Pandora 17: Suspicion

464 35 1
                                    

ASEL JULES CARSON

"Leo," tawag ko sa master ko bago ako pumasok muli ng gate ng Academy. Mula nang umalis kami kanina sa tinirhan naming nang ilang buwan, hindi siya kumikibo at parang may malalim siyang iniisip. Ilang beses ko ring sinubukang ibuka ang bibig ko para ilabas siya sa roon, pero hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Alam kong wala rin siyang balak sagutin anuman ang itanong ko.

Pero kahit na ganoon, kailangan ko pa ring makausap siya bago kami maghiwalay. Malaki rin naman ang naitulong niya sa akin sa mga nakaraang buwan, at dahil hindi ako sigurado kung magkikita pa kami sa hinaharap, mabuti nang gamitin ko na ang pagkakataong 'to upang mamaalam.

Huminga ako nang malalim at pinagpatuloy na ang sasabihin ko. "Leo, alam kong hindi naging maganda ang lagay natin nitong mga nakaraang linggo magmula nung nangyari sa una kong misyon, pero gusto ko lang din sabihin na malaki ang naitulong mo sa akin. I want to say this as our goodbye. I entered this Academy as my old, naïve, and unstable self, but under your training, I think it's now easier for me to adapt in this environment thanks to your guidance."

Napahigpit ako sa pagkakahawak ko sa mga kamay ko. "Hindi mo alam kung gaano kalaki ang epekto sa akin ng kinahinatnan namin ni Creed, pero alam ko na kumpara noon, mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon."

Inangat ko ang paningin ko at sinalubong ang mga titig ni Leo. Wala mang gaanong buhay ang boses ko, nais ko pa ring maparating ang nararamdaman ko sa kaniya.

"Maraming salamat sa lahat."

Ilang segundong natahimik si Leo sa mga sinabi ko sa kaniya. Nag-intay din ako, pero hindi ako sigurado kung kakausapin niya pa ba ako kaya mas pinili ko nalang na hilahin ang bagahe ko, at pihitin ang mga paa ko tungo sa gate. Akmang hahakbang pa lamang ako nang bigla siyang magsalita.

"I think that's the longest speech I have heard from you."

Lumingon ako pabalik at nawala na ang biro sa labi niya. Naging isang linya 'yon at sumeryoso na ulit ang kaniyang mukha.

"I saw you, Jules."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya, at may hula ako kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Napangiwi ako. Kaya naman pala nagbagong bigla ang trato niya at hindi na ako halos kausapin.

Humarap ako muli sa kaniya at nagkibit-balikat. "I see."

"Jules...I..." Tila hindi niya mahanap ang salita niya ngayong kausap ako. Hindi niya rin ako matitigan nang diretso sa mga mata ko. Napailing-iling na lamang ako.

"Look, I understand if you think I'm a freak. Don't need to sugarcoat the words."

"That's not what I meant."

Tumaas naman ang kilay ko sa reaksyon niya at may sasabihin pa dapat nang bigla niya akong pinutol.

"Walang mata si Pandora sa tinirhan natin nang ilang buwan, Jules. 'Yong nakita kong nakikipag-usap ka sa sarili mo? Hindi niya 'yon alam." Napakurap ako nang marinig ang sambitin niya at mas lalo lamang nalito, dahil hindi ko mawari kung bakit 'yon importante pa.

"But I reported that you are able to read the content of the scroll, and if what I'm thinking is true, then..."

"Then, what?"

Napabuga siya ng hangin at tinitigan ako diretso sa mga mata ko, tila ba nagsasabi na dapat kong pakinggan ang mga susunod niyang sasabihin.

"It's only a hunch, but now that you're the only one who can read the scroll, Pandora may take interest in you. I don't really know who you are or what connection do you have with Pandora—"

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon