ASEL JULES CARSON
Why do I have these jitters?
Malaki ang ngisi ng kalaban ko ngayong nasa gitna na kami ng lahat. Hindi manlang niya pinutol ang titig nang ibaba niya ang hawak niyang espada para sumunod sa conditions ng exam. Binuksan niya rin ang suot-suot niyang vest hanggang kalahati, dahilan para masilip ko ang pawisan niyang dibdib at taas ng kaniyang tiyan.
Pinadulas niya ang mga daliri niya sa medyo may kabahaan niyang itim na buhok. "Hindi ka ba naiinitan?"
My face deadpanned. Bakit ba kasi sa lahat-lahat ng mabubunot kong kalabanin, itong asungot na ito pa?
Simple akong napasulyap sa pwesto naming nina Catherine at Marize at maging sila ay halatang dismayado rin at naawa sa kamalasan ko. Pinatunog ko ang dila ko at binalik ang tingin sa lalaking kaharap ko.
Isn't this a bad matchup too? Sebastian Castillo is one of the royals, and he's the Goat Sin of Lust from Seven Deadly Sins, and with these in mind, he's way ahead of me. Anong laban ko rito sa lalaking ito? Kahapon lang ako nakarating dito at may bumabagabag pa sa isip ko ngayon. I'm not at my best state, at hindi rin naman ako sigurado kung makakaya ko ngang malagpasan 'tong hamon na ito kahit nasa katinuaan pa ako.
I'm a newbie here and compared to these people who surround me right now, I'm like a deer in the middle of the forest, waiting for my predator to chase me down and rip my throat. I'm not even exaggerating at this point. This academy has witnessed bloodshed and they merely saw it as a part of their curriculum—it's their norm already.
Napahawak ako sa sombrero ko at bumuga ng hangin, kasabay ng pag-ikot ng hudyat na magsisimula na ang pagsusulit.
"Practical Examination starts now!"
Tinignan ko si Sebastian at kalmado lang siya habang pinagmamasdan ako gamit ang tuso niyang mga mata. Hinanda ko na lamang ang sarili ko at mas piniling harapin ang taong nasa harapan ko ngayon.
I have never turned down a challenge, and Sebastian is just one of them.
"I surrender."
Everyone gasped, including me, when I heard Sebastian's voice. Walang nagbago sa ekspresyon niya at parang nang-aasar pa siya nang ulitin niya ang mga katagang, "I surrender."
Napayukom ako ng aking mga kamao habang magkasalubong ang kilay. Ano itong naririnig ko? Bakit niya 'yon sinabi? Dahil ba tingin niya, wala akong ibabatbat sa kaniya?
I don't know why, but the mere idea of underestimating me in front of this crowd is damn humiliating for me.
Kusang gumalaw ang mga paa ko at dinambahan siya agad ng suntok. Tulad ng inaasahan ay nasalo niya agad ang kamao ko at nagkaharap ang mga mukha namin.
I gritted my teeth. "Why?" singhal ko. "I can fight you just fine!"
Habang hindi niya binibitawan ang kamay ko, inikot niya ang isang braso niya sa bewang ko at pinagdikit kami na para bang kami ay nasa entablado't sasayaw. Tinignan niya ako diretso sa aking mga mata.
"I appreciate your enthusiasm but my answer is no, Asel," bulong niya sa mukha ko. Napatiim ang bagang ko at walang pasabing tinapakan ang paa niya. Agad naman siyang napabitaw kaya kinuha ang ko ang pagkakataon at pinaulanan siya ng suntok sa sikmura niya. Matigas ang nilalapatan ng mga kamao ko pero pinilit ko ang sarili ko at napaatras ko siya.
"Don't underestimate me, Sebastian Castillo," untag ko at tinagilid ang ulo ko. Nagpamulsa ako at ngumisi. "You don't know me."
Napaismid si Sebastian at napailing-iling. Tumingin siya sa mga isa sa naka-circus na damit at sinenyasan 'yon, na ikinatango naman nung kausap niya. Lumingon pabalik sa akin si Sebastian at nagkibit-balikat. Sinapo niya ang tiyan niya.
BINABASA MO ANG
Pandora's Academy: Blood & Splendor
ActionWhen Jules, , a troubled child who brought many to death's door, is accepted into a prestigious academy, her family believes it's her last chance at redemption. However, when she's forced to kill on her first day, Jules realizes a terrifying truth:...