Pandora 09: Purge

599 42 1
                                    

ASEL JULES CARSON

"Ano pong nangyari sa kaniya?" tanong sa akin ng nurse pagpasok ko palang ng Infirmary. Sinulyapan ko ang babaeng buhat-buhat ko na parang bigas sa may balikat ko na napagod na sa pagpupumiglas, at saka binalik ang tingin sa nurse.

"She's crazy," diretsahan kong sambit kaya nakaramdam agad ako ng hampas sa likuran ko. Napasinghal ako at pinisil ang hita niya kaya napatili siya at tumigil din naman. Nakauwang lang ang bibig ng nurse habang pinapanood kami. Sarkastiko ko siyang nginitan at nilagpasan na.

Pabalibag kong binaba si Karen sa may higaan at umupo sa tabi niya. Magkasalubong pa rin ang mga kilay niya at matalim ang titig ng kaniyang asul na mga mata.

"You..." asik niya. Napairap ako.

"Look, genius bitch," Napakurap siya, hindi siguro sigurado kung pinupuri ko siya o iniinsulto dahil sa tinatawag ko sa kaniya, "I am not Pandora. Bakit ba hindi mo ko pinaniniwalaan? Kanina ka pa."

"N-no, I didn't have the courage before, pero ngayon hindi na kita patatakasin pa!" bulyaw niya at tinangka ulit hawakan ang mukha ko. Sinalo ko naman agad ang mga kamay niya at tinulak siya palayo kaya humampas ang likod niya sa may headboard. Nalukot ang mukha niya dahil sa sakit.

"Seriously, what is your deal?" singhal ko. Napipikon na ako sa inaasta niya. Paulit-ulit ko nang sinasabi na hindi ako si Pandora, at wala naman siyang napapala sa paghimas-himas ng mukha ko na para bang may hinahanap siya.

Umayos siya nang upo at napatulala. "Impossible."

Napairap ako. "Get your shit together, Karen."

Nanatili siyang tulala na para bang malalim ang iniisip. "But you're a Legendary. Nakasuot ka rin ng prosthetic face mask. I'm sure of it!"

Napailing-iling nalang ako at napabuga ng hangin. Kinuha ko ang kamay niya at pinatong ang palad niya sa mukha ko. Ako na mismo ang humimas ng mukha ko gamit ang kamay niya para ang patunayan na mali siya.

"See? No mask," saad ko at binitawan na ang kamay niya. Tumayo na ako at hinawi ang kurtina. "Maiwan na kita. I need to rest. Our encounter drained me today."

"Wait!" rinig kong bulalas niya pero hindi ko na siya pinansin pa at dumiretso papaalis.

Kaso ang huli, saksakan yata ng kulit at naramdaman ko pa ang pagsunod niya sa likuran ko. Inikot ko ang mga paa ko at akmang itutulak siya palayo nang biglang masalo ng taong 'yon ang mga kamay ko. Nang i-angat ko ang paningin ko, imbes na asul na mga mata at blonde na buhok ang sumalubong sa akin, isang estrangherong lalaki na may suot na labcoat ang nakita ko. His long blue hair is pulled up into a ponytail and his eyes resembled the color of ashes. Blangko lang ang ekpresyon niya.

Nagsalubong ang kilay ko at hinugot pagbalik ang mga braso ko. "Who are you?"

"I'm Dr. Charles Phyton," pagpapakilala niya at biglang tinuro ang pwesto ni Karen. "Did she also call you Pandora?"

Kahit na hindi pa rin ako komportable sa presensya ng doctor na ito, mas pinili ko nalang kumalma at titigan siya.

"Oo," sagot ko. "Madalas ba 'to mangyari?"

Tumango siya. "Oo. Pagpasensyahan mo nalang."

Tinignan ko pa siya kung may sasabihin pa siya pero lumipas ang ilang minuto at hindi na siya nagsalita pa. Pinihit ko na ang mga paa ko tungo sa pinto at binuksan na 'yon. Subalit, bago pa man ako makaalis, narinig ko ulit ang boses ng doctor.

"Karen may be wrong this time, but please be careful from now on, Ms. Carson."

***

"Saan ka galing?" tanong sa akin ni Catherine pagbalik ko ng dorm. Naabutan ko sila ni Marize na naglalaro sa switch niya. Dumiretso ako sa may sofa at sumalampa. Binaba ko ang sombrero ko at pinikit ang mga mata ko. Hindi na ako nakapag-lunch dahil sa Karen na 'yon, pero mas lamang ang kapaguran ko kaysa gutom.

Pandora's Academy: Blood & SplendorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon