Pandora 06: Legendary

668 51 5
                                    

ASEL JULES CARSON

"What do you want from me?" usal ko at inangat ang ulo ko para salubungin ang tingin niya, pinapakitang hindi ako natitinag kahit may kutsilyong nakaabang pa sa leeg ko.

"I can't tell it here," sagot niya, suot-suot pa rin ang isang ngisi tulad nung una kaming magkita.

"Then..."Mabilis na hinawakan ang braso niya at sinadyang binabaon ang mga kuko ko sa balat niya. "Fuck off."

I saw him gritted his while enduring the pain. Diniin niya lang lalo ang kutsilyo sa leeg ko at napadaing ako nang masagutan na ako ng patalim no'n. "Wala ka sa posisyon para sabihin sa 'kin iyan."

Tumaas ang kilay ko at hindi pa rin siya binitawan. "You're the one to talk. That's now how you request somebody to come with you, asshole."

Pinabigat ko ang ulo ko at binangga 'yon sa dibdib niya habang nakahawak pa rin ako sa kaniya. Nang mapaatras siya ay buong lakas kong inangat ang mga paa ko at umikot, dahilan para mapilipit ang kamay niya at mabitawan ang kutsilyo. Bumagsak ang mga binti ko sa balikat niya at parehas kaming bumagsak sa sahig, dahilan para tumabingi ang kama. Tila may daan-daang kutsilyo ang tumarak sa katawan ko nang maramdaman ko ang sakit na hatid sa akin ng biglaan kong paggalaw.

But I have no choice. This guy doesn't care even if I'm bedridden. Ramdam ko naman na wala siyang balak tigilan ako mula nang magkita kami.

Kinulong ko ang leeg niya gamit ang mga binti ko at sinakal siya gamit ang laman ko. Napatingin siya sa kutsilyong nasa tabi niya at akmang aabutin pa 'yon nang madalian ko 'yong danggilin at ipadulas sa sahig upang mapalayo sa aming dalawa.

Mabigat ang paghinga ko nang gigil ko siyang tinignan. "You're such a nuisance, Sebastian."

"Let...go..." Nahihirapan niyang sambit habang sinesenyas ang mga binti kong nakapulupot sa kaniya. Hinigpitan ko lang lalo ang pagkakasakal sa kaniya at nagsimula niya na akong palu-paluin kahit na wala naman 'yon nagagawan para maisalba ang sarili niya.

"I..can't...breathe!"

Pinanood ko pa siya nang ilang segundo nang ganoon ang kaniyang sitwasyon. He was not like this when we were fighting earlier. Para bang sinasadya niyang saktan ko siya at pahirapan.

Is he a masochist? Napailing-iling nalang ako at pinakawalan na siya. Inayos ko ang shades kong suot-suot at umakyat ulit ako sa higaan habang rinig ko ang paghabol niya ng kaniyang hininga.

"Bakit ka andito?" seryoso kong tanong.

Narinig ko paghugot niya ng isa pang malakas na hininga at saka tumingin sa akin. "I'm just checking on you."

Napairap ako at pinakita sa reaksyon ko ang pagkasuklam sa sinabi niya. "Stop lying."

"But it's the truth!" bulalas niya at sumandal na sa may higaan ko. Malaki ang pagkakamulat ng mga mata niya na para bang kinukumbinsi akong paniwalaan siya. "I was worried. Alam kong nilalagnat ka kanina bago tayo maglaban."

"How did you even know—" Naputol ang sasabihin ko nang matandaan ang una niyang ginawa nung magkita kami. He played the ends of my hair and even crawled his fingers at the back of my neck; of course, he would feel my heat.

"See? Ikaw lang naman kasi makulit."

"Shut up, I don't even know I have a fever," pagrarason ko dahil totoo naman. Now everything makes sense why I can see Lucy as clear as the day. She doesn't really bother me whenever I'm with someone else. My brain is just a mess that's why I saw her.

"Kamusta na ba ang pakiramdam mo?"

Disgusting. Ito lang ang iniisip ko nang marinig ang pag-aalala sa boses ni Sebastian.

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon