Pandora 16: Criss Cross

490 38 1
                                    

ASEL JULES CARSON

"Do you really wanna die?"

Napapigil ako ng aking hininga nang halos ilang dangkal na lamang ang pagitan ng kamao ni Leo sa mukha ko. Binawi niya 'yon agad at napalipat naman ang tingin ko sa mukha niya. Magkasalubong na naman ang kilay nito at halatang nanggigigil sa akin sa inis.

"Man, bakit ka ba nagkakaganiyan? You were doing so good the past months!" bulalas niya at napasabunot pa sa buhok niya. She threw her head high and rested both of her hands on her waist. She inhaled sharply out of frustration.

"Look, let's do it one more time," sambit ko na lamang at pinosisyon na muli ang mga kamao ko para labanan siya. "Hindi na 'yon mauulit pa."

Napailing-iling siya. "Ilang araw ko na iyang naririnig sa 'yo, Jules," asik niya at bigla na lamang akong tinalikuran. Walang pasabi siyang naglakad papalayo sa tinitirhan naming bahay at naglaho sa gitna ng kagubatan. Bumuga ako ng hangin at pinili na lamang umupo sa lupa. Napahilamos ako ng aking mukha.

"Get your shit together, Jules..." saad ko sa sarili ko at inangat ang aking paningin. Sinalubong lamang ako ng mga puno at huni ng mga ibon sa sobrang tahimik ng paligid. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Wala pa rin siya. Sa ganitong pagkakataon siya lumilitaw at pinagsasamantalahan ang oras na mahina ako, pero kahit anong gawin o maramdaman ko ngayon, tila wala na siyang balak magpakita pa.

Naglaho na siya.

Hindi ba't dapat masaya ako dahil wala si Lucy sa isip ko? Na hindi niya na ako gagambalain pa at guguluhin pa, pero bakit ganito? Parang may kulang sa akin ngayong wala na siya. I seemed to lose the ability to process my emotions when she's not here with me, no matter how much her presence drains me.

Ang huling pagkakataon ko na lamang na nakita at narinig siya ay 'yong araw din na namatay sa mga kamay ko si Creed.

Napatingin ako sa itaas nang matandaan ang nangyari nung nakaraang linggo. Niyukom ko ang aking mga kamao at inalala ang mga nangyari.

***

"Jules, anong ginagawa mo?" inis na bungad sa akin ni Leo nang makarating siya sa kwartong kinalalagyan namin ni Creed. Lumapit siya sa akin at pilit akong hinatak papalayo sa bangkay ni Creed na nasa mga braso ko.

"Hindi dapat tayo matagal dito. Tara na!" singhal niya at hinatak akong muli, pero hindi ako nagpadala at tinulak ko siya palayo. Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ako nagpatinag. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi sakit. Maski ang isipan ko ay gulong-gulo na sa mga nangyayari. Pero kahit na ganoon, hindi ko magawang umiyak. Wala ni isang luha ang pumapatak sa mga mata ko, kahit pakiramdam ko, parang lason na pumapatay sa akin ang dugo ni Creed na nasa mga kamay ko.

Nanginig ang mga labi ko habang dahan-dahang dinuro si Leo. Nanlalaki pa rin ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.

"You knew all along, don't you?" tanong ko at bumulyaw na sa kaniya. "Alam mong siya rin ang kliyente natin sa misyong 'to?!"

Sandaling natahimik si Leo dahil sa tono ko at binaba niya na ang mga kamay niya. Sumulyap siya sandali sa bangkay ni Creed at binalik ang tingin sa 'kin, saka siya humakbang papalapit.

"Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin ito, Jules," masuyong sambit niya, halata na ayaw niya na akong i-provoke pa sa kalagayan kong ito. Pero hindi magawang makinig ng sistema ko sa sitwasyon namin ngayon. My head is in turmoil and my body can't do anything but to act rashly on my thoughts. I feel like I'm going to explode.

"Leo," tawag ko sa kaniya at inangat ang paningin ko. Lumunok ako at sinabi ang totoo. "I was not the one who killed her."

Halatang naguluhan si Leo sa narinig dahil sa pagkunot ng noo niya. Tinuro niya ang bintana. "What are you saying? I was there, Jules! Nakita ko ang pagkalabit mo sa gantilyo ng baril na hawak mo. There was no one else here other than you two!"

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon