Pandora 32: Clone

377 37 2
                                    

ASEL JULES CARSON

"We never had the chance to fight each other, right?" Pinaglaruan ko ang punyal ko sa mga daliri ko at nagpamulsa. "Para tayong may unspoken rule na hindi dapat tayo magtuos kailanman."

"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo." Seryoso lamang akong tinignan ni Marize habang pinaiikutan niya ako. "Sa tingin ko, magandang pagkakataon din ito para sukatin ang kakayahan ko at ipamukha sa 'yo ang pagitan nating dalawa."  Kumunot ang noo ni Marize at nagkaroon ang ekspresyon ang mukha niya na ngayon ko lamang yata nakita.

Inggit.

Napaismid ako at kaswal na tinuro sa kaniya ang dulo ng punyal ko. Tinagilid ko ang ulo ko. "It's unlikely to see that expression in your face. Is that your true colors, Marize? Is that why you're the Serpent's Sin of Envy?"

"Well, maybe that is the case," makabuluhan niyang tugon at hinimas ang pamaypay niya. Inangat niya ang tingin niya sa akin at ngumiti na parang may binabalak. "I'm so salty that I needed to use this."

Tutugon pa lamang ako sa pakikipagtalastasan niya nang bigla akong manigas sa pwesto ko at nanatiling nakamasid sa kaniya. Tila naging mabagal ang oras at nakita ko kung paano siya umikot sa kaniyang pwesto at winasiwas ang kaniyang pamaypay na parang sumasayaw. Subalit, wala na akong nagawa nang mapagtanto ang mga sunod na nangyari.

Mga karayom.

Daan-daang karayom ang lumabas sa isang malaking wasiwas niya na 'yon!

Hindi ko nagawang makaiwas sa atake at ang tanging nagawa ko lamang ay tumayo sa pwesto ko at hayaang maglakbay ang isipan ko.

Ni wala manlang akong maramdamang sakit mula sa mga natamo kong sugat. Napaluhod ako at tanging panginginig lamang ng katawan ko at ang bilis ng tibok ng puso ko ang naririnig ko. Nabitawan ko ang punyal ko at sinamaan siya ng tingin. 

Sa pagkakataong ito, siya naman ang may matamis na ngiti.

"Ano nga ulit 'yong sabi mo? 'You''ll make sure to enjoy this fight?' Oh well, Jules. Sorry to burst your bubble, but that won't happen today."

I did not dare speak back. Pakiramdam ko sa oras na may tumakas na isang salita sa bibig ko, mas lalo ko lamang pinapakita sa kaniya na tama ang paraang pinili niya para kalabanin ako.

Kahit mabigat ang aking paghinga, pilit kong tinayo ang sarili ko at ininda ang imahe ng mga karayom na nasa harapan ko. Sa saktong pagtayo ko sa aking mga paa ay siya ring pag-ikot ng paningin ko. Napasapo ako ng aking ulo at napahakbang paatras.

"Oh! I also know that you're immuned to poison, pero hindi naman ibigsabihin no'n, wala na 'yong epekto sa 'yo. I just needed you to stagger and...."

Hindi ko na narinig ang sinabi niya dahil bigla na lamang siyang nawala sa harapan ko. Agad ko namang naramdaman ang presensya niya sa likuran ko kaya pinihit ko ang mga paa ko papunta roon...upang makita lamang ang mga mata ng mga taong nanonood sa amin ngayon sa arena.

Mga itim na pigurang may puting mapanghusgang mga mata.

"It's not too late to accept your defeat, Jules."

Tumayo ang balahibo ko nang marinig ang boses ni Marize sa gilid ko. Humarap agad ako roon at mabilis na binatuhan siya ng suntok, subalit mabilis niya lamang 'yong nasalo. Sinara niya ang pamaypay sa kabilang kamay at pinilipit ang braso ko.

"Unlike you, I don't go into fight without knowing my enemy's background," usal niya at hinatak ako papalapit sa kaniya habang mas humihigpit ang pagpilit niya sa laman ko. Wala na akong nagawa kung hindi mapahiyaw sa sakit. "I find it comforting that people have weaknesses that I can take advantage of. It makes me feel...safe."

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon