Pandora 31: Dance of Fan and Blades

497 38 3
                                    

LUFIAN

"Lucy?" tawag ng isang batang Lufian habang kinakatok ang kwarto ng nakababatang kapatid. Nakatago ang isa niyang kamay, hawak-hawak ang isang kahon na naglalaman ng kaniyang ginawang regalo. Hindi mabura ang ngiti sa mukha ni Lufian habang sinusubukang isipin ang reaksyon ng batang kapatid oras na makuha nito ang kaniyang regalo.

"Lucy? Are you there?" pagtawag muli ni Lufian at kumatok, ngunit mabilis ding nabura ang ngiti sa kaniyang mga labi nang wala pa ring sumagot pabalik sa kaniya. Tila nagkaroon ng isang masamang kutob si Lufian at nilapat ang kaniyang kamay sa seradura. Mahina lamang siyang napasinghap nang napihit niya ito nang walang hirap. Binuksan niya na ang kwarto at pumasok sa loob. Nabitawan niya ang regalong bitbit nang makita ang kaniyang kakambal na nasa ibabaw ng bunsong kapatid at nakapulupot ang mga daliri paikot sa leeg dito.

"Bitawan mo si Lucinda!" sigaw ni Lufian at tinulak agad ang kakambal. Tumalsik naman agad si Lydia sa pader at napasapo agad ang ulo sa may pader. Dumaing pa ito at bahagyang nahilo. Hindi siya pinansin ni Lufian at niyakap agad ang bunsong kapatid na namumutla pa rin sa pagkakasal ni Lydia. Hinawakan niya ang dalawang pisngi nito at pinagmasdan siyang namumunghay ang mga mata.

"What the fuck, Lydia? Did you drug her?!" bulalas ni Lufian at sinandal ang bunso sa may kama. Hinarap niya ang kakambal at hinatak ang kwelyo nito, dahilan para mapatayo ito kahit hilong-hilo pa rin sa tamang natamo kanina. 

"What do you think you are doing?!" Nanlilisik ang pulang mga mata ni Lufian habang nanginginig ang katawan sa galit. Subalit, tila nang-asar pa ang reaksyon ni Lydia at nginisian lamang siya nito. Nagsimula siyang magbilang.

"1...2..."

Kumurap si Lufian at medyo lumuwag ang pagkakahawak kay Lydia. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkalito sa inaasta ng kapatid. Sinamantala ni Lydia ang pagkakataon at inangat ang kaniyang kamay. Agad na nag-abang upang dumepensa si Lufian, subalit ganoon na lamang ang gulat niya nang biglang suntukin ni Lydia ang sarili sa mukha. Nabitawan siya ni Lufian at lumagapak sa may sahig. Nataon ding dumanggil ang katawan ni Lydia sa malapit na mga cabinet at bumagsak sa kaniya ang ilang mga gamit na naroroon. 

"L-Lydia..." litong-litong usal ni Lufian at akmang lalapit na siya nang biglang umangat ang labi ni Lydia, kahit may pasa na ito sa kaniyang pisngi. Inangat niya ang kaniyang tingin.

"They're here."

"Anong nangyayari rito?!"

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Lufian nang marinig ang boses ng kanilang ama na nasa pintuan ng kwarto ni Lucinda. Dahan-dahan niyang pinihit ang mga paa patungo sa kaniyang ama at agad na nangilid ang luha nang mapagtanto kung ano ang nangyayari. 

"S-Sir..."

"Lucinda!" bulalas ng kaniyang ama nang makita ang walang malay na anaksa may higaan. May mga hakbang pang tumunog mula sa kahoy na sahig at sunod na pumasok naman ang isang babaeng nakasuot pa ng roba at nag-aalalang pinagmasdan ang mga nangyayari. Tulad ng kanilang ama, puminta rin ang pangamba sa mukha nito at dumiretso naman kay Lydia. 

"Honey, what happened to you?" malumanay na tanong ng nanay habang inaalalayang tumayo ang kaniyang panganay. "Stop crying, Mum's here now. Everything's alright, okay?"

Napayukom si Lufian nang kaniyang mga kamao at napapikit nang mariin upang pigilan ang kaniyang mga luha sa pagkawala. Naramdaman niya ang pagbigat ng kaniyang paghinga. Maliban sa sama ng loob mula sa kakambal na naglagay sa kaniya sa ganoong sitwasyon, pinaalala lamang ng pagkakataong 'yon kung ano ang pakiramdam na maging mag-isa sa loob ng sarili nilang tahanan. 

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon