Pandora 35: Warning

433 34 0
                                    

LEO

"What is going on?!" Hindi napigilan ni Leo ang pagtaas ng kaniyang boses nang biglang mawala ang koneksyon ng mga kamera sa may labyrinth. Ang huli na lamang niyang nakita ay ang paghiwalay ni Jules mula sa grupo at takot sa mga mukha nina Marize at Lukas tungo sa mga kriminal.

"Come on!" Tinangka pa ni Leo tumipa sa mga pyesa subalit hindi pa rin kumonekta ang sistema nila sa loob. Lumingon siya kay Pandora at nakita na tahimik lang ito sa isang tabi.

Sinipa ni Leo ang upuang malapit sa kaniya sa sobrang inis. "You are fooled, Pandora!" bulalas niya at hinampas ang lamesa. "Pinlano 'to lahat ni Lydia! Kaya niya pinaalam sa 'yo na sasali siya sa War Auction dahil alam niyang hahabulin mo siya kahit anong mangyari. She took advantage of that and froze all your accounts, giving you no choice but to make use of those disgusting criminals! I won't be suprised if Lydia planted a spy among them una palang!"

Napasabunot si Leo sa kaniyang buhok at hinarap ang walang imik pa rin na si Pandora. "Wala ka manlang bang sasabihin? Hindi mo pa ba uutusan ang mga tauhan mo na tulungan sila? Kasi kung hindi, ako na mismo ang pupunta---"

"Will you sit down, Sherlock?" singhal ni Pandora, dahilan para mapatigil si Leo. "I won't let my twin sister dig my own grave again."

"So, what are you saying?" Kinuha ni Leo ang upuang kaninang sinipa niya at umupo sa tapat ni Pandora. "Do you have a plan?"

Tumango si Pandora at ngumisi. "Yes, and this will lead us to Lydia much quicker than I thought."

Hindi na nakasagot si Leo nang mapansin niya ang biglaang pagbalik ng mga imahe mula sa monitor. Nakita niya ang pigura ng nakaabang kay Jules at ang biglaan nitong pagtakip sa mukha nito. Tinangka pa ni Jules na manlaban at nagawa niya pang nakatakas, subalit dahil narin sa dala ng droga, mabilis siyang sinako ng kalaban at hinila palayo sa Labyrinth.

Kumunot ang noo Leo at nawala bigla ang kulay sa mukha nang may mapagtanto. "I-Is this also part of your plan?" Pinilig niya ang ulo at nakitang blangko lamang ang mukha ni Pandora. "Alam ba ni Jules ang lahat ng 'to?"

"Yes and no," mabilis na sagot ni Pandora at nagbuhos na lamang ng alak sa kaniyang baso. "But don't worry about it. I know that my little sister can handle it."

"Maybe Jules is right," sabat ni Leo. "You are an awful person."

Ininom ni Pandora ang hawak na alak at napapikit pa nang gumuhit ang likwido sa kaniyang lalamunan. Agad namang lumapit si Leo sa kaniya at kinulong siya sa may lamesa, nakapatong ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ni Pandora. "Why the hell are you acting like this?"

Tinaas ni Pandora ang tingin niya kay Leo at binaba ang baso nang hindi manlang pinuputol ang titig nilang dalawa.

"I thought you trust me," mahinang usal niya at kinapa ang pisngi ni Leo. "Why don't you feel the same anymore?"

Tumaas ang kilay ni Leo sa sinabi ni Pandora. Tila ba nakikipaglaro pa ito sa kaniya. "You know I am not a fan of your mind games, Pandora."

"Well, you should be." Tumipa si Pandora sa pinakamalapit na kompyuter at biglang lumabas sa malaking screen ang isang mapa at ang kumukurap na kulay pulang ilaw. 

"This is..." gulantang na saad ni Leo at bigla na lamang lumayo. Binunot niya ang kaniyang telepono at nagsimula nang tumawag sa kaniyang mga yunit. Binalik niya ang tingin kay Pandora at nakita itong nakangisi.

"It's finally time to have that sweet reunion."

***

ASEL JULES CARSON

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon