sa isa sa mga metal ng kama upang may suporta sa pagtayo. "Ano na bang nangyayari?"

"There's poison in the air, Catherine," sagot ni Dr. Charles at halata ang takot sa boses nito. "Hindi ko alam kung paano nangyari ito sa Academy pero kung mae-expose pa tayo nang mahigit limang minuto, ikamamatay na natin 'to."

"Ano?!" bulalas ni Catherine at biglang napatayo ng tuwid. "Hindi ako pede magtagal pa rito. Kailangan kong sabihan ang iba!"

"Wait!" sigaw ni Leo at binangga kay Catherine ang isang sako. "You can't save anyone if you don't even have the means to protect them."

Hindi na nag-atubilin pang kuhanin ni Catherine ang mga gas mask at wala nang pasabing lumabas ng Infirmary. Naiwan si Leo at si Dr. Charles sa loob.

"Tell me, Leo," sambit ni Dr. Charles. "Sino ba talaga si Jules?"

"Bago ko sagutin ang tanong mo, may gusto muna akong malaman," pagpuputol ni Leo. Tumingin siya kay Dr. Charles. "Pag isa sa mga pasyente mo ang nawalan ng mga memorya nung mga bata pa sila, tapos isang araw, habang namumuhay sila nang maayos, bumalik na lamang ang mga 'yon. Anong mangyayari?"

"Depende," pagkibit-balikat ng doktor. "Kung masaya ang mga 'yon at makatutulong sa pagkumpleto ng pagkatao niya, mas makabubuti na matandaan niya ang mga 'yon."

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon