Pandora 02: Case Closed

825 50 3
                                    

ASEL JULES CARSON

Halos hindi ako kumukurap habang lumalaban si Marize sa arena. At first, I was worried to see her ass being beaten up by those so-called notorious criminals, but the way she puts herself out there...parang sanay na sanay na siya sa ganito. Her moves are graceful, and her tactics proved that her ballet shoes are just not a mere decoration.

It's her weapon.

The criminals couldn't do anything but to kneel in front of Marize after she waltzed her way to them. Her fighting style reminds me of serene waters; it's flowing with deadly elegance that could capture her victim in her swift attacks. Habang may pamaypay na hawak at sumasayaw, ganoon din ang pagsabog ng mga utak na nasa kaniyang harapan. They all fell lifelessly on the ground, bathing in their own blood.

I saw Marize inhaled softly and stood gracefully at the center of the platform, closing her fan with her fingertips. The crowd roared in amusement like these scenes are their favorite entertainment.

Parang nalimutan ko na yatang huminga. Nakapabilis ng mga pangyayari na sa isang iglap, napatumba niya ang mga iyon nang walang kahira-hirap. I can't even believe that this girl is the same Marize that was with us minutes ago.

She's a monster.

"What an astounding performance from Marize Monteverde. Thank you so much for the eye candy! The results came in and congratulations, you now belong to the zone of Shivers!"

Ngumiti si Marize at nagawa pang mag-bow bago siya bumaba ng arena. May mga sumalubong agad sa kaniyang mga tao na naka kulay silver uniforms at tuwang-tuwa pa sa kaniya. She blended in by wearing a vest that symbolizes her zone.

"For the next performance, may I call on Asel Jules Carson to come on stage!"

My heart skipped a beat when I heard my name. The crowd turned quiet, and the spotlight shone above me. Napasulyap ako kay Catherine nang bigla niyang hawakan ang braso ko.

"Stay alive, Jules," rinig kong bulong niya.

Tinignan ko ang mga mata at nakita ko ang pag-aalala ng mga 'yon. Marahan kong binawi ang braso ko at tumayo na habang nilalamon pa rin ng ingay sa paligid ang pandinig ko. Subalit, mas malakas pa rin ang tunog ng puso ko ngayon na parang nilulunod ang isip ko sa takot at kaba.

It's my turn now.

I never killed someone before. Hindi ako tulad ni Marize na para bang sanay na sa mga ganoong eksena, at aaminin ko, natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Sa mga pwede kong magawa.

This place...for some reason, it excites me. There are no rules to break, and this is the first time in my life that I've ever felt so free.

And this feeling...it scares me the most.

What if I lose my self again?

Nang makalapit ako sa may Combat Arena ay tumalon ko at umikot sa ere papasok doon, dahilan para mapuno ng hiyawan ang buong lugar. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko oras na bumagsak ang mga paa ko sa platform.

Gaya ng kay Marize, namatay ang ilaw at tila may anghel na dumaan sa biglang pagtahimik ng paligid. Napaawang ang labi ko habang palakas nang palakas ang tunog ng puso sa mga tenga ko. I feel like I'm anticipating something amidst this darkness.

Pagkabukas ng ilaw ay sumalubong sa akin ang mga kalalakihan na lalabanan ko. Katulad din ito ng mga kalaban ni Marize kanina namalalaki ang katawan at maraming marka ng kanilang mga nakaraang laban.

"Jules, the rules are the same. Just survive for 20 minutes, and don't let yourself be killed by those criminals. Have fun and stay alive!"

Nang nawala ang boses sa speakers, bumalik ang pagbalot ng katahimikan sa paligid. Pinagmasdan ko lamang ang mga kalaban ko at ganoon lang din sila sa akin. Bakas sa mga mata nila na gusto nilang manalo sa seremonyang ito.

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon