Pandora 26: Ghost of Torment

513 42 6
                                    

Trigger warning: Violence, Self-harm.

LEO

"Kamusta ang kalagayan niya?" tanong ni Leo kay Dr. Charles matapos nitong lumabas mula sa cubicle ng pasyente niyang si Jules. Bumuntong hininga siya.

"Her condition is stable. Mabuti at naagapan natin ang mga natamo niyang tama bago pa siya maubusan ng dugo. We just need to wait for her to wake up." Nagsalubong ang kilay ng doktor at hinarap ang nag-aalalang lider ng Celestia. "Pero wala ka bang napapansing kakaiba?"

Tumaas ang kilay ni Leo at nagkrus ang mga kamay. "Oo, tanga-tanga pala si Pandora."

"Not that one!" bulalas ng doktor at tinuro ang cubicle ni Jules. "Mahimbing ang tulog ng isang 'yon kahit wala siyang suot na gas mask! Samantalang tayo, suot-suot pa rin ang mga ito."

Hindi manlang dumaan ang pagkalito sa berdeng mga mata ni Leo. "That's expected."

"What do you mean?"

Inangat ni Leo ang kaniyang paningin at sinalubong ang mga titig ng doktor. "Hindi ba't mula ka dati sa Inventium Corporation?"

Tumango si Dr. Charles. "Yes, until Ms. Pandora saved me from that hellish place."

Napabuga ng hangin si Leo sa narinig. "May kilala ka bang may pangalan na Creedlaine F. Murray?"

"That person..." Napatingin sa malayo ang doktor na tila ba'y may inaalala. "I think she's one of the researchers assigned to our laboratory's restricted area. What about her?"

"Wala ka bang alam tungkol sa kaniya? Kung anong tinatrabaho niya?"

Napaismid si Dr. Charles. "Considering how shady our corporation is, I doubt if it's a good and noble thing."

Suminghal si Leo. "That is now what I am asking, Phyton."

"Fine." Bumuga ang doktor ng hangin. "As far as I can remember, Ms. Creed is assigned to the special test subject that the head is working on. I'm just not sure what that test subject is."

"Name..." Hinablot bigla ni Leo ang braso ng doktor. "Anong pangalan ng head ninyo?"

Sandaling napatigil si Dr. Charles habang nakakunot ang noo. "I..I didn't know. I just now her by the name Professor Gwen."

"Lydia Gwen Verlice..." mahinang sambit ni Leo, dahilan para hindi siya marinig pa ng doktor. "That's Pandora's older sister. The only sister who didn't receive Pandora's gift."

"What is going on?" naguguluhang usal ng doktor nang makita si Leo na lumilinga na sa paligid na parang may hinahanap. Tumigil ang tingin ni Leo sa desk ng doktor.

"Hiramin ko muna 'to," sambit ni Leo at umupo na sa tapat ng monitor. Nagsimula nang tumipa ang mabibilis niyang daliri. Pumwesto lang sa gilid niya ang doktor.

Nagkaroon ng isang asul na mensahe ang itim na screen.

"Accessing Shadow Unit's database...."

"Access accepted."

"Great," usal ni Leo at tumipa muli. Bagamat sari-saring karakter na walang kabuluhan ang lumabas sa screen, hindi pa rin mabura ang ngisi sa labi ni Leo na tila nauunawaan niya ang mga 'yon. Ilang sandali pa lamang ay nakapunta na siya sa isang restricted folder na may pangalang Inventium Corporation.

"Anong binabalak mong gawin?" bulalas ng doktor nang makita ang tinatangka ng kasamahan. "Pinagbawalan tayo ni Pandora na buksan ang folder na iyan."

"Listen, Phyton. Pandora is unstable right now. I need to know what happened years ago to understand and plan our next move. We cannot fight someone if we don't even know what kind of person they are."

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon