Pandora 10: Labyrinth

686 45 1
                                    

ASEL JULES CARSON

Habang hawak-hawak ang kape paglabas ng cafeteria, nagpamulsa ako at hinubad muna ang sombrero ko. Dumiretso ako sa isang tabi at sumandal sa pader, at saka ininom ang kape. Nagmasid lang ako sa malawak na field na katapat ng Caferia at nagmunimuni. Maraming mga estudyanteng dumadaan sa harapan ko at ramdam ko ang mga tinatapon nilang tingin sa akin, pero sa tuwing magtatama ang paningin namin, sila rin ang nauunang umiwas ng kanilang mga mata. I saw fear in them.

Umangat lang ang usok ng labi ko at ininom ulit ang kape ko. Nothing beats the feeling when you drink coffee. Parang bawat higop, nakakapagpahinga ang utak ko. It's been weeks since I got here in the Academy, and there wasn't a moment that I cannot let my guard down. It's draining, really, but I'm getting used to it.

After all, I need to do anything to survive in this shit hole.

"My dear students, may I have your attention, please?"

Saktong sinaid ko na ang huling higop ko ng aking kape nang magsalita si Pandora sa speakers. Binato ko kaagad ang papercup ko sa malapit na basurahan at sinuot na ang sombrero ko. Katulad ko, napatigil din ang mga estudyante sa lahat ng mga ginagawa nila, at maging ang mga nakain sa loob ng cafeteria ay nagsilabasan narin at iniwan na ang kanilang mga kinakain.

"We are finally given the opportunity to showcase your talents to your future patrons. Kindly proceed to the Labyrinth within 15 minutes."

Kinapa ko ang balisong na nasa bulsa ng pantalon ko at sumakay na sa isa sa mga bisikletang nakaparada sa tabi. Sinuot ko ang sombrero ko at nagsimula nang magpedal. May ibang mga estudyante na kagaya ko ang ginawa para mas mabilis, pero ang iba ay mas piniling tumakbo nalang din. Walang ibang maririnig sa paligid kung hindi ang mga yabag ng estudyante na tila mga langgam na nagmamartsa tungo sa kapahamakan.

Labyrinth.

Catherine oriented me about the Labyrinth at my first week in this Academy. Nabanggit din kasi siya sa history class namin, at kahit hindi ako nakikinig most of the times, isa ang Labyrinth sa mga tumatak sa isipan ko. It's not because I find that place interesting, but because I know that one of these days, Pandora will use it to one of her activities.

And I am not wrong.

Dahil sa pagdating sa Labyrinth, may malaking counter ang nakalagay sa langit at ilang segundo nalang ang natitira para makahabol ang iba. Pinilig ko ang ulo ko pakanan at lumingon sa likuran ko upang makita ang mga huling makakarating. Tila ang tunog ng counter na lamang ang natira nang halos magkaroon na ng stampede sa dami ng estudyante na gustong makapunta sa lupang kinaroroonan namin.

Time's up.

Kaso nga lang, hindi lahat ay nagawang makaabot pa. Nagsimulang umugong ang lupa at nagsilabasan ang nagtataasang salamin na parang kinukulong kami sa loob ng Labyrinth. Binalik ko ang tingin ko sa bungad at malinaw na nasilayan ko kung paano mapintahan ng pula ang salamin na namamagitan sa mga nakaabot at sa mga nahuli.

Ano nga bang mas maganda? Ang makulong dito sa loob na walang kamalay-malay kung anong balak ipagawa ni Pandora, o manatiling malaya sa labas at makipagsayawan kay Kamatayan?

Nanatiling nakadikit ang mga mata ko sa mga nangyayari sa labas. Kahit hindi ko rinig ang mga nangyayari, tila gumawa ng sariling tunog ang utak ko at narinig ko ang kanilang mga palahaw. May mga nagtangkang pang makipaglaban sa mga tauhan ni Pandora na nakasuot ng pang-circus, pero sa bandang huli, wala rin silang magawa kung hindi maging biktima ng mga patalim na hawak ng mga 'yon.

"Welcome to the Labyrinth! Now that all of you are here, kindly group yourselves into four."

"Jules!" Napalingon ako sa direksyon ng boses na tumawag sa akin at nakita sina Catherine at Marize. "Let's team up!"

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon