Pandora 13: Scroll

498 45 2
                                    

ASEL JULES CARSON

"A-apprentice?" usal ko. Tumango-tango naman siya at tinangka pa ulit akong hawakan nang iiwas ko na ang mukha ko. Kulang pa ako sa tulog at mas lalo lang nag-iinit ang dugo ngayong nakaririnig ako ng mga ganitong bagay. Can this Academy stop feeding me with its bullshit?

"Alam kong naguguluhan ka," saad niya at umabante muli. May kung ano sa galaw ng katawan niya na nagpakaba agad sa akin. "Pero pasensya na, kailangan ko kasing gawin 'to."

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang niyukom ang kaniyang kamao at sinimulan akong atakihin. I dodged her first swing, as well as her following punches with my fast reflexes. Still, it doesn't change the fact that my head feels light as a feather. Nahihilo pa rin ako sa antok.

"Not bad," komento niya at pinagpatuloy ang pagpapaulan sa akin ng suntok. Hindi rin makakatakas sa pakiramdam ko ang paa niya na minsan ay inaatake rin ako nang pasorpresa. Sa lahat ng mga nakalaban ko, siya lang ang nakakapagpaatras sa akin nang ganito na wala manlang magawa upang masuklian lahat ng atake niya. Ramdam ko na hindi niya balak saktan ako at pawang tinitignan lamang ang kakayahan ko.

May kinalaman ba 'yon sa pagiging apprentice niya? How the hell did she even know me—

"We are finally given the opportunity to showcase your talents to your future patrons. Kindly proceed to the Labyrinth within 15 minutes."

Damn, Pandora did tell us that she has special guests for the Labyrinth event.

Binalik ko ang tingin ko kay Leo at malaki pa rin ang ngisi nito.

Is Leo one of those patrons?

Sa kakaisip ko, hindi ko na namalayan ang malamig na semento na nasa likuran ko. Inilapat ni Leo ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng aking ulo at maigi akong tinitigan. Mag kasing taas lang naman kami kaya hindi siya nahirapan. Halos maduling na ako sa lapit ng mukha niya sa akin.

"Why don't you fight me back? Scared?" pang-uuyam niya pa. Hindi ko siya tinugon at sinabayan lamang ang mga malalamig niyang titig. Hindi ako magpapadala sa pang-aasar niya. Kung tama ang hula ko, isa itong pagsusulit. Wala akong rason para patunayan ang sarili ko ngayong ako na nga ang pinili niya.

But can I sleep first, please?

Biglaan siyang ngumiti nang walang dahilan. Inalis niya ang nakalapat na dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng aking ulo at nagpamulsa.

"I really like you," halos pabulong niyang sambit sa mukha ko. "Alam kong hindi ka nakatulog buong gabi kasi ikaw ang nagbantay sa grupo ninyo, and to think na ganito na ang reflexes mo ngayong may handicap ka, ano pa kaya kapag ayos na ang kalagayan mo, hindi ba?"

I knew it. Talagang pinapanood nila kami sa loob ng Labyrinth. Every move, every decision, every turn—they saw all of them. Mabuti na lamang at hindi talaga ako nagtiwala na may pagtataguan mula sa mga mata ng Academy na ito. I may have sacrificed my sleep, but I managed to save my cursed secret.

"Okay, enough with all that," saad ni Leo at ngumiti. "Let's settle this."

Napasinghap ako nang walang pasabi niyang nilapat ang kaniyang labi sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi ko manlang nagawa siyang itulak. Mabilis din naman siyang lumayo pero hindi ko pa rin mapigilan ang paglaki ng mga mata ko.

Sinamaan ko siya ng tingin, dahilan para tumawa siya.

"I'm being nice! Don't look at me like that. It's just a form of greeting," pagrarason niya pa.

Tumaas ang kilay ko. "I'm pretty sure kiss as a greeting is performed on the cheeks, not on the lips."

"Oh, bago na pala," pagbibiro niya pa.

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon