ASEL JULES CARSON
"Y-you're an interesting fella, huh?" utal niyang sambit. Nginisian ko lang siya at diniinan ang paa ko na nasa tiyan niya. Napadaing siya dahil sa ginawa ko pero hindi manlang nawala ang ngiti sa mga labi niya.
Anak ng. Anong problema ng taong 'to?
Tumawa siya. "Alright..." Naging seryoso bigla ang mukha niya at hinawakan niya ang binti ko habang diretso ang tingin sa 'kin. "Playtime's over, newbie."
Napasinghap ako nang bigla niyang ikutin ang binti ko, dahilan para mawalan ako nang balanse. Tila nabalutan na naman ng ulap ang ulo ko at umikot na naman ang paligid ko. Sudden movements make me sick. What the heck is that poison she injected me? I can't go on like this!
Pumikit ako nang mariin at hinigit ang hininga ko. Pinakiramdam ko ang binti ko at napagtantong wala namang bali 'yon. The girl just wanted to escape from me, but she didn't mean any harm...yet.
Minulat ko ang mga mata ko at inangat ang tingin, pilit na tinatanaw ang babae na tumatakbo na papalayo mula sa akin. Bago pa man siya makalayo, tumayo na ako sa mga paa ko at sinundan siya. Kahit bawat tapak ko ay siyang pag-ikot ng paningin ko, sumasandal nalang ako agad sa kung anumang mga bagay ang pwede kong mahawakan hanggang makapasok na ako sa loob mismo ng dormitory. Nagkatinginan naman kami ng naaninag kong lalaki sa may front desk at kumunot naman agad ang noo niya nang makita ako.
"Are you okay, ma'am?" tanong niya. Tutugon pa lamang ako nang biglang lumapit sa kaniya si Catherine at ngumiti nang pakatamis-tamis.
"Hi, Noel. She's Asel Jules Carson and she's new here. Siya 'yong sinasabi kong inaantay ko kanina pa," aniya. Tumango-tango naman 'yong lalaking tinawag niyang Noel.
"Ganoon po ba, pero bakit parang masama po ang pakiramdam niya?" pagtataka nung lalaki.
"May jetlag pa kasi yata siya." Lumapit naman agad sa akin si Catherine at dinantay ang braso ko sa kaniya. Hinugot ko naman iyon agad pabalik at sinamaan lang siya nang tingin. "But as you can see, she's fine. Ayaw ngang magpa-alalay."
Blasphemies. This girl just tried to kill me a while ago and now she's trying to act like we're friends in front of this Noel? How stupid is that?
"Okay, Ms. Catherine. I'll just input her arrival in my data base." Tumango nalang 'yong lalaki at may sinimulang i-input sa computer niya. "Ano po bang room number niya?"
Ibubuka ko palang ang bibig ko nang biglang magsalita ulit 'tong katabi ko. "Same room as me. 204."
What? Ka-dorm ko pa siya? Do the heavens really hate me so much?
"Noted po. Here's your room card, Ms. Asel," sambit niya at nilagay sa harapan niya ang isang kumikinang na card. Hinarangan ko agad gamit ang katawan ko si Catherine nang bigla itong gumalaw na para bang siya ang kukuha ng card ko. Tinapunan ko lang siya ng tingin na huwag na siyang makielam at kinuha na 'yong card na nasa front desk.
"Jules..." saad ko na ikununot ng noo nitong si Noel. "Jules ang itawag mo sa 'kin."
"Ah." Nakita kong napalunok siya dahil sa tono ng pananalita ko. "Okay po, Ms. Jules."
Bumalik ang tingin sa akin ni Catherine at nginitian niya pa rin nang pagkalaki-laki. Looking at her right now, she looks so harmless. Her appearance is like that of a typical girl who's full of joy and laughter that you won't even think that she can prick your hand with poison at first meeting and let you suffer.
Yes, it doesn't make sense. At all.
Aktong dadakmain niya na naman ang braso ko nang iniwas ko agad 'yon at inunahan siya sa elevator. Huminga ako nang malalim at nawala-wala narin naman ang hilo sa sistema ko. I think the poison isn't that great in the first place. Pinindot ko agad ang 2nd Floor at sumandal sa pader, habang si Catherine, walang imik na ngumunguya ng ninakaw niya sa 'king bubblegum.
BINABASA MO ANG
Pandora's Academy: Blood & Splendor
ActionWhen Jules, , a troubled child who brought many to death's door, is accepted into a prestigious academy, her family believes it's her last chance at redemption. However, when she's forced to kill on her first day, Jules realizes a terrifying truth:...