ASEL JULES CARSON
"Hindi pala magkakaaway ang mga zone, huh?" sarkastiko kong saad habang pinagmamasdan ang paligid. Matapos kasi ng lecture ni Mr. Shawn, hinatid niya na kami sa shooting ground na page-ensayuhan namin. Tatlong section ang naririto ngayon, isa na kami na Class 44, at 'yong natirang dalawa ay galing na sa Shiver at Crypto. Halata ang distansya ng zone mula sa isa't-isa, at kahit wala silang sinasabi sa ibang zone, ramdam ko ang tensyon na namumuo sa pagitan namin.
Lumingon ako sa grupo ng mga naka-itim na vest na nasa kanan lang ng zone namin. It's actually my first time to see Crypto people in flesh. Hindi na kasi ako naninibago sa mga Shiver dahil lagi ko silang nakikita sa tuwing pinupuntahan ng mga ka-zone ni Marize ang dorm namin para sunduin siya. Wala namang masyadong pinagkaiba ang mga estudyante maliban sa vest namin na sumasagisag sa zone namin.
"Well, humans are competitive creatures," banggit ni Catherine na nasa tabi ko lang at nag-iintay rin na tawagin sa platform. Inalok niya ako ng kinakain niyang candy na inilingan ko lang at pinakita pa ang bubblegum sa kamay ko. Binalatan ko na 'yon at sinalpak sa bunganga ko.
"Hindi ka ba napapagod kakanguya?" tanong ni Catherine habang magkasalubong ang kilay. Hindi ko siya pinansin at nagmasid ulit. Mula sa malayo, nakita ko si Marize na may mga kausap. Hinawi niya pa ang buhok niya habang nakangiti nang malapad. She wears the women's uniform like Catherine, pero iba ang itsura ng skirt niya. Imbes kasi na pleated, isang tutu ang suot niya—siguro para makaterno ng lagi niyang suot na ballet shoes.
"You're here too."
Napapikit muna ako nang marinig ang boses na iyon at saka siya nilingon. Nagsalubong agad ang mga tingin namin at nakita ko naman ang mga ngisi niyang 'yon. Naglakad siya tungo sa amin at tumayo sa mismong harapan namin. Habang suot pa rin ang malapad na ngiti na 'yon, pilit niyang siniksik ang sarili niya sa gitna namin ni Catherine, dahilan para mausog siya sa pinakadulo.
Nakita kong ngumuso si Catherine sa akin. "Ipagpapalit mo ba talaga ako sa babaerong 'to, Jules?"
"Hindi ako babaero!" pagtatanggol naman ni Sebastian sa sarili niya. Napailing nalang ako at napairap bago tumayo sa pwesto ko. Magbangayan sila riyan sa isang tabi, wala akong pakielam basta huwag nila akong idadamay.
"Wait. Saan ka pupunta? Jules!"
"Kung sana hindi lang umandar 'yang bibig mo, edi sana hindi umalis."
Pumunta ako sa grupo ng mga estudyante na ka-zone ko at doon lang tumayo sa gilid. I'm attempting to blend in into the crowd without the need to talk to someone. Unlike Marize, I don't have the energy and the patience to handle conversations, especially small talks.
Alam ko naman na importante ang small talks, lalong-lalo kapag wala ka pa naman kakilala at kailangan mong ilatag ang ilang bagay tungkol sa sarili mo, pero sa case ko, wala akong nakikitang rason para gawin ko pa 'yon. Catherine is already enough to drain half of my energy for the rest of the day, ayokong may dumagdag pa na iba.
Napakurap ako at naputol ang pag-iisip nang may umakyat na lamig sa likod ko. I know this feeling.
Luminga ako sa paligid at hinanap ang pinapanggagalingan ng mga titig na 'yon. Someone's looking at me. Siguro ako roon. Pero hindi tulad nung nangyari sa cafeteria nung isang araw, walang mahagip ang mata ko ngayon na kakaiba. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Magaling magtago ng presensya ang isang 'yon.
"You look hot when you're deep in thought."
Napabuga ako ng hangin nang marinig na naman ang boses niya. Inis ko siyang hinarap at naabutan ko siyang hinahawi ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. Humakbang ako paatras nang mapansin ang distansya naming dalawa at saka umiwas ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
Pandora's Academy: Blood & Splendor
ActionWhen Jules, , a troubled child who brought many to death's door, is accepted into a prestigious academy, her family believes it's her last chance at redemption. However, when she's forced to kill on her first day, Jules realizes a terrifying truth:...