Pandora 25: Commotion

424 39 2
                                    

PANDORA

"Ako ang target mo..."usal ni Karen at lumingon kay Pandora. "Why did you shoot her, Kiyuena?!"

Sumulyap si Pandora kay Karen at nakkitang naguguluhan ito sa mga nangyayari. Nakayukom ang kaniyang kamao at mangilid-ngilid ang luha nito habang titig na titig kay Jules na bumagsak na sa sahig.

"Shh, everything's fine now, Lucinda—" Akmang lalapitan pa lamang ni Pandora si Karen nang bigla siyang mapatigil.

"Lufian, please save me..."

Nabitawan ni Pandora ang hawak na baril nang marinig ang mga katagang 'yon mula kay Jules. Napakahakbang siya paatras at tinakpan ang nanginginig na labi, bakas sa kaniyang mga mata ang pagkalito at pagsisi. Kunot noo siyang tumingin kay Karen at nakitang nagpupunas na ito ng kaniyang mga luha. Nanatiling kulay pula ang isa sa asul na mga mata nito.

"Lufian? That name..." mahina niyang sambit na tila may naaalala. "It can't be...Jules is..." Lumingon siya kay Pandora at nanlalaki na ang mga niya nang may mapagtanto. "And you...Kiyuena, you called me Lucinda."

"Who the fuck are you?!" galit na bulyaw ni Pandora at ginamit ang kaniyang patalim upang itutok tungo kay Karen. "I don't know anyone who have the gift of Pandora except me and my sister. How dare you fool me!"

"Jules!"

Parehas na naputol ang tensyon sa pagitan nina Karen at Pandora nang biglang may sumigaw sa pangalan ni Jules. Napatingin sila at naabutan nila ang isang babaeng sugatan na hinahabol ng mga tauhan ni Pandora papasok ng underground arena. Nagtama ang paningin nina Pandora at ng kararating lamang na babae at napasinghap nalang ito sa kaniyang nasilayan.

"L-Leo?"

"Pandora, what the fuck did you just do?" bulalas ni Leo at binuhat si Jules sa kaniyang mga bisig. Nakakunot ang kaniyang noo at lumukot ang mukha nang makita ang kalagayan ng apprentice. Hinagkan niya ito at pinakiramdam ang pulso at init nito.

"How can you even stay here when you're Academy's in danger?" bulalas ni Leo.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Lydia just made her first move, while you're down here making bad choices."

Hindi na nakasagot si Pandora nang pinaglandakan sa kaniya ni Leo ang kaniyang pagkakamali. Sininghalan lamang siya ni Leo at binalik ang atensyon kay Jules.

"Stay with me, Jules. Stay with me."

Dahil narin abala si Leo sa kalagayan ni Jules, hindi niya na napansin pa ang mga tauhan ni Pandora na nakaaligid lamang sa kaniya at naghihintay upang atakihin siya. Nang mapansin nilang wala na itong pakielam sa paligid at nagdadalamhati sa kondisyon ng bitbit na babae, hindi na sila nag-aksaya ng oras at agad na inatake si Leo.

"No!" biglang sigaw ni Pandora kaya napatigil din ang mga tauhan niya at tumingin sa kaniya. "Don't hurt them. Samahan niyo sila palabas." Inangat niya ang kaniyang paningin at malambot na ang ekspresyon ng mukha nito. "Please, keep them safe."

"Masusunod, Pandora..." tugon ng isa sa mga tauhan niya at iginaya na sina Leo ato Jules palabas ng underground arena. Bago pa man makaalis ang dalawa, tinapunan pa siya ni Leo ng isang masamang tingin na para bang handa itong patayin siya sa mismong oras na iyon.

Nagising sa reyalidad si Pandora nang may maramdamang bala na dumaan sa kaniyang pisngi. Agad siyang naalerto at lumingon sa pinanggagalingan nito. Hindi tulad kanina na naguguluhan lang, iba na ang nakapinta sa mukha ni Karen ngayon.

Poot, galit, hinagpis. Para nitong sinusunog si Pandora nang buhay gamit lamang ang kaniyang mga titig. Tinutok niya ang baril kay Pandora at kapansin-pansin ang panginginig ng katawan nito.

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon