Pandora 34: Traitor

383 33 10
                                    

ASEL JULES CARSON

"My mind's fucked up, isn't it?" usal ko habang nanlalaki ang mga mata. "Creed is dead and Lucy is supposed to exist inside of my head, but why..." Inangat ko ang paningin ko at sinalubong muli ang tingin ng dalawang taong bumabagabag sa reyalidad ko. "...But why are you two here?!"

"Don't just stand there! Nagiging pabigat ka lang!"

"Get her out of the way!"

"Stay behind me, Asel!"

Napatakip ako ng mga tenga ko nang parang mga yinuyuping lata ang tunog ng mga boses na nasa paligid ko. Ilang beses ko naring kinurap ang mga mata ko, pero nanatiling nagdadalawa ang paningin ko at nagiging pula ang mga anino. Hindi ko alam kung paano ko pa nagagawang makatayo sa mga paa ko, pero sigurado ako na wala akong kakayahan ngayon na kontrolin ang buong katawan ko.

"Damn, the traps aren't even working on them! They're basically zombies at this point!"

"Hey! Those are my chips, you ugly zombie!"

"We need to retreat! Now!"

Parang isang sirang makina ang isipan ko. Hindi matahi ng utak ko ang mga naririnig kong salita; Tanging ang tibok ng puso ko at ang nakakabinging ingay na 'yon ang narerehistro ng sistema ko.

Ang malala pa rito, sa gitna ng kaguluhan na kinasasangkutan ko ngayon, napapaligiran pa ako ng mga pigurang hindi ko dapat nakikita. Napapikit ako nang mariin nang marinig ko ang mga bulong nila sa tenga ko.

"You're weak on your own, Jules."

"You're nothing but a burden to your team."

"You should just curl up and cry; like what you always do when you were a child."

"Shut up," gigil kong sambit at pinagkatitigan sila. "Both of you are not real. Your words mean nothing to me."

"I'm not so sure about that."

"Our words cut deeply into your soul, because you are aware that our voices represent the screams of your heart."

"Stop it," saad ko at niyukom ang aking mga kamao. Matalim kong tinitigan ang imahe nina Lucy at Creed na nakangisi lang sa kalagayan ko ngayon. Naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko sa galit at ang pagtingkad lalo ng kulay pula sa mga nakikita ko. 

"Dumb, worthless, and pathetic. That is who you are, Jules."

"Dumb, worthless, and pathetic. That is who you are, Jules."

"Dumb, worthless, and pathetic. That is who you are, Jules."

"Shut the hell up!" Kusang gumalaw ang katawan ko at tumakbo sa pinakamalapit na pigura mula sa pwesto ko. Hindi ako nag-aksaya ng oras at nilabas sa mga kamao ko ang lahat ng nararamdaman ko. Sa bawat paglapat ng kamao ko sa balat ng iba, tila mas lalong gumagaan ang pakiramdam ko. Parang musika sa aking tenga ang mga daing na pinapakawalan nila. Gusto ko rin ang obrang binibigay nila sa bawat talsik ng dugo nila sa lupa at sa mukha ko.

Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan ko nang unti-unti nang lumilinaw ang paningin ko, at ang tanging nakikita ko lang ay ang pulang kulay na 'yon na nakapinta sa katawan ng kaharap ko ngayon.

Blood. 

"Succumb to your thirst, Jules."

"Unleash the monster within you."

Napalunok ako at unti-unting ngumisi nang nagsisimula na akong lamunin ng mga bulong nina Lucy at Creed. Nilapat ko muli ang kamay ko sa taong 'yon na nasa harapan ko at pinakiramdaman ang pulso niya na tumitibok sa ilalim ng palad ko.

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon